Kien's POV
Nakaharap ako sa salamin at nakatingin sa mukha ng pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa. Kumontra panget.
"Gwapo mo talaga Kien! Mom aalis na po ako! Where's Dad?"i asked mom.Konti lang talaga ang exposure niya.Nagmamadali si author!
"Ang gwapo mo naman baby ko! Yung daddy mo nasa masquerade ball birthday ng president ngayon doon din ba ang punta mo?" tanong ni mommy.
"Opo mom. Gusto niyo po sumama kayo. Everybody's welcome naman."
"Masama pakiramdam ko. Kayo nalang. Mqgingat ka."
"Yes mom. Ipapakilala ko na din yung girlfriend ko kay Dad. Nandoon din siya."
"Sige nak basta ipakilala mo din siya sakin soon ha?"ngumiti siya sakin at niyakap ako.
"Sana magpatuloy lang yung kaayusan ng pamilya natin. Move on na yata si dad sa ex niya."
"Okay lang naman ako anak kahit hindi niya ako mahal. Narealize ko na nandiyan ka para sa akin. Hindi naman kasalanan ni Sierra yung lahat. Kasalanan ko kasi..."biglang tumulo ang luha ng mommy ko.
"Psshh.. tahan na mom. Papanget ako niyan. Tahan na okay? Aalis na ako.I love you po." i kissed her on her forehead.
"I love you too Kien."
"Alis na ako ma."paalam ko.
"Ingat sa pagdadrive."
Tiara's POV
Mabuti naman at nagtext na si Kien. Saan kaya nagpunta iyon.
"Hey bart! Wag mo akong iiwan dito! Wag ka muna makipag landian diyan ha!"sabi kay Bart. Wala naman kasi akong kasama kung iiwan niya ako.
"Ano ba naman bestie! Moment ko na to! Wala namang aaway sa iyo dito!"I just roll my eyes. Kainis naman tong baklang to!
"Sige gora na best! C.R. lang ako ha." naglakad ako papuntang C.R. pero parang may sumusunod sa akin. Waaaah! Wag sana taga Frosia o Taga Ferno! Di ko pa nakikita ang Kien ko!Di ko pa naman suot ang mask ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. May sumusunod talaga sa akin. Humarap ako sa likod at OMG!
"Ke...Kean?"mahinang bulong ko."Magandang gabi ho." sabi ko at nagmadali akong naglakad palayo. Sinusundan padin niya ako.
"Bakit ka tumatakbo Miss Tiara? May kasalanan ka ba sakin at umiiwas ka?"
Sheeemmms! Napaka obvious mo kasi Tiara!
"Ahhh Ehh Sir Magc-C.R. lang po ako."Naglakad ulit ako.
"Lagpas ka na sa C.R. miss. Exit na yan."
Kien's POV
Dito nalang ako sa exit papasok. Baka ma-starstruck sa kagwapuhan ko yung mga nasa loob pag pasok ko eh!
"Lagpas ka na sa C.R. miss. Exit na yan."kilala koang boses na iyon.
Si Dad. Nangbababae nanaman siya? Teka.. Si Tiara yun ah.. Nagtago ako sa malapit.
"Sorry. Hindi ko alam kung nasaan yung C.R." sabi ni Tiara.
"Kilala mo ba si Sierra?"tanong ni dad kay Tiara.
Si Sierra ang kasintahan ni daddy bago si mom.
"Hindi ko siya kilala. Kaya please padaanin mo na po ako."nanginginig ang boses niya.
"Hindi ako naniniwala sa iyo. Kung titignan simula ulo hanggang paa ay parehang pareha kayo. Kung naniniwala nga lang ako sa magic ay iisipin kong minagic mo ang sarili mo na maging kamukha niya o ikaw ang anak ni Sierra? Sabihin mo sakin kung nasaan siya."
Naginit ang dugo ko sa mga narinig ko. Nabuo ng puzzle ang lahat lahat sa isip ko. Alam ko na ang lahat at naiinis ako sa sarili ko.
"Nasaan si Sierra magsalita ka!Nasaan siya?Gusto ko lang humingi ng tawad! Nasaan si Sierra?"
Tiara's POV
Umiiyak ako habang sinisigawan ni Kean. Wala na si Sierra Kean! Wala na siya! Matagal mo na siyang pinatay!
"Mukhang magkakilala na kayo. Hindi na kita kailangang ipakilala pa." Napalingon akosa nagsasalita.
"Ki..Kien? Kanina ka pa diyan?"tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay."Mauna na po kami Sir Kean."sabi ko kay Kean at nagulat naman ako ng tinaboy ni Kien ang kamay ko. "What's wrong with you?" tanong ko sa kanya.
"Sino ka ba talaga Tiara Majesty?" nakatingin siya ng masama sa akin. Alam na ba niya?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong sa kanya ni Kean.
"Sabihin mo sakin. Ano ang koneksyon mo kay Sierra? Sino ka ba talaga Tiara!"nanginginig na sigaw ni Kien.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko.
I really dont know what to do now. Hindi ko kayang mawala si Kien sa akin. Siya lang yung nakapagpasaya sa akin ng lubos. Siya lang yung lalaking gusto kong pakasalan. Kung kaya ko nga lang ibalik ang nakaraan. Kung pwede nga lang ay gamitin ko ang kakayahan ko para ibahin ang nararamdaman nila pero... ayokong mabuhay sa mundong puno ng kasinungalingan. Puno ng kasinungalingan ang mundilong ginagalawan ko. Ayoko na dagdagan pa ulit iyon. Paano na ngayon? Paano na ako? Kami? Sa isang iglap mawawala nalang ba?
"Bestie kanina pa ki...Sir Kean? Kien? Anong nangyayari?"
"Apollo.. Tama ba? " nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kien at ganun din si Bart. Hanggang saan na ba ang nalalaman mo? Paano mo nalaman ang lahat?
"Anong sinasabi mo Kien hindi kita maindtindihan!"depensa ni Bart.
"Tiara Majesty,The girl who take my heart."nakatingin siya sa akin at namumuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Sierra, Ang babaeng kinababaliwan ng dad ko sa loob ng napakahabang panahon." Tuluyang tumulo ang luha niya. Nakakuyom ang kanyang mga kamao habang nakatingin siya sa akin. "at Hera.. Ang nawawalang prinsesa ng Frosia. Witch of Feelings and emotions."
Nanahimik ang lahat sa loob ng sampung segundo. Alam niya na lahat.
"Ang tatlong katauhan na iyon ay iisa lang. Nung nalaman kong isa kang witch ay hindi naman nagbago yung nararamdaman ko pero yung kasinungalingan mong ito.." tumingin siya sa dad niya at sa akin. "Pinagmukha mo akong tanga Hera! Matatanggap ko pa siguro kung ibang tao! Kung iba sana Hera! Kung iba sana Tiara! Pero pinaglaruan mo ako! Ginawa mo akong isang tanga!"niyakap ko siya ng mahigpit.
"Kien! Im sorry! Im sorry Kien. Noong nakita kita bumalik lahat lahat ng sakit na dinulot sa akin ng paghihiwalay namin ni Kean. Lahat ng panloloko niya! Panloloko ng mommy at daddy mo sa akin! Gusto kong gumanti kaya ginamit kita! Pinaibig kita pero nahulog ako sayo! Mahal na mahal kita Kien kaya natatakot akong sabihin sa iyo ang lahat dahil alam kong magagalit ka sa akin! Alam kong lalayo ka at ayokong mangyari iyon! Maniwala ka sakin Kien! Mahal na mahal kita!" Tinulak niya ako na dahilan para mapaupo ako sa sahig. Naglakad siya papalayo sa amin... sa akin.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty