Dream XIX

87 8 0
                                    

Kien's POV

Paggising ko wala na si Tiara sa tabi ko. Wala na din ang mga gamit niya. Nagmadali akong maligo at magimpake. Gusto ko siya makausap. Matapos kong magayos ng gamit ay bumaba na agad ako para makaalis.

"Kien.." tawag sakin ni Kendie.

"Kakausapin ko muna si Tiara Kendie." Agad naman akong pumunta sa sakayan ng taxi.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating din ako sa condo unit ko.

Sa wakas! Nandito siya pero naghahakot ng gamit.

"Tiara..." tawag ko sa kanya.

"Oh?"walang buhay niyang sagot.

"Bakit ka aalis?" Humarap siya sa akin. Namumugto ang mga mata niya. Halatang umiyak siya.

"Hindi ko bahay to kaya aalis ako at saka... Hindi naman talaga mahal Kien! Lahat ng iyon ay acting ko lang. Ang galing no? Nakaplano na iyon. Alam ko ding wala kang feelings sa akin. The truth is ginayuma lang kita para makaganti ako sayo. Natatandaan mo yung unang time na uminom tayo? Hinaluan ko yung inumin mo ng love potion. Napaikot naman kita. Ginawa lang kitang laruan.Wag kang magalala mawawala din yang nararamdaman mo sakin. May Kendie ka naman na sasalo sayo eh. Tiisin mo muna ang sakit sa ngayon. Sakit dahil niloko ka ng taong akala mo mahal ka! Mga limang araw nalang tatalab yang potion. Sa oras kasi na nalaman ng victim na nagayuma siya ay limang araw mawawala ang bisa nito. " Hindi ako nakapagsalita. Akala ko mahal niya ako. Di ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Hinding hindi kita mapapatawad Tiara!

Tiara's POV

Nilagay ko na lahat ng gamit ko sa sasakyan.

Tama ang nabasa niyo kanina. Ginamitan ko siya ng gayuma. Yung pinakuha ko sa yaya ko remember? Pero.. minahal ko talaga siya.. mahal na mahal..

Sobrang sakit ng makita ko silang magkayakap ni Kendie. Ang sakit! Ang sakit sakit!

Binilisan ko ang pagdadrive.

I hate myself! Hinayaan kong kamuhian niya ako. I him too! Alam kong sinisigaw ng puso nilang dalawa. Alam kong mahal pa nila ang isat isa.

Para maintindihan niyo ako. I will tell something about myself.

I am not ordinary.

I am not a person.

I am a witch.

To be specific...

I am the Witch of Feelings and emotions.

That's why alam ko ang nararamdaman nila pero mahina ang pandama ko dito sa earth.

My real name is Hera. I am a princess in our kingdom and I am a runaway bride. That's why I'm here in earth.

Napamahal na ako dito sa mundong ito. Kaso... niloloko lang ako ng mga tao.

Di ko alam kung saan ako pupunta.

Wala ako sa sarili ko.

Ang sakit sakit dito! Sa puso ko! Gusto ko na mamatay. Mahal na mahal ko si Kien.

Paalam.

Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon