Epilogue

148 9 3
                                    

Habang abala ang mga scientist sa kanilang kanya kanyang mga dinidiskubre ay isang dalaga ang nagising mula sa kanyang pagkakatulog. Pinilit niyang ibuka ang kanyang mga mata kahit na nahihirapan siya. Natagpuan niya ang sarili niya sa isang malaking laboratory at napakaraming nakakabit sa kanya. Agad niya namang tinanggal ang mga ito. Nakarinig siya ng mga yabag ng tao.

Nagmadali siyang tumayo at humanap ng malalabasan. Nakakita siya ng isang pinto at agad itong pumasok doon.

"Where's the girl? Kindly contact all the security guards and check all the cctv records." rinig niyang pagkakagulo ng mga scientist.

Habang naglalakad ay may nakita siyang isang lab gown na nakatupi sa may upuan. Agad naman niya itong sinuot para mas mapadali ang pagtakas.

Laking pasasalamat niya ng makalabas siya ng lab na iyon. Ibang iba na ang lugar sa labas. Mas hi-tech.

"There she is!"sigaw nung isang scientist.

Pagkarinig niya ay agad siyang tumakbo papalayo.

Takbo lang siya ng takbo hanggang sa mabangga siya.. sa isang lalaki. Blangko ang expression nito.

"Help me please. Hinahabol ako ng mga scientist." pagmamakaawa ng babae. Nakita niyang papalapit na ang mga humahabol sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na yakapin siya ng lalaking nakabangga niya kanina at sabay silang naglaho.

Gulat na gulat ang babae sa mga pangyayari.

"Isa kang witch? "tanong nito.

"What I did before was teleportation. That's a product of science." blangko parin ang mukha niya sa pagsagot.

"Thanks nga pala.. Ako nga pala si Tia.. Ahmm... Ako si Venice de Guzman. Ikaw?" tanong nito sa lalaki.

"Im Vrayl Santos. Mukhang pinagiinitan ka ng mga scientist na iyon."

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay natulog ako ng napakahabang panahon. "

"Huwag mo ng itago ang pangalan mo.  Kilala ka ng buong mundo, Tiara Majesty." wika ng lalaki.

Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon