Dream XVIII

108 8 0
                                        

Kendie's POV

Kien Stephor.

Ang lalaking minahal ko ng lubos.

Pero binalewala ko.

You want to know why?

I HAVE A LUNG CANCER.

Ayokong mahirapan siya, malungkot kasi alam kong balang araw ay mawawala rin ako. Iiwan ko siya. it's been two years pero nasasaktan ako sa tuwing makita ko siyang may kasamang iba. Lalo na si Tiara. Lahat na nasa kanya. Gusto ko kahit saglit lang ay maramdaman kong nasa akin na ang lahat bago ako mawala.

Stage 4 na ang cancer ko at ayoko na magpagamot. I'm hopeless. Ayoko na.

"Miss tissue oh." Nilingon ko siya. Siya yung lalaking laging umaaligid kay Tiara.

"You're Madisson right?" umupo siya sa tabi ko.

"Kilala mo ba si Tiara?" Tanong ko sa kanya.

"Ofcourse. I've been in love for her since una ko siyang nakita." Masaya siyang nakatingin kay Tiara.

"Bakit hindi mo siya nililigawan? Bakit hinayaan mo siyang maagaw ng iba?" Ngumiti siya sakin. Doon ko napansin na ang gwapo pala ng katabi ko.

"Naging kami noon.Maybe we're not meant to be. Tingnan mo sila. Ang saya saya nila. Pero kung hindi sila ang para sa isat isa balang araw yung ngiti na yan makikita mo parin kahit iba na ang kasama nila. magulo ba? Ang gusto ko lang iparating ay.. balang araw makikita din natin yung taong nakatadhana sa atin."

"Man with a few words. I like you but not the kind of 'like' that i have a feelings for you.." I smiled at him.

"I know. Friends?" Alok niya ng kamay niya.

"Friends." then nagshakehands kami at pinanuod na sila Tiara.

Tiara's face is so familiar to me noong unang kita ko palang sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Ano kayang nagustuhan sa kanya ni Kien? Alam kong maganda siya but Kien is more on traits not on face. Siguro mabait talaga siya. There's a part of me na gusto siyang maging kaibigan but I really don't like it to happen. Mas madali kong makuha ang lahat sa kanya kung magkaaway kami.

Isang buwan nalang ang natitira sakin. Kailangan ko na makamit lahat lahat... bago ako mamatay.

Kien's POV

Tapos na kami kunan at bukas na bukas ay babalik na kami sa manila. Nakita ko si Hades sa tabi ni Kendie. Bakit kaya nandito to?

May binigay siya kay Kendie. Isang panyo. Napansin ko ding umiiyak si Kendie. Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko. Nasasaktan ako ngayon para sa kanya. Ewan ko ba! Alam kong mahal ko si Tiara pero bakit ganito.. nasasaktan parin ako ngayong nakita ko siyang umiiyak. Hayyss.. makapunta nga ako sa may dalampasigan.

Naglakad lakad ako sa tabi ng dagat. Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Bakit ganito. Nakita ko si Tiara na papalapit sakin.

"King!" Sigaw niya.

"Queen tara dito!"sigaw ko.

"Bakit di ka man lang nagsabi? Pupunta ka pala dito edi sana sinama mo ako."sabi niya sabay pout.

"Sorry ha. May kausap kapa kasi kanina kaya di na ako nagpaalam." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Sana ganito nalang palagi. Hahawakan mo kamay ko habang naglalakad tayo. Sana hindi ka mawala sakin. Sana habang buhay na tayo. Sana Mahal mo talaga ako..*sob* Kien." Bigla nalang siyang umiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Wag ka na umiyak. Hindi kita iiwan promise. Lagi lang ako nandito. Walang makakaaghiwalay sa atin."sabi ko. Nararamdaman niya kaya. Sorry Tiara pero sa tingin ko may nararamdaman pa ako kay Kendie pero sigurado akong mahal kita.

"Balik na tayo sa hotel. Gusto ko na matulog."matamlay na sabi niya. Naglakad na kami pabalik.

Pagkadating namin ay natulog agad siya. Hindi ako makatulog kaya lumabas ulit ako. Nakita ko si Kendie na naglalakad at umupo sa may puno. Nilapitan ko siya.

"Kendie."

"K-Kien."

"Kumusta kana?"tanong ko sa kanya.

"Maayos naman."sagot niya. "Ikaw ba?"

"Okay na ko. Matanong ko lang.. Bakit mo nga pala ako iniwan noon?"

"Hindi mo na kailangan malaman pa. Kung sakaling sasabihin ko sayo.. babalik ka pa ba sa akin? Mahal mo na siya diba?"

"Oo mahal ko siya." Sa pagkasabi kong iyon ay nakita kong tumulo ang luha niya.

"Mahal parin kita Kien! Ayokong kaawaan mo ako pero pwede bang humingi ng pabor."

"Sige ano naman yun?"

"Bumalik kana sa akin. Please. Kahit sa loob lang ng isang buwan."Pinunasan ko ang mga luha niya pero patuloy parin ang pagiyak niya.

"Hindi ganun kadali ang gusto mo. Mahal ko si Tiara." Lalo siyang umiyak ng dahil sa sinabi ko.

"Kien.. isang buwan nalang akong mabubuhay. Sabi kasi ng doctor nung nakaraang punta ko dalawang buwan nalang daw ang natitirang araw ko sa mundo. Mabuti nga at hindi halata sa katawan ko. Kien.. gusto kitang makasama sa natitirang isang buwan ng buhay ko. Gusto ko din makuha kay Tiara ang kasikatan niya kahit sa loob lang ng isang buwan. Kien! Yun lang ang hihilingin ko sayo para mamatay ako ng masaya!"Tumulo na din ang luha ko sa sinabi niya. Hindi ko akalaing ganun pala kabigat ang pinagdadaanan niya.

"T-tutulungan kita. " Niyakap ko siya ng mahigpit. Patawad Tiara.

Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon