Dream XV

93 7 0
                                    

TIARA'S POV

Ang ganda ng damit na to bagay na bagay sakin. Sinuot ko na yung wig. Color brown at maiksi ito. Bagay naman sakin. Binago ko din ang shape ng kilay ko. Triny ko yung korean eyebrow ang cute ko tuloy! Mukha akong barbie ngayon. Four thirty na at kailangan ko ng umalis. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Kien na nanunuod sa sala.

"Hoy Kien! Aalis na ko!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi man lang lumilingon. Papaalis na dapat ako kaso nagsalita pa.

"Hoy babae! Anong klaseng damit yan napakaiksi! Alam mo namang patay na patay sayo yung kumag na yon! Magbihis ka nga! Tsaka magshades ka. Baka makilala ka ng iba." Sigaw niya sakin. Ang sweet diba.

"Hoy Mr. Kien Stephor aalis nako! Bahala ka hindi ako magbibihis! Sabihin mo nalang kung nagseselos ka. Bye!" Agad naman akong lumabas.

Nagdrive na ako papuntang Coffee shop ko. Saktong 5 ako nakarating. Nakita ko naman si Hades na nagaabang sakin.

"Hi Cutie! Ang cute mo kaso mas type ko si Tiara Majesty. Bye!" Sabi niya sakin. Tskk.. babaero talaga. Tinanggal ko yung shades ko.

"Hi Hades! Mangchichix ka nalang ako padin? Gusto mo ba magdate magisa? Mas okay yun." Napanganga naman siya.

"WOOOW! You look gorgeous Tiara. Di ko akalaing ikaw yan." he said with amazement.

"Don't call me Tiara. Nasa public tayo. Itawag mo nalang sakin yung tawag mo sakin dati."mahinang sabi ko. Baka may makarinig mahirap na.

"Wooah! So it means? Wala kang amnesia? You're just pretending na hindi mo ko kilala?" Manghang pagkakasabi niya.

"Kailangan kong gawin yun. Ano ba puro ka tanong magdedate pa tayo!"

"Okay po mahal na Prinsesa.!" Hinawakan niya ang kamay ko.

"Not that. Call me Hera." Nginitian niya lang ako at inalalayan papasok ng kotse niya.

"Hera.. Paano na ang..."

"Pssh!" Pagputol ko sa kanya. "Ayoko munang pagusapan. "Madaming naghahanap sa akin dito."

"Matagal kitang hinanap Hera. Sobrang tagal. Kung noon hindi kita pinaglaban sana patawarin mo ko ngayon."

"Matagal na kita napatawad. Madami na nga akong pinagdaanan dito. Napakadami. Magpanggap ka nalang na bagong Hades. Yung Hades na nakilala ni Tiara Majesty." Nginitian ko siya. Nagpatuloy naman siya sa pagmamaneho.

Huminto kami sa isang Amusement park. Wag niyang sabihing dito kami magdedate?

"Tara na!" Wow excited nako!! Gusto ko dito! Hinawakan ni Hades ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa may entrance. Ang saya saya naman! Buti pa si Hades dinidate ako eh yung boyfriend ko nandun nanunuod! Bigla namang may dumaan na nakahoodie na jacket sa gitna namin kaya napabitaw ako kay Hades.

"Akin na kamay mo! Ilalagay ko lang to. Ticket to para sa ride all you can. Tara na!" Kinabit niya sakin at pumasok na kami sa loob.

Wow! Andaming bagong rides!

"Hades! Doon tayo sa roller coaster!!" Hinila ko siya para pumila.

"Sure ka? Wag ka magpapagod baka magkasakit ka nanaman."

Sumakay na kami sa roller coaster at inayos na ang mga seatbelts.

"Ready kana ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman!" Umandar na ang roller coaster kaso mabagal.

"Ang bagal naman!" Sabi ko.

"Wait mo lang. Baka mamaya umiyak kapa sa sobrang takot.Hahaha!"

"Hindi umiiyak ang isang Tiara Majesty!"

"But you're Hera now! Hahaha!"

Napakapit naman ako sa hawakan ng biglang bumilis.

"OWWWW! OWWWWMayyyyy! Wahhhhhh!" Grabe yyng tyan ko tumataas! I mean parang may something!

"Hahahaha!" Tinawanan lang ako ni Hades.

"Waaaaaaahhhhhhh! Wooooiiah! Ayokonapooooooooo!.....HELLLLLLLP!!!!!! I WANNNA GO DOWWWWWWWN! LET ME GET OUT OF HEEEEEREEEE!" bigla namang may tumamang matigas na bagay sa ulo ko. Tumingin ako sa direkyon ng bumato. Nakita ko nanaman yung nakahoodie. Ilang upuan lang ang pagitan namin.

Huminto na ang Roller coaster at kailangan kong mahanap ang nakahoodie na yun. Nakakadalawa na siya.

"Baba na tayo! Kain muna tayo Ice Cream. Kumakain ka?" Nagningning ang mata ko sa sinabi ni Hades.

"OO NAMAN! Tara!"

Pumunta na agad kami sa may ice creaman.
"Anong gusto mo Hera?" Tanong ni Hades.

"Kahit ano sakin." sabi ko. Kahit gusto ko sabihin 'lahat yan gusto ko' hahaha.

"Oh eto sayo." Inabot niya sakin yung icecream.

Didilaan ko na sana yung ice cream kaso biglang may bumangga sakin. Napunta sa damit ko yung ice cream na binigay sa akin ni Hades. Nakita konyung nakahoodie na tumatakbo. Malamang siya ang bumunggo.

"Gusto mo na ba umuwi? Punasan mo muna yan." Pinunasan ko yung ice cream na nasa damit ko gamit ang tissue na binigay ni Hades.

"Tara na. Wala na ako sa mood." Naglakad naman ako papalabas.

Makalipas ng ilang oras ay nakarating na din ako dito sa condo unit ni Kien.Nagpunta pa kasi kami ng sm dahil bumili pa ako ng pamalit.

Ang dilim naman dito. Nasaan na ba yun? Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nagiinom magisa.

"Wanna drink?" alok niya sakin. Umupo ako malapit sa tabi niya."Sure pero konti lang ha." Binigyan niya ako ng isang bote ng beer. "Kamusta date?" Tanong niya sakin. Bakit ganun parang nasasaktan yungnexpression ng mukha niya ngayon.

"Okay naman.. kung walang nanggulo." Sabi ko.

"Ahh.. ok... " sabi niya sabay inom.

Mga limang minuto ang lumipas bago may magsalita samin.

"Naging kayo ba ni Hades?" Tanong niya.

"Bakit mo natanong yan?" Tanong ko.

"Tinatanong kita sagutin mo muna ako." Medyo galit na sabi niya.

"Ummm.. sa totoo lang.. Naging kami talaga.. pero matagal na iyon. Wala na akong nararamdaman sa kanya."

"Oo o hindi lang ang isasagot dami pang paligoy ligoy." Napatingin ako sa kanya.

"O..oo"

"Kaya pala... Alam mo bang... Nagseselos ako. Ako kasi ang boyfriend mo ngayon. Kahit fake lang ito.Nagseselos talaga ako." Niyakap ko siya. Hindi ko naman alam na may nararamdaman na pala siya sakin.

"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang saktan ka. Sorry kung.." hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita ay hinilaniya ako papalapit sa kanya at hinalikan. Nagrespond ako sa mga halik niya. Hindi ko alam kung ano ba itong ginagawa ko. Hindi ko siya pwedeng magustohan o mahalin. Tinulak ko siya at tumakbo ako papuntang kwarto ko.

Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon