Kien's POV
Halatang nagblush si Tiara sa ginawa ko. Kinikilig ba to sakin? Ang cute niyang tingnan! No.. hindi siya cute! Ano kaba Kien! Ginagamit niyo lang ang isa't isa! Walang cute, hindi siya cute,hindi,hindi,hindi,hindi!
Naalala ko naman si Kendie at bigla akong natuwa sa reaction niya. Halata namang nagseselos siya kanina. Kapag gwapo kasi hindi na dapat pakawalan pa. Iyan tuloy nagsisisi na. Hayss, tao nga naman hindi makuntento sa isa.
"Start na tayo. Ladies dito na kayo. " Lumabas si Kendie galing sa dressing room. Maganda parin siya hanggang ngayon. Lalo siyang pumuti sa gown na suot niya. Matangkad si Kendie at slim ang katawan at mukha siyang haponesa. Pagkatapos niya ay si Tiara naman ang lumabas. Si Tiara naman ay hindi kaputian. Morena lang siya ngunit ang mga mata niya yung pinakanangaakit sa lahat. Wag kayong magisip ng kung ano ano. I'm just describing her.Masyado naman atang labas yung harap niya. Ang daming lalaki nandito pa si Hades.
"Bart pwede bang palabasin muna natin yung mga tao dito. Masyadong maingay." At dahil gwapo ako malakas ako sa mga staff nila. Nakatingin ng masama sakin si Hades na para bang sinsabi ng mga mata niya. 'Humanda ka sa akin Kien kakainin kita ng buhay'.
Nanood lang ako sa kanila habang kinukunan ng lirato. Naiilang akong tumingin kay Tiara. Masyado kasing... basta yun na yun! Nasabi ko na kanina diba? Hindi ko alam kung damit ba o si Tiara talaga ang may problema 'e.
Shet. Bakit ang init sa loob naka full naman ang aircon. Hot ko kasi eh.
Pumasok na ulit sila sa dressing room. Paglabas nila ay meron silang mga pakpak. Si Kendie black na angel then si Tiara ay white. Nakaundie lang sila ngayon. (Parang sa victoria secret models po ang style)
Buti itong photographer na to ay baluktot at hindi sila nahihirapan! Pano naman ako! Haysss! Hirap kaya manood lalo na mga sexy nasa harap mo! Naglaro nalang ako sa cellphone kesa naman iba ang paglaruan ko sa isip ko hays!
Tiara's POV
Matapos kaming kuhaan ay pinuntahan ko agad si Kien na busy kakalaro ng cellphone.
"King! Anong ginagawa mo dyan?" Umupo ako sa tabi niya. "Ui!" Hindi parin niya ako pinapansin. Ganon? Walang pansinan!
"Ano bang problema mo kien? Ha? Pag di ka kumibo aalis ako sa bahay!" Bigla siyang humarap. Tumingin siya sakin at bigla siyang napatingin sa harap ko at bigla naman siyang umiwas ng tingin.
"Magbihis ka na!" Mahina niyang sabi.
"Sorry king!" Nakita ko si Kendie na nakatingin. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi bago umalis.
Di ko maintindihan si Kien. Nung una naming pagkikita eh makahawak ng pwet wagas tapos ngayon hindi makatingin sakin ng diretso dahil sa suot ko? hayss may sapi talaga!
Matapos kong magbihis ay pinuntahan ko agad siya.
"Tara na King date tayo." Yaya ko sa kanya at nginitian naman niya ako.
"Wag ka papayag na magsuot ng ganun pag madaming nanonood. Ayos ba yun Queen?" Nginitian ko nalang siya. Hindi naman pupwede yun hehe. Be professional dapat!

BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty