Tiara's POV
Hindi ako makaglaw sa kinatatayuan ko. Bigla nalang tumulo ang luha ko. Napakaganda ng paligid pero...
...si Kien nakadapa sa may tapat ng cruise ship hinanda niya para sa date namin. All I can see is blood. Puro dugo ang katawan niya at may kutsilyo sa tabi niya.
Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Gumapang ako papunta sa katawan niya.
"Ki..en! Ano ka ba? Tumayo ka nga diyan! Hoy! Kien! Bwiset ka talaga!" yun nalang ang nasabi ko hanggang makarating ako sa katawan niya. Nanghihina na ako.
"Tulong! Tulungan niyo kami!Kien gumising ka."Inalog alog ko ang katawan niya at hinarap sa akin. Nagulat ako dahil hindi mukha ni Kien ang nakita ko. Bigla namang ngumiti ang lalaki.
"Sino ka? Saan mo dinala ang boyfriend ko? Ha? San mo dinala si Kien?" sigaw ko sa kanya. Kaimbyerna tong lalaking ito! Ang gand na ng acting ko eh!
"Ms. Majesty pwedeng pa-autograph?" nilaha niya naman sa akin yung notebook na galing sa kanyang bulsa.
"Ituro mo muna sakin kung nasaan ang boyfriend ko!" Tumayo siya at iniwan ako. Kinakausap ng maayos! Hahabulin ko na sana kaso may biglang nagsalita.
"Hi Queen!Happy anniversary! Mahal na mahal kita! Nakaganti din ako sa doughnut na ginawa mo sa akin! Nandito ako sa loob ng barko. Kung gusto mo makita ang surprise ko ay pumasok ka na. Naiinip na ako bilisan mo na! Gusto na kitang mayakap. Queen, paalala lang, Mahirap hanapin ang gwapong katulad ko. Magingat ka sa loob! I love you!"
Ano naman kaya ang pakulo nitong lalaking to? May araw ka din!
Pumasok ako sa yate at bumungad sakin ang mga babaeng nakacostume na pang fairy. Hinila nila ako sa isang silid at binigyan ng isang gown.
"Para saan to?" tanong ko sa isa. Tiningnan lang ba naman ako! Akala mo naman maganda!
Sinuot ko nalang yung gown.
"Ma'am diretso lang po kayo atmakikita niyo na po si Sir Kien."sabi nung isang babae.
"K dot." I roll my eyes on her. Kaimbyerna eh.
Sinunod ko ang sinabi ng babae. Nung nas kalagitnaan na ako ay biglang namatay yung ilaw.
"Kien! Pinagtitripan mo ba ako!"biglang tumaas ang mga balahibo ko. Biglang lumamig ang hangin na humahaplos sa katawan ko.
Naglakad ako ng bahagya. Lakad.. Lakad.. Hanggang sa napahinto ako dahil may narinig akong kumakanta na bata.
"London bridge is falling down... falling down falling down. London bridge is falling down.. My fair lady.." biglang bumukas ang pinto sa may kanan ko at nakita ko ang batang may hawak na teddy bear at duguan. "Waaaahhhhhh" Kumaripas ako ng takbo hanggang sa makakita ako ng liwanag.
"Kung hindi lang kita Mahal! Hay nako! Argggg!" pagwawala ko. Paano ako makakalabas dito.
Nagdiretso lang ako sa paglalakad at may nakita akong pinto na nakabukas.
"OMG ang daming pagkain!" Dahil gutom na ako ay pumasok ako sa loob at kumain. Buti naman at walang prank na ginawa si Kien dito. Bigla akong nauhaw. Binuksan ko ang Ref at biglang may bumuhos sa akin mula sa taas.
"Arggg! Papatayin mo ba talaga ako kien!" Punong puno na ng harina yung katawan ko.
"Hoy Kien lumabas ka diyan! Hindi purket anniversary natin ay pagbibigyan kita!"
Pumasok ako sa isang malaking pinto at nagulat ako sa mga nakita ko.
Si Kien ay nakatayo sa baba ng hagdan. Puting puti yung paligid kasing puti ng katawan kong nanlilimahid sa harina. Napawi lahat ng inis ko ng makita ko ang isng malaking silid na ito.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty