Kien's POV
Two weeks na ang nakakalipas pero bakit ganun. Mahal ko parin siya. Bakit hindi siya maalis sa isip ko. Nasaan na ba siya?
"Babe look! Ako na ang cover dito sa pinakaaasam asam ko na magazine!"I smile at her. Sobrang saya niya sa twing may nagagawa siyang bagay na si Tiara lang ang nakakagawa o mga bagay na si Tiara lang ang mayroon.
"Babe... nasaan na kaya si Tiara." Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam babe. Siguro pag nakita ko siya magpapasalamat ako." Napatingin ako sa kanya. Tago parin ang relasyon namin ni Kendie. Alam parin ng iba na si Tiara ang girlfriend ko pero ang hindi ko alam ay kung saan nila tinago si Tiara. Alam kong alam nila.
"Bakit naman?"
"Maaaring Dalawang linggo nalang ang natitirang araw ko. Naranasan ko ang saya dahil wala siya masama man pakinggan pero yun talaga eh. Ikaw... yung kasikatan niya napunta sakin iyon. Ako na ang nangunguna pero ibabalik ko din to sa oras na makita ko siya. Lalo ka na Kien.""Hindi mo na ako kailangang ibalik sa kanya. Ayoko na siyang makita."
"Pero Kien.. alam kong hindi iyon ang sinasabi ng puso mo. Mahal mo si Tiara." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Magpagaling ka para makita mo na si Tiara."
Tiara's POV
Nakaupo ako sa sulok habang pinagmamasdan ang video na kinunan ko kay Kien. Miss na miss ko na siya. Mapapatawad kaya niya ako? Kung sakaling mapatawad niya ako... matatanggap niya kaya ang pagkatao ko?
Tumulo nanaman ang mga luha ko.
Gusto na kita kalimutan para hindi na ako masaktan.
Pero paano??
*Kring*
"Hello bart??"(Hoi Tiara miss na miss na kita!!Is that Tiara? Tiara this is Hades I miss you so much! Hoy ako kausap!)"Wag kayo magaway haha miss ko na din kayo. Babalik na ako diyan."(Okay I will wait for you Tiara my loves! Tiara! Ui may chika ako sayo! ) "Ano naman yun?" (Hinahanap ka ni Kendie. Gusto ka niya makausap. Mukhang may sakit yun. Ang putla tsaka ang payat na niya.)"Sige. Pagbalik ko maguusap kami. Ano naman kaya iyon."(Balik kana kasi.) "Oo na miss ko na kayo eh."(Sige may work pa ko bye!!)"Bye!"
Ano naman kaya yung sasabihin ni Kendie.
*Dingdong*
Sino naman kaya iyon? Binuksan ko na ang pinto at laking gulat ko kung sino ang nasa labas.
"KENDIE?"
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Mataray na tanong niya.
"Pasok."
Nandito kami ngayun sa dining area at kanina pa kami walang imikan.
"Pumunta kaba dito para makiupo lang?"pagtataray ko sa kanya. Aba! Nagpakahirap siyang hanapin ako para maki upo lang! Nagaalala lang naman ako.
"Tiara.. Im sorry."sabi niya.
"For what? Mahal niyo naman ang isat isa. Ako lang naman yung nakisingit. Kayo naman talaga."sabi ko. "Wait lang ha kukuha lang ako ng makakain mo."
"No need. Saglit lang ako. May sasabihin lang talaga ako sayo."
"Go. Sabihin mo na! Time is Gold! Di mo ba alam?"
"Okay. Una.. Naiinis ako sayo alam mo yan. Lagi ka nalang kasing bumibida. Lagi kang nangunguna. Ikaw na ang perfect sa lahat pero may part sa pagkatao ko na gusto kitang maging kaibigan kaso hindi pwede kasi mas madali kitang masapawan kung magiging kaaway kita. Simula ng nawala ka ay naging masaya ako pero panandalian lang yung saya ko. Naisip ko kasi na nasa likod ng saya ko ay paghihirap ng iba. Bumalik kana kay Kien. Bumalik kana sa pagmomodel. Hindi na ako mangguulo."
"Im sorry. Hindi na ako muling babalik pa kay Kien. Ayokong masaktan ko ulit siya at galit siya sakin."Tumayo siya at lumuhod sa harap ko.
"Please Tiara. Pag hindi kayo nagkaayos ay hanggang pagkamatay ko dadalhin tong guilt na dinadala ko. Pagbigyan mo na ko please."
"Tumayo ka nga diyan! Himdi bagay sayo." tinulungan ko siyang makatayo. "Babalik na ako bukas at susunukan kong sundin ang kahilingan mo." Bigla niya akong niyakap ng pagkasabi ko non.
"Maraming salamat Tiara."

BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty