Kean's POV
Matagal ko na siyang pinagmamasdan. Sierra Gomez. Alam kong ikaw yan pero bakit Tiara ang tawag sa kanya. Hindi kaya? Anak siya ni Sierra? Kamukhang kamukha niya talaga si Sierra.
Binuksan ko ang box kung saan naroon ang mga larawan namin ni Sierra.
Napakaganda niya.
"Dad. Mamaya ipapakilala ko na ang girlfriend ko sa inyo." Nagkaayos na nga pala kami ng anak at asawa ko. Ngayon ko lang napagtanto na hindi na talaga niya ako babalikan. Hindi na niya ako mahal.
"Sige anak. Ipaghahanda namin kayo. Siguraduhin mo lang na mas maganda yan sa mom mo ha!"
"Siya na po ang pinakamagandang babae sa mundo Dad. Im sure magugustuhan niyo si Tiara." Naibagsak ko ang box na dala dala ko ng marinig ko ang pangalan niya.
"Si Tiara Majesty ba ang girlfriend mo?" tanong ko sa kanya.
"Opo Dad at anniversary namin ngayon."
Kien's POV
Ano kayang nangyari dun kay Dad bigla nalang siyang nanahimik.
"Alis na po ako. Susunduin ko na siya."Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at excited na nagdrive papunta kay Tiara at agad ko itong pinark sa may gate nila. Hindi na ako nakapasok pa at lumabas na agad siya ng pinto.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin. Slow motion. Napakaganda niya talaga. Wala ng babaeng makakatalo sa ganda niya.
"Hoy panget! Tulo na laway mo! Alam kong maganda ako!"
Baliw talaga siya buti nalang maganda.
"Tara na Queen ko. Sapi Queen ng buhay ko."
"Baka gusto mong magwalkout ako mamaya para mapahiya ka o kaya kumain ako ng madami. Para sabihin ng magulang mo ibreak mo na ako."
"Ikaw naman Queen Tiara Majesty ko binibiro lang kita! Wag kang ano! Tara na at papakasalan na kita!"
Syempre bago kami pumunta ng bahay ay magdedate muna kami. Sinong nagsabing hindi ako prepared?
Pinaandar ko ang kotse papunta sa special na lugar. Excited na ako. Mahal na mahal ko talaga itong babaeng to. Kahit na baliw to mahal na mahal ko padin.
Nang matanaw ko na yung lugar ay hininto ko ang kotse at piniringan siya.
"I love you Queen." matapos kong sabihin ay hinalikan ko siya sa pisngi.
Tiara's POV
Saan naman kaya ako nito dadalhin. May papiring piring pa.
"King pwede tanggalin mo na. Excited na akong makita eh."
"Ano ka ba Queen! Surprise nga diba." sabi niya. Loko din pala to eh. Surprise diba dapat hindi sasabihin. Yung tipong magugulat talaga. Nakarinig ako ng mga alon ng dagat.
"King! Grabe ka di mo sinabing itatapon mo ko sa dagat ah! haha Joke lang. Tanggalin mo na yung piring! Alam ko na to. May nakaset up na table tapos may tutugtog sa atin ng violin. Tama ba ako?"
"Easy lang kasi Queen. Wait lang ha. Steady ka lang diyan. Wag kang aalis." binitawan niya ako at pumunta somewhere na hindi ko naman nakikita.
Lumipas na ang ilang minuto at nandito parin ako nakapiring at nakatayo. Binubwiset yata ako nitong si Kien na to eh!
"HOY KIEN! Baka gusto mo naman akong balikan dito. Tatanggalin ko ba itong piring? Iniwan mo na ba ako? Makita lang kita kakalbuhin kita! Yari ka talaga sakin!" Sabi ko habang tinatanggal ang pagkakatali sa piring."Matanggal ko lang tong bwiset na.... " Tumulo ang luha ko pagkaalis ko ng piring mula sa mata ko.
"Kien!"

BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty