Dream XXVII

81 6 0
                                    

Kien's POV

Hindi parin maalis sa isip ko yung nakita ko sa kwarto ni Tiara. Ano kayang mga bagay yung nandun? Ang weird talaga . Kailangan kong malaman kung ano yun.

"King anong iniisip mo diyan? Lalim ata ah.. Pupunta dito si Hades mamaya. Pati si bart pupunta din."sabi niya sakin at tumabi sakin sa sofa.

"Ano namang gagawin ng kumag na yon dito?" tanong ko sa kanya. Cheating kaya yang gagawin niya. Tama naman ako diba? Ex is an ex. Bakit pa pupunta yun.

"Ano kaba mangangamusta lang iyon. Wag ka na magalit. Please!" nagpacute pa tong girlfriend ko."Friends lang naman kami tsaka andito naman si Bart."

"Sige sige. Kung hindi lang kita mahal eh!Alis na ko Queen ko aasikasuhin ko muna yung family business namin. I love you." I hugged her at kiniss sa forehead.

"I love you too. Ingat ka ha."

Tiara's POV

May importante daw silang sasabihin sakin. Ano kaya yun. Hindi nalang ipagpabukas.

Ding*dong

"Heto na bubuksan na!"Binuksan ko ang pinto at agad namang bumungad sa akin si Bart at Hades.

"Long time no see Hera. May mahalaga akong sasabihin sa iyo."sabi sa akin ni Hades.

"Pasok muna kayo at dito na tayo magusap sa loob. Kakaalis lang ni Kien."Pumasok na kami ng bahay at hinainan ko muna sila ng makakain.

"Oh, anong sasabihin niyo sakin? Mukhang importante talaga yun ah. Di niyo maipagpabukas at dalawa pa talaga kayo."sabi ko sa kanila at nagtinginan naman silang dalawa.

"Tiara, You really need to know this. It is all about your safety. Hindi ko alam kung papaano ka nila nahanap. Wala akong maisip kung sino ang maaaring nagturo sa ating kinalalagyan. Ikaw, ako, at Apollo lang naman ang nakakaalam."sabi ni Hades. Agad akong nabahala sa aking narinig dahil ano mang oras ay pwede nila akong ibalik sa Frosia.

"Papaano niyo nalaman ang tungkol diyan?"

"Remember my ability? Kaya kong gumawa ng potion na makakapagpalakas ng senses ko. Kaya mas nafefeel ko ang presence ng mga taga Frosia at hindi lang sila basta basta dahil may itim na aurang bumabalot dito."wika ni Hades.

"Anong kailangan nating gawin? I mean ako dahil ako naman talaga ang target nila. Malamang ay hindi lang taga Frosia ang nandirito.Malamang yung black aura na iyon ay galing sa kalaban. Gusto nila akong patayin."

Kien's POV

"Siguro kailangan mo na munang magtago. Sikat ka kaya madali ka nilang nahanap. Any moment ay pwede kang mapatay o pwede kang ibalik sa Frosia. Bestie I will never ever let that happen to you." si Bart ata yung nagsasalita.

Naririnig ko sila. Lahat lahat ng pinaguusapan nila. Paano? Simple lang iniwan ko yung isang phone ko na nakatawag dito sa isa kong phone. Gusto ko lang kasing makasiguro na walang gagawin si Hades na masama pero iba itong mga naririnig ko. Apollo,Hades,Hera,Frosia at parang may papatay kay Tiara.

"Hindi ko kayang iwanan si Kien bestie. Mahal na mahal ko siya.Ayokong magpakasal kay Zeus. Ayokong mapuntang Frosia."Kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko ang pagiyak niya. Ano ba talaga ang Frosia? Ano ba talaga yung totoong pagkatao mo Tiara?"

Pagkababa ko ng kotse ko ay biglang may humablot ng cellphone ko."Hoy!Bwiset naman di pa nga tapos! Nanakaw pa."


Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon