Dream XXXII

85 7 0
                                    

Kien's POV

Kailangan kong makausap sila Bart,Hades at Karl. Alam kong may alam sila sa mga nangyayari. Tinext ko silang tatlo na magkita dito sa may tapat ng lumang library at makalipas ang kalahating oras ay dumating si Karl.

"Brad, Anong sasabihin mo sakin ba..bakit nandito tayo?" tanong niya.

"Alam ko na ang lahat. Naaalala ko na. Tinulungan ako ng librong ito." Mukhang gulat na gulat siya.

"Saan galing yan?"tanong niya sa akin.

"Dito ko ito nahanap sa lumang library. Pinuslit ko lang. "

"So alam mo na ang lahat? Ang Frosian at Ferno?"

"Oo pero gusto ko lang malaman kung anong kalagayan ni Tiara doon. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makasama."Tumingin siya sa akin. Yung tingin na nakakaloko.

"Napatawad mo na ba?"tanong niya.

"Oo pre. Hindi niya naman kasi kasalanan ang lahat. Alam ko na ang pinqgmulan ng lahat. Naliwanagan ako. Mahal ko talaga siya at kahit pa anong nakaraan niya ay tatanggapin ko dahil ang pagmamahal ay walang basehan,kusa lang ito nararamdaman. Nadala lang ako ng galit ko noong araw na nalaman ko ang lahat. Hindi ko kinaya ang lahat pero hindi ko naisip na mas nahihirapan siya sa mga nangyari dahil dala niya ang lahat ng sakit at guilt sa mga nagawa niya." Nagact naman si Karl na naiyak.

"Drama mo pre! Natatamaw ko.na kotse ni Hades."

"Hey! Anong kailangan mo sakin Kien?"sabi niya pagkababa pqlqng ng kotse.

"Papa Kien! Miss na kita!"-Bart.

"Naaalala ko na ang lahat."sabi ko sa kanila.

"OMG! Di nga? Naaalala mo na si.."

"Tiara Majesty" pagputol ko sa sasabihin niya. "Tulungan niyo ako please. Gusto ko siya ulit makasama." pagkasabi ko noon ay biglang umilaw ang libro kaya binuksan ko ito.

"OMG! Malapit na siyang ikasal kay Zeus! Mamaya na ang kasal nila. "sabi ni Bart.

"Napapalibutan tayo ng mga taga Ferno ngayon at ang librong ito ay maaaring sila ang may kagagawan. May pinaplano sila kaya kailangan nating magplanong mabuti."wika ni Hades na hindi mapakali sa kalalakad.

"Gusto kong pumunta sa Frosia!Gusto kong pigilan ang kasal. Tulungan niyo ako!"nagmamakaawang sabi ko sa kanila.

"Ngunit hindi ka makakapasok sa lagusan dahil isa kang mortal."wika ni Karl.

"OMG! Nagetchi ko na ang gusto ng mga taga Ferno! Gusto nilang pigilan ang kasal nila Zeus para hindi mawala ang lahi nila. Sa oras na maikasal sila ay guguho ang kaharian ng Ferno. Ganun kalakas ang kapangyarihan ng kasal nila. Gusto ng mga taga Ferno na mapigilan ito ng hindi mapapatay si Tiara."sabi ni Bart.

"Pero bakit? Bakit ayaw nilang patayin si Tiara?" tanong ko sa kanya.

"Hades.. Naaalala mo ba yung sanggol na dinala niya sa kaharian matapos ng unang digamaan sa pagitan ng Frosia at Ferno? Isang Ferno ang batang iyon. Sugatan yung sanggol kaya naawa siya. Pinainom niya ito ng kanyang dugo para mapagkamalan itong isang Frosian. Pinagamot niya ito sa mga Healer at muling ibinalik sa Ferno. Laking gulat ni Tiara dahil ang sanggol ay anak ng Hari ng Frosia at iyon ang dahilan kung bakit hindi nila kayang patayin si Tiara. Malaki ang utang na loob nila dito."kwento ni Bart. Napakabait talaga ng babaeng pinakamamahal ko.

"Kung ganun painumin niyo ako ng dugo niyo. Gusto kong iligtas si Tiara. Ako lang dapat ang papakasalan niya."nagtinginan yung tatlo.

Gagawin ko ang lahat, Makasama lang kita Tiara.


Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon