Tiara's POV
Nagising ako na nasa unit na ako ni Kien. Gumala muna ako sa unit niya. Ang ganda. Ganito pala siya ka organize.
May narinig ako na tugtog at parang may kumakanta. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang nagcoconcert na Kien Stephor. Ang ganda pala ng boses niya!
"Everybody wants to steal my girl! Everybody wanna take her heart away tenenenenen wide world tenenenen coz she belongs to me!" Nakasuot lang siya ng apron at gumigiling pa.
Pumalakpak ako. Ang ganda ng boses mali mali lyrics. Tumingin siya ng masama sa akin.
"Is it bad to clap my hand ? I appreciate it that's why i clapped! I like your voice Kien. You must have a game show entitled Guess the lyrics! Haha" he stared nanaman.
"Ha-Ha-Ha tatlo tawa ko. I'm not asking for your opinion. Chupi! I'm cooking My breakfast! Bumili ka ng sayo." sigaw niya at nagbelat pa sa akin.
I really hate this guy. Wala na nga akong hapunan eh! Umupo ako sa may mesa at yumuko. Lumabas na siya ng kitchen.
"Oh. Breakfast for my nakakaawang girlfriend. I love you!" I looked at him and rolled my eyes. He's very good at making me pissed. Sa bawat oras na nakakasama ko siya binubwiset niya ako eh.
"Kung hindi lang talaga ako gutom!"
Kien's POV
Wow grabe! Siga na nga! Masiba pa kumain! Babae ba to!
"Anong tinitingin tingin mo?" Tanong niya sakin.
"Babae ka ba talaga? Grabe ka kumain may sapi ka talaga no?" Tumawa lang siya.
"Hoy Kien! Food is the best part of life. " sabay lamon nanaman.
"How could you maintain your body? Ganyan ka pala kalakas kumain?" Tiningnan niya ako.
"I dont know. Hindi naman ako nagwowork out." Really? WTF. Pinagloloko niya ba ako? Hindi nga lang ako makapag exercise ng isang araw parag ang bigat na ng katawan ko eh. "Naaamaze ka sakin? Sus inlove na. Pano na plano mo? Hahaha" pangiinis niya.
"Just shut up Tiara! Anong inlove? Kahit na pumuti na ang uwak hindi ako maiinlove sayo." Talagang talagang talaga! Ayoko sa matakaw, siga, masiba, may saltik, may sapi at maganda! Aiishh hindi siya maganda!
"Baliw ka na talaga Kien! Iling iling ka pa diyan magisa."Ngumisi naman siya ng nakakaloko.
Arrgg.. bat ba kasi ako umiling !
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.
Ang niluto ko kasi. Yung rice kagabi na tira isang sandok palang nababawas ko dun. Puno yung rice cooker ko. Sinangag ko yun at hinaluan ng kung ano ano. Nagluto ako ng bacon, 5 hotdog, 10 slices ng ham at 3 egg. Ang nakain ko lang ay isang hotdog halfcup lang ng fried rice at bacon. Nakapagtataka dahil wala ng natira. Pinagmasdan ko si Tiara. Ang saya niyang umiinom ng tubig matapos kainin lahat lahat.
"Grabe ka! San mo ba yan dinadala? Wala ka namang imbakan diyan no?" bigla naman akong may narinig. IT REALLY SOUNDS CREEPY!
PRRRRRRRRTTT!
"Excuse me! Nasaan ba yung C.R. ? Ang sakit na eh!"
Tinuro ko naman yung C.R. Grabe! Para akong nasusuka! Nagkamali ata ako ng napiling babae para sa plano ko!
Tiara's POV
HAHAHA GRABE TALAGA SI KIEN! Yung expression niya kanina parang hindi pa nakakarinig ng utot!
"Hoy babae maghugas kana ng plato!" sigaw niya.
"What? Are you kidding ? Bisita mo ako ikaw dapat ang maghuhugas!" Reklamo ko. Bawal yun diba?Bisita ang paghuhugasin.
"Bwisita ka dito! Matapos mong umutot sa harap ko ay aangal ka? Wag mo nga akong gayahin!" Naiinis na siya! Hahaha Lumalaki yung butas ng ilong!
"Bato bato pick nalang tayo!" Tumayo siya at nakangising pumwesto sa may harap ko at nagready sa bato bato pick. Madalu naman pala to kausap eh.
"Bato bato pick!" Gunting ako gunting din siya.
"Bato bato pick!" Bato ako bato din siya.
"Ano ba gaya gaya!" Sigaw ko."Bato bato pick!" bato siya papel ako. Yahoooooo!
Agad akong tumakbo papalayo sa kusina. Goodluck!

BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty