Tiara's POV
Ilang oras nalang at ikakasal na ako kay Zeus. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nakakulong ako dito. Paano ako makakatakas? Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko maramdaman ang pagmamahal niya. Pero.. hindi ko na ulit mararamdama iyon. Sa oras na maikasal ako ay hindi na ako muling makakalabas ng kahariang ito. Hindi na ako makakapasok sa lagusan.
"Mahal na prinsesa nakahanda na po ang ililigo niyo." sabi sa akin ng aking alipin. Nadadama ko na ang nalalapit kong kasal. Diyos ng Tao tulungan niyo ako.
Kien's POV
Matapos nila akong painumin ng dugo ay pumasok na kami sa lumang library. Weird parin ng mga nagbabantay.
"Lahat sila ay mga taga Ferno."sabi ni Hades.
"Nandito na tayo sa lagusan."sabi n Bart. Dito ko nahanap ang libro. Wala paring cctv sa area na ito.
Lumapit si Hades sa pader at nagsimulang gumuhit ng diamond gamit ang kanyang daliri. Matapos niyang gawin iyon ay lumiwanag ang pader.
"Tara."sumunod ako sa kanila sa pagpasok.
Napakaganda ng paligid. Ang daming nagliliparang ibat ibang kulay na kumikinang na bagay. May kawal na humarang sa amin at may wand na ginagamit para icheck kami. Nung ako na ang chinecheck ay matagal nagilaw ang wand kaya kinabahan ako ng husto.Mabuti at wala naman silang reaksyon.
"Doon ka muna tumuloy sa silid ko. Hihintayin natin magsimula ang kasal hindi ko alam kung saan ko siya makikita. Mamaya ay pupunta dito sila Apollo. Paplanuhin na natin ang pagtakas sa kanya."wika ni Hades.
Bago kami makapunta sa silid ni Hades ay may nahagip ang mata ko.
"Kendie." lumingon siya sa akin. Gulat na gulat siya ng makita ako.
"Bakit ka nandito?"tanong niya.
"Kailangan kong iligtas si Tiara. Kukunin ko siya mula sa Zeus na iyon."
"Mamaya na kayo magusap.Mamaya pumunta ka sa silid ko Athena. Alam kong may kilaman ka din sa lahat." sabat ni Hades.
Siya pala si Athena. Kaya pala nakita ko siya sa libro. Kaya pala noong namatay siya ay wala siyang katawanng naiwan. Bumalik lang pala siya sa Frosia.
Makalipas ng isang oras ay handa na kaming lahat. Nakasuot ako ng kagaya sa damit nila. Walang saplot sa taas at maikling telang kumikinang ang saplot pambaba. Pumasok na sa silid sila Apollo(Bart),Hermes(Karl) at Athena(Kendie). Nakasuot siya ng isang mahabang green na tela na kumikinang.
"Hindi ko akalaing ikaw si Athena."wika ni Hades."at alam kong ikaw ang nagturo sa kinaroroonan ni Tiara."
"Im sorry. Gusto ko pa kasing mabuhay kaya ko nagawa iyon.Sinabi nila himdi nila ako papatayin pagtinuro ko ang kinalalagyan niya. Hayaan niyong tumulong ako. Babawi ako. Patawarin niyo lang ako."pagmamakaawa ni Kendie.
"Ano nga ba ang gagawin natin?"tanong ko.
"Dadalo tayo sa kasal. Doon tayo sa pinakagilid para hindi tayo mapansin ni Tiara. Iba ang kasal ng mga witch sa tao. Lalakad lang sila papuntang altar at isusuot ang singsing.Wag natin hayaang isuot ang singsing dahil pag naisuotna iyon ay wala na tayong magagawa."wika ni Hades. "Isa sa atin ang magaabang sa lagusan. May problema lang tayo. Maaaring masundan parin ang sino mang makalabas ng Frosia pwedeng maganap kayo agad o matagalan katulad ng pagkahanap nila kay Tiara. Kailangan lang ay may magsara ng lagusan para hindi na sila makasunod. Kailangan may buhay na maisakripisyo."
Natahimik ang lahat. Hanggang sa magsalita si Kendie.
"Ako ang magbabantay sa lagusan. Ako ang may kasalanan nito. Hayaan niyong maitama ko."
Tiara's POV
Naglalakad na ako sa altar. Mabagal.. Sobrang bagal ng paglalakad ko.. Sa mga oras na ito ay hinihiling ko na matakasan ko itong masamang panaginip na to. Siya lang ang gusto kong pakasalan. Ang lalaking minahal ko ng buong buhay ko. Sana siya nalang ang lalaking papakasalan ko ngayon. Sana siya nalang.
Tuluyang tumulo ang luha sa aking mga mata. Nakatingin sa akin si Zeus. Pinagmasdan ko ang paligid ngunit wala ng mas gaganda pa sa mga surprise date ni Kien sa akin. Tinitingnan ko bawat witch na dumalo. Hindi ako nagkakamali. Nandito sila. Si Kien.
Nabuhayan ako ng loob. Makakaligtas ako sa masamang panaginip na ito.
Nakarating ako sa may Altar. Nginitian ko si Zeus at takang taka siya dahil ngayon lamang aoo ngumiti sa kanya.
"Napakaganda mo Tiara." pagpuri niya sa akin na sinagot ko lamang ng ngiti.
"Tutungo na tayo sa pinakamahalagang parte ng seremonyang ito. Ang pagsusuot ng maghiwagang singsing at Maghahari ang Frosia sa buong kalawakan!" sigaw ng aming Amang Hari.
Dinala na ng mga ring bearer ang singsing papunta sa altar.Ngunit may isang pangyayari ang naganap.
May nagpaulan ng pana na may apoy na naging dahilan ng pagkakagulo ng lahat. Alam ko kung saan galing ito. Ang mga Ferno.
"Tiara!" bigla akong niyakap ni Kien. Hindi ako makapaniwala na yakap yakap niya ako ngayon.
"Kien sorry na ha? Sorry sa lahat!" nagumpisang tumulo ang mga luha ko. "Mahal na mahal kita Kien. Please dito ka lang sa tabi ko. Wag kang aalis."Niyakap ko siya ng mahipit.
"Psssh.. Tahan na. Mahal na mahal kita. Sorry din kung nagalit ako sayo noon. Wag ko nq isipin yun. Basta ang mahalaga ay magkasama tayo Queen ko."
Huminto ang oras para sa aming dalawa. Walang makakapaghiwalay samin. Lalaban ako kung kinakailangan.

BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty