Dream X

128 8 0
                                    

Kien's POV

"Hello bro! Punta ka nga dito! Nasakit na ulo ko! Para ako ditong nagpatira ng batang sinapian ng demonyo!" (bakit naman bro?) "Eh yung Tiara na yun nakakainis sooooobra! Hays!"(Hala bro the more you hate the more you love. )"Gagi! Tsaka parang ang weird niya. Kanina parang may dinadasalan siya. Naririnig ko lang sa kwarto niya. May sapi ata e."(Ano ka bro! Hindi ka kasi nagdadasal! Hahahaha! Baka maingay lang magdasal yun.)"Sige na bye! Bisita ka dito bago ako mamatay sa sakit ng ulo.

Tiara's POV

Bakit kaya hindi nagana dasal ko. Bakit hindi nagkakatotoo. Parang kabaligtaran talaga nangyayari eh. Naguguluhan na ba kayo? Malalaman niyo din kung ano ang pinagdadasal ko. Masyado pang maaga.

Nagbihis na ako at may photoshoot pa ako mamaya para sa isang sikat na magazine. Sa pagkakaalam ko ay makakasama ko mamaya si Kendie. Nagtataka lang ako dahil hindi man lang pinakilala ni Kendie sa public si Kien. Gwapo naman ito. May tinatago kayang sikreto yun? Pero mas okay na din yun dahil baka isipin naman ng mga tao na inagawan ko si Kendie. Hell no! Hindi ako isang MANG-AAGAW!

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko na ang boyfriend ko na nakaupo at tulala. Wow just Wow! I said boyfriend? EEEW! Kadiri.

"HOY! Kien ano nga pala ang endearment natin? Para mukhang couple tayo talaga. Ayoko ng common. Magisip ka."utos ko sa kanya. Wala akong alam sa mga ganyan kaya siya nalang ang magisip. Mukha naman siyang chickboy.


"Kailangan pa ba nun? Hmmm... Saps nalang tutal may sapi ka naman." Binatukan ko siya. Ako? May sapi? Baka siya yun! Nakakairita siya kasama kaya siya ang may sapi.


"Anong saps ! Ayoko non! Korni! Nagkajowa ka ba talaga? "sabi ko sa kanya. Pinagloloko lang naman yata ako nito eh!


"Tss. Wala na nga naiisip eh.. Queen and king nalang! Tutal Sapi queen ka naman ako naman King of kagwapuhan." I roll my eyes. Shet sya. Yabang! Akala mo sinong gwapo. Tss. Makapayag na nga.


"Ok king! Tara na malelate na tayo. Handa ka na bang dumugin ng mga fanboys ko? Hahaha!"pagmamayabang ko sa kanya. Yes, Fanboys! Madami ako niyan gusto mo humingi?


"Kung meron!"pagkontra niya sa akin. Gusto pa ata ipabilang ang fans ko nito eh.


"Anong sabi mo? Bulong bulong ka dyan!" he just smirked on me. Hays kagigil!


Pagbaba namin ng sasakyan ay dinumog na agad kami ng mga press. Grabe! pictorial ang pinunta namin dito hindi kayong mga press.


"Miss Tiara siya ba ang boyfriend mo? ilang years na po ba kayo at nabalitaan naming nagsasama na kayo?"tanong ng isang reporter. Teka lang.. akala ko na common na ang mag live in? Tumingin ako kay Kien at nakangisi sa akin. Humanda ka talaga sakin!


"One year mahigit na kami ni Tiara. Kahapon lang kami naganniversary kaya one year and one day na kami. " One year?? Grabe ka Kien! Humanda ka talaga!


"Saan po kayo nagkakilala ? At bakit ngayon lang po namin nabalitaang may boyfriend kayo?"


"Tara na! May pictorial pa ako!" Hinila ko naman siya


"Bye Fans! Easy lang Tiara. Baka isipin nila na under ako! Sa gwapo kong to!" Tiningnan ko nalang siya ng masama.


Pagpasok ko ay nakita ko naman si Kendie at inirapan ko to. Bigla namang hinawakan ni Kien ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. There's something strange sa dibdib ko nung nagtama  paningin namin.


"Babe!" Bigla kong narinig si Hades. Babe? Panira ng moment. Alam naman niyang may boyfriend ako pababe babe pa siya.


"Pare harap harapan ginagago mo ko. Pwede ba kung ayaw mong magkagulo dito lumayo kana sa girlfriend ko." Hinila ako ni Kien papalayo kay Hades. Oh MY! Nagseselos yata si Boyfie! bwiset naman kasi si Hades eh lapit ng lapit!


Niyakap niya ako. "Wag ka na lalapit sa gagong iyon. Tandaan mo kahit fake lang to, boyfriend mo parin ako." Bigla naman akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. Hayss. Hindi pwede to.


"Bestie Tiara I miss You na!" Si Bart yun. Nakwento ko na din sa kanya yung plano ko. Naglakad ako papunta kay Bart sadyang babanggain ko si Kendie.


"Ouch! Ano ba naman yan hindi nagiingat!" sigaw sakin nito. Arte! Akala mo naman sinong maganda. Tsk.. Nagmamaganda lang naman! Hilaw na haponesa!


"Sorry. I didn't notice you. Akala ko kasi hindi ka kasali sa shoot. Napapayag ko pala sila. Mas gusto ko kasing magkasama tayong maging cover ng Magazine na ito para magkaalaman na." Tinaasan ko siya ng kilay at naglakad palayo.


"Ayusan niyo na tong si Tiara tsaka si Kendie!"sigaw ni Bart.


."Tiara siya ba ang boyfriend mo?" Tanong ng Direktor na kakilala ko. Ow.. May crush nga pala to kay Hades na laging nakabuntot sakin.

"Opo. Kien si Direk Jo nga pala."

"Hello po. Kien Stephor ho." Nilahad ni Kien ang kamay niya.

"OMG! Tiara anak pala ni Kean tong pinatos mo! Bigla bigla kasing nawala yun si Kean sa showbiz! Alam mo pwede kang maging artista!" Napakagwapo naman kasi talaga ni Kien. Pwedeng pwede talaga siyang magmodel at magartista.

"Wala pa po kasi sa isip ko ang pagaartista. Gusto ko lang po talagang suportahan itong girlfriend ko." Nakangiting sabi niya at inakbayan ako.

"O siya.. Tinatawag ka na dun Tiara."

"Goodluck Queen!" Hinalikan niya ako sa noo. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Stop it! Ayoko ng ganitong feeling!

Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon