Dream XXX

88 7 0
                                    

Tiara's POV

Nagring ang phone ko. Agad ko naman itong sinagot.

(Hello Tiara?)"Oh Karl napatawag ka?"(Si Kien..Nasa hospital si Kien!)"A..ano?"(Pumunta ka na dito. Doon ka muna sa may chapel then itetext kita kasi nandito pa sila tita and tito ikaw yung sinisisi nila. Nabunggo yung sinasakyan ni Kien kanina.Nacomatose siya Tiara. Ibababa ko na Tiara magkita nalang tayo mamaya.)"Sige salamat Karl."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagiyak. Masyado na ba akong masama? Ito na ba ang kapalit ng mga kasinungalingan ko?

Nagdrive ako papuntang hospital at nagdiretso muna sa chapel habang wala pang text si Karl.

Panginoon ng mga tao tulungan niyo po si Kien. Ayokong makita siyang nahihirapan ng dahil sa akin. Mahal na mahal ko ang lalaking iyon. Kahit na ang lakas ng trip at mahangin ay mahal na mahal ko yun. Kahit na isang linggo akong hindi pinapansin pag nagtatampo siya sa akin ay Mahal na mahal ko parin siya. Kahit nga gaano kalakas at kabangis ng prank niya sa akin ay hindi ko parin siya kayang iwan. Iligtas niyo po siya sa kapahamakan.

Natigilan ako sa pagdadasal ng may lumapit sa akin. Namumukhaan ko sila.

Mga Frosians.

"Mukhang nasa malubhang kalagayan ang iyong mahal Hera."sabi nung isa.

"Natatandaan mo pa ba kami?"sabi naman nung nakablue.

Sino nga ba ang mga to? Hindi ko talaga maisip.

"Kami ang mga healer witch." sabi nung pangatlo. Tama. Sila ang healer witch.

"Wag niyo muna akong isama. Please. Kailangan pa ako ni Kien."sabi ko sa kanila.

"Matutulungan ka naming pagalingin ang iyong minamahal kapalit ng pagbalik mo sa Frosia."sabi ng isang babae.

"Ayokong sumama sa inyo! Gagaling pa si Kien!"tumunog ang cellphone ko.

Nagtext si Karl.Pwede na akong pumunta doon. Sumunod naman yung tatlong healer sa akin.

Pagpasok ko sa pintuan ng kinalalagyan ni Kien ay bumungad sa akin ang walang malay niyang katawan. Ang daming nakakabit dito at alam kong nahihirapan siya.

"Kien.. gumising kana oh. Paggising mo sana hindi kana galit sa akin. Patawarin mo ko." nagsimula ng tumuoo ang mga luha ko."Karl di naman malala yung kalagayan niya diba? Diba Karl?"

"Im sorry Tiara pero sabi ng Doctor ay maliit na chance lang talaga ang pwedeng mabuhay pa siya."

"Bestie!/Hera!" rinig kong pagpasok nila sa pinto. Nakasuot sila ng uniform ng mga nurse. Hindi kasi pwede ang maraming bisita.

"Bestie,Hades,Karl, bantayan niyo si Kien ha. Wag niyo siyang pababayaan. Kung hindi niya na ako maalala pag gising niya. Wag niyo na akong banggitin sa kanya. Gusto ko maging masaya siya. Healers, pumapayag na ako. Sasama na ako sa inyo. Pagalingin niyo lang si Kien. Please.. Please lang.."

Tinaas ng mga healers ang kamay nila at nagliwanag ang paligid.

Kien's POV

"Mahal na mahal kita Kien. Paalam."bago ko pa maidilat ang aking mata ay biglang nagliwanag ang paligid at hindi ko naituloy ang aking pagdilat.

Nang matapos ang liwanag na iyon ay dumilat ako. Naroon si Karl,Bart at Hades.

"Bakit ang lungkot ng mga mukha niyo? Di ba kayo masayang nagising na ako? Nasaan si mom and Dad?"tanong ko sa kanila.

"Wala sila dito. Tatawagan ko nalang sila."sabi ng bestfriend kong si Karl. Parang may kulang sa kanila pero hindi ko alam kung sino.

"Oh kayong dalawa bat ganyan mga mukha niyo? Teka Hades bakit ka nandito? Teka.. Bakit nga ba ako naiinis sayo?" Sa aking pagkakaalam ay naiinis ako kay Hades pero bakit? Anong meron?

"Malapit na pala sila eh! "

"Son!"agad naman akong niyakap ni mommy.

"Hey mom! Namiss mo ako? Saglit lang naman ako nandito!"

"Nagulat lang kami anak. Isa kasing himala ng nangyari." sabi ni Dad at parang may malalim na iniisip.

"Gusto ko na umuwi. Gusto ko na makita si... sino nga ba? Argg! Ano bang nangyayari sa utak ko!" sigaw ko. May part sa memorya ko ang nawawala. Tahimik lang sila. Alam kong may tinatago sila sa akin.

"Maaalala mo din siya."sabi ni Dad. Sana nga dad. Parang malaki ang nawawalang alaala ko. Parang hindi makokompleto ang pagkatao ko kung hindi ko siya maaalala.

Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon