Tiara's POV
"Sinong nagsabing hahayaan ko kayong maging masaya? Sa akin kalang Hera. Ako lang ang nagmamayari sayo." naalis angpagkakayakap ko kay Kien nang magsalita si Zeus.
"Kahit kailan ay hindi mo ako magiging pagaari. Hindi ako papayag na maikasal sa iyo. Mas gugustuhin ko nalang mamatay kaysa maikasal sa iyo." hinawakan ko ang patalim na nakatago sa may bewang ko. Kahit hindi pa dumating sila Kien ay may pinaplano na ako. Lalaban ako para sa kalayaan ko kesa maikasal sa taong hindi ko mahal dahil parang unti unti ko na ding pinapatay ang sarili ko nun. Ayoko din makasal sa kanya dahil madaming buhay ang mawawala,ang mga taga Ferno. Naniniwala akong magkakaayos din sila.
Binunot ni Zeus ang kanyang espada.
"Papatayin ko yang taong yan Hera." sa pagkakasabi niya ay hinila ko si Kien sa likod ko.
"Ako ang labanan mo Zeus!" binunot ko ang aking patalim. Nagliwanag ito at unti unting humaba. Ito ang kaisa isang regalo ng aking ina. Hindi ko man siya nakita ay nararamdaman ko parin ang presensya niya kapag hawak ko ito.
Mabuti nalang at nagsanay ako magespada. Sinugod ko siya ngunit nasasalag niya bawat atake ko. Malakas si Zeus. Magaling din siya gumamit ng espada. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit siya ang gusto ng aking ama para sa akin. Kahit sinong taga Frosia ang ikasal sa akin ay mawawala parin ang Kaharian ng Ferno. May sikreto silang itinatago sa akin at hindi ko pa ito natutuklasan.
Habang naglalaban kami ay naaninag ko si Kien na may kinakalabang Frosian. Ito ang pangalawang digmaan sa pagitan ng mga Frosian at Ferno. Natisod si Kien ng bato kaya nadapa ito. Iniwan ko si Zeus upang tulungan si Kien ngunit sinundan ako ni Zeus. Umatake siya sa amin ngunit bigla nalang siyang nalugmok sa sahig.Pagkabagsak niya ay isang taga Ferno ang nakita ko.
"Tumakas na kayo." sabi niya. Pinana niya si Zeus mula sa likod. Tumayo ako at tinulungan ding makatayo si Kien. Tatakbo na sana kami ngunit natigilan ako. Lumingon ako sa Fern na nagligtas sa amin. (Fern tawag sa ma taga Ferno. Frosian ang sa mga taga Frosia.) Napakaganda niya at nakasuot siya ng korona. Pamilyar sa akin ang mukha niya.
"Salamat." nginitian ko siya at nginitian niya din ako.
Tumakbo kami ni Kien papuntang lagusan at naabutan namin doon si Kendie.
"Pumasok na kayo sa lagusan ako na ang bahala dito." sabi niya.
"Salamat Kendie." agad naman kaming pumasok sa lagusan at napadpad sa isang library. Nagulat ako nang may kutsilyong lumapas mula sa pader. Kutsilyong puno ng dugo na gumuguhit ng hugis diamond.
Pumatak ang luha sa aking mga mata.
Wala na si Athena, wala na si Kendie.
Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa amin.
"Magpakalayo layo tayo Tiara.Mahal na mahal kita." niyakap ako ni Kien.
"Mahal na mahal din kita Kien."
Final chapter na po ang next :)
Nagustuhan niyo ba? Comment lang po kayo para sa mga reactions niyo. Thank you.

BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty