Cindy's POV
Ngayon lang ako magkakaroon ng POV kaya sasagad sagarin ko na. Nakwento sa akin ni Karl ang nangyari. Kung paano gumaling ang anak kong si Kien. Malaki ang naging kasalanan ko kay Tiara at para makabawi ay gusto kong ibalik siya sa alaala ng aking anak. Kung hindi dahil sa kanya ay maaaring wala na si Kien.
"Kien anak, kay naaalala ka na ba tungkol sa kanya?" tanong ko.
" Wala pa po. Sino po ba siya? Ano po bang bahagi niya sa buhay ko? Bakit parang halos lahat ng bagay ay kulang." Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Kien, ang taong nakalimutan mo kasi ay iyong taong pinakamamahal mo. Hindi siya ordinaryong tao. Ako man ay hindi makapaniwala. Isa siyang witch sabi ng ama mo. Nagsimula ang lahat sa amin. Matalik ko siyang kaibigan." kumunot ang noo niya sa pagkakasabi ko.
"Matanda na yung kasintahan ko?"natawa ako sa reaction niya.
"Hindi siya tumatanda.Naikwento lang ito ng papa mo sakin. Isa nga siyang witch. Witch of emoticons ata yun? Ewan basta yun na yun. Matalik ko siyang kaibigan at siya ang girlfriend ng papa mo. Nagkagusto ako sa Daddy mo kaya ginawa ko ang lahat para masira sila. Niyaya ko siyang maginuman noon at pumayag naman siya. Sabi ko ay wag nang sabihin kay Sierra dahil baka magalit yun. Hindi kasi siya makakasama dahil busy siya sa trabaho. May nangyari sa amin ng dad mo at ikaw ang bunga. Galit na galit si Sierra sa amin ng Dad mo. Napilitan siyang iwanan si Sierra dahil sa akin at sayo. Tinakot kasi siya ng Dad na papatatayin niya si Sierra. Hininto niya ang pagaartista para sumama sa atin sa probinsya. Wala na kaming balita kay Sierra nun. Hanggang sa nakita ko ang larawan ni Tiara Majesty sa isang Billboard noong papunta na tayo ng Manila. Kamukhang kamuka niya si Sierra at iisa lang pala talaga sila. Hindi ko alam na naging girlfriend mo iyon. Itong mga nakaraang araw ko lang din nalaman sa dad mo ang lahat. Nagalit ka sa kanya dahil nalaman mo ang lahat ng iyan. Nabangga ang sinasakyan mo at ang himalang pagkagising mo ay dahil din sa kanya. Sinabi sa akin ni Karl na kinuha na nga mga kapwa niya witch si Tiara kapalit ng buhay mo. Iniligtas ka niya Kien."
"Siguro ay mahal na mahal ko si Tiara. Siguro ay mahal na mahal namin ang isat isa."
Kien's POV
Nandito ako ngayon sa Condo unit ko at nagiisip tungkol sa kanya.
Iba ang nararamdama ko sa lugar na ito. Para bang madami kaming alaala na naiwan dito.
Naghalungkat ako ng mga gamit baka sakaling may mga pictures kami ngunit wala ako makita pati na sa cellphone ko.
Pumunta ako ng kotse ko para maghagilap ng pictures namin ngunit may natagpuan akong libro.
The Hidden Kingdom of Frosia
Tiningnan ko ang nilalaman ng maliit na libro. Nakakita ako ng larawan ng isang babaeng nakaupo sa isang kama na punong puno ng bulaklak na parang umiiyak. Tiningnan ko ang sumunod na pahina ngunit wala na itong laman kaya binalikan ko ang mga naunang pahina. Napahinto ako dahil nakita ko ang larawan kung saan nakahiga ako sa hospital. Naroon sila Bart,Hades,Karl at apat na hindi ko kilalang babae. Nabighani ako sa isang babaeng ubod ng ganda. Parang siya yung babae kanina na nakaupo sa kama.
Paglipat ko ng pahina ay nakita ko ang larawan ng pagkakaaksidente ko. Nilipat ko ulit ang pahina at nakita ko yung nasa masquerade ball kami, yung anniversary namin na sobrang saya. Iyon ang isa sa pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Nasa libro lahat ng mga nangyari sakin simula noong dumating si Tiara Majesty sa buhay ko. Ibinalik na ng libro ang alaala ko.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty