Dream XXII

87 8 0
                                    

Tiara's POV

"Saan na tayo pupunta ngayon? Akalain mo naging close tayo sa loob ng isang maikling na panahon. Wag mo ako kakalimutan ha. Pakisabi na din sa aking ama na gusto ko na siyang makita kaso.. Ayoko talagang magpakasal kay Zeus."

"Babe!" biglang dumating si Kien. Nalungkot ako nung marinig ko yung salitang 'babe'. Sakit kaya try mo harapharapan.

"Dont call me babe! Ano kaba nandito Girlfriend mo. Tara punta tayo sa malapit na park."

Nagtungo kami sa pinakamalapit na park at naupo sa isang bench.

"Ano namang gagawin natin dito?" tanong ko.

"Natin?? Kayo lang. Mauna na ako sa inyo! Sana magkaayos na kayo bye!" tumayo siya at tumakbo.

Nabalot kami ng katahimikan.

"G..galit kapa ba sakin?" pambasag ko sa katahimikang bumabalot samin.

"Sino naman ang hindi magagalit sa ginawa mo. Pinaglatuan mo lang ang damdamin ko Tiara. Pinaniwala mo akong mahal ako at mas matindi ay pinaniwala mo akong minahal kita." nakita ko ang pagkuyom ng kamay niya. Ganun ba kalala ang ginawa ko?

"Mahal kita Kien. Totoo yun at.. at.. maniwala ka man o hindi.. hindi love potion yung napainom ko sayo. " Niyakap ko siya."Kien aksidenteng natapon ni yaya ang potion at pinalitan niya ito ng juice. Kahapon ko lang nalaman. Patawarin mo na ako Kien. Totoong minahal mo ko. Hindi yun epekto ng gayuma."

Dahan-dahan niya akong tinulak papalayo sa kanya at tumayo.

"Bukas nalang tayo magkita. Pagtinanong ka ni Kendie pakisabi nalang na okay na tayo." pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo hanggang sa lumabo ang mga mata ko sa mga luhang nilalabas nito. Mahal na mahal ko si Kien.

***

Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.

"Magbabalik showbiz na nga ba ang isang napakagwapo at napakagaling na actor na matagal ding nawala. Grabe wala na tayong naging blita sa kanya simul noong araw na umalis siya sa mundo ng showbiz.."

"Ya pakuha nga ng juice."utos ko kay yaya.

"Tawagin na po natin siya.."-tv.

"Ma'am eto na po yung juice niyo."

"walang iba kundi si Mr. Kean Stephor!" agad kong nabitawan ang basong hawak hawak ko.

"Yaya palinis naman po."

Bakit siya nagbalik. Hindi maaari ito.

"Alam kaya to ni Kien?"kinuha ko ang remote at pinatay ang tv.

Nagdrive ako papunta sa condo unit ni Kien. Alam kong malungkot siya ngayon.Nang makaratong ako ay agaf akong pumasok sa loob.

Tama nga ang kutob ko. Naglalasing nga siya.

"Kien.."

"Why are you here?" seryosong tanong niya sa akin.

"Gusto lang kitang damayan.Alam kong malungkot ka lalo na at nagbalik na ng showbiz si Kean.. I mean.. yung papa mo. "

"Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko siya kailangan at mas lalong hindi kita kailangan." bigla niyang binato yung basong hawak niya malapit sa akin. Biglang tumulo ang luha ko.

"Kien.. patawarin mo na ako please."

"Labas!"sigaw niya sa akin pero nagmamatigas parin ako

"Labas sabi eh!"

"Hindi ako lalabas! Hindi ako lalabas hanggat hindi tayo nagkakaayos! Hindi ako lalabas hanggat hindi mo sinasabi sa aking mahal mo ako. Mahal mo ako Kien alam ko yun kaya patawarin mo na ako please." napaluhod nalang ako habang umiiyak.

"Tiara.." nakita kong tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

"Mahal na mahal kita."pagkasabi niya ay bigla siyang nawalan ng malay.

***

Nagluto ako ng makakain namin. Hinaluan ko to ng potion. Hindi love potion. Yung potion na hinalo ko ay yung ginagamit ko sa shop ko para mabawasan yung lungkot niya.

"Tiara." tawag niya sakin.

"Gising ka na pala. Kain kana. "Hinainan ko siya ng pagkain.

"Salamat at nandito ka. Gumaan-gaan pakiramdam ko. Pasensya kana sa mga inasal ko ha. Akala ko kasi pinaglalaruan mo lang ako. Mahal na mahal kita Tiara. Ikaw nalang ang natitira sakin. Hindi na ako umaasang magkakaayos pa kami nila mom and dad lalo na at magpapakabusy lalo si Dad."

"Salamat din at napatawad mo ako."Nginitian ko siya ng pinakamatamis kong ngiti."Kain na tayo!"

Matapos namin kumain ay nagpasta na akong umuwi.

"Uwi na ako...King?"nagaalangan pa ako sa tawag ko sa kanya. Ang awkward kasi eh. Basta nakakahiya pa.

"Parang nahihiya ka pa ah. Ihahatid na kita Queen ng buhay ko." Niyakap niya ako ng mahigpid. OMG. Kinikilig ako!

"I love you."

"I love you too." then kiniss niya ako sa forehead.

Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon