Tiara's POV
Handa na nga ba ako bumalik. Matatanggap niya ba ako ulit. Binuksan ko ang pinto ng bahay ko at bigla naman ako sinalubong ng maid ko.
"Mam!!! I mess yo su mats! Komusta kana pu?"agad na tanong niya sa akin.
"Hay nako namiss mo agad ako O.A. much! Ya pakitulungan mo nga ako dito!" Agad naman niyang kinuha yung dala ko. Matagal na silang naninilbihan sa sakin. Simula pa nga ata sa mga ninuno niyan eh. What I mean is pinagsisilbihan nila yung buong angkan ko.
"Mamaya ko na ibibigay yung sahod mo. Magpapahinga muna ako." agad naman siyang tumango at lumabas na ng kwarto ko matapos ihatid ang gamit ko.
***ding dong***
Agad naman akong bumaba. Kakarating ko palang may bisita agad ako.Biniksan ko agad ang pinto at...
"Ki...en? What are you doing here?"gulat na tanong ko.
"Gagawin ko to para kay Kendie. This is her last wish. Wag kang mag assume na may gusto ako sayo. Hindi ko na sinabi sa kanya na ginayuma mo ako baka may makarinig pa na iba at masira pa ang career mo. I still care kahit na ginago mo ko. By the way kaya nga pala ako nandito para sabin na tuloy parin ang pagpapanggap natin... para kay Kendie." agad naman siyang naglakad papalayo at habang lumalayo siya ay bigla nalang may umagos na luha sa aking mga mata.
"Ma'am.. may sasabihin po ako sa inyo."yaya.
"Ipagpabukas mo na yan masama ang pakiramdam ko ya."
"Yung gayuma po ba yung pinakuha mo sa akin? Yung amoy strawberry? Mam sorry pero natapon ko po yun. Pinalitan ko nalang po ng strawberry juice. Sasabihin ko napo dapat yun kaso nagmamadali ka po kaya hinayaan ko nalang. Baka po makatulong sa inyo ngayon kaya po sinabi ko na." agad naman akong nabuhayan.
"Salamat ya. Aakyat na ako." Isa lang ang ibig sabihin nun. Minahal niya talaga ako.
****
Ang aga aga naman may bisita nanaman ako. Guess who? It's Kendie.
"Ano ba ang ginagawa mo dito? Naaantok pa ako eh!" agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"Ang sungit mo naman. May pupuntahan tayo ngayon eh." sabi niya sakin.
"Seriously? Teka teka... sino nagsabi sayong Close tayo! FC ka ah!" pabiro kong sabi sa kanya at umupo sa sofa.
"Maligo kana at magbihis!" at dahil mabait ako sinunod ko nalang si Kendie.
"Oh. Im done! Tara!" yaya ko sa kanya.
"Grabe ka! Two hours mong sinayang ang oras ko! Grabe ka magayos!"
"Ganun talaga pag maganda. Bakit? Limang minuto ka lang ata naliligo no!"
"Ofcourse not! Tara." Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse niya.Makalipas ang bente minuto ay nakarating kami sa sm.
"Ui si Tiara at kendie yun diba??"-girl 1
"OMG magkaibigan pala sila! Ang gaganda!"-girl 2.
Hayss.. Pinagkakaguluhan na kami.
"Bat kasi dito tayo nagpunta? Baka di mo kayanin. Okay lang ba?"para kasi siyang namumutla kahit ang kapal na ng make up niya. Iba yung mga mata niya eh.
"Ok lang ako. Tara Tom's world tayo! Hayaan mo lang sila. Ngiti ngiti nalang."Hinila niya ako papuntang Tom's world.
"Baksetball tayo!" bumili siya ng 100 na token. Grabe tong babaeng to nagpapakapagod.
"Alam mo kung hindi ko alam na may gusto ka kay Kien iisipin ko na tibo ka. Hahaha. Para mo kasi akong dinidate." Inirapan niya lang ako.
Naglaro kami ng basketball. Nakadalawang laro lang kami. Nkakapagod kaya. Pagkatapos nun ay kumain kami sa starbucks at nagshopping. Grabe itong babaeng ito. Parang wala siyang sakit.
"Teka teka.. May sakit ka ba talaga? Mas napapagod pa ako kesa sayo eh."
"May sasabihin ako sayo. Wala talaga akong sakit."Ginagago din pala ako ng babaeng to eh.
"Paano ka mamamatay? May papatay ba sayo? "tanong ko.
"Wala.. walang papatay sa akin. Wag kang magugulat ha? Isa akong witch." Napatayo ako sa pagkakasabi niya.
"What do you mean? Ikaw si... Ikaw si.." pinipilit kong isipin ang pangalan niya pero hindi ko maisip.
"Athena"
"Ang kauna unahang witch na napunta sa earth."
"Tama.. Bakit mo nalaman yun?" tanong niya saking.
"I am Hera the witch of feeling and emotions. Alam ba ni Kien yan?"
"Hindi.. Eto talaga ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya. May sakit si Kien noon. Nagaagaw buhay siya kaya't ibinigay ko ang buong lakas ko sa kanya. Ang kapangyarihan ko nalang ang bumubuhay sa akin at sa darating na linggo ay ibabalik na ako sa Kaharian ng Frosia at doon na ako papatayin. Alagaan mo si Kien. Wag mo siyang papabayaan." Tulo ang luha galing sa kanyang mata.
"Pangako aalagaan ko siya." Niyakap ko si Kendie. Hindi ko sasayangin ang sinakripisyo niya.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty