BUMILIS ang tibok ng puso ko, halos nanigas ako sa pagkakatayo ko sa gitna ng kwarto ito. Napahawak ako sa dibdib ko, napakabilis ng pagkakatibok nito.No, it can't be.. No, Baby.
"Jacob.." Is the last word i heard bago bumagsak sa paanan ko ang telepono na hawak ko kani-kanina lang. Nanlamig ang pakiramdam ko at tila puputok ang ulo ko sa narinig.
"No.." Tila ako natauhan. Hindi, hindi totoo 'yun.. Please.
Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang pintuan palabas.
Daig ko pa ang halimaw habang pababa ako ng hagdanan. Baka nasa baba lang sya at tinataguan ako, ganun naman 'yun palagi 'e ang hilig mang good-time.
"Baby? Labas kana, nasaan kana hindi yun totoo diba?" Bulong ko sa sarili ko. Hindi pa man ako nakakababa ay sinalubong na ako nila Aries.
"Pare, si Angeline.." Hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng tinabig ko sya paalis sa harapan ko. Agad ko silang tinalikuran.
"No, Aries hindi yan totoo, tinataguan lang ako ni Angeline," i went to the kitchen pero wala sya 'dun. I even search the whole place but my Angeline is nowhere to found. Masama akong napatingin sa humawak sa balikat ko at iniharap ako sa kanila.
"Pare, tara na sinugod na sa Ospital--" magsasalita pa sana si Ceph ng sinuntok ko ang dinning table. Buong lakas at sama ng loob.
"Putangina! Bawiin mo yang sinabi mo!" Galit na sigaw ko. "Hindi iyan totoo Cepheus! Mapapatay kita!" Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Fuck! No damn it!
Umiling sya at nagtaas ng dalawang kamay simbolo na sumusuko na ito makipag-argumento.
"Tangna Jacob! Nasa ospital si Gelay ngayon!" Singhal ni Phoenix hindi alintana ang galit ko. Tumagilid sya sa pagkakatayo ng malakas na lumipad ang kamao ko sa mukha nya. Ayoko, ayokong marinig o malaman man lang ang totoo.. Angeline, hindi totoo yun d-diba? Babe..
"Putangina! Putangina lang Phoenix! Hindi yan totoo!" Malakas na sigaw ko. Pero hinaklit nya ang kwelyo ko atsaka ako binulyawan. Bumakat ang litid nya sa leeg sa tindi ng pagkakasigaw nya.
"Gago ka Lhoyd! She needs you there! Nasa kritikal sya! Naiintindihan mo?!" Pero wala, nasa isip ko ang magaganda nyang ngiti.. Baby, nasaan kana ba? Pinagtataguan muna naman ba ako? Pero ewan ko bigla-bigla ay napaluha ako. Putangina!
"P-please.. Take me to her.." Baby, hindi yun totoo diba? Please, please.. Ikakasal pa tayo..
Hindi ko alam kung paanong napunta na ako sa Ospital, para akong lutang habang papalapit kami ng papalapit sa ER at mas tumitindi ang kaba ko. Kanina ko pa sya tinatawagan 'e pero hindi sya nasagot. Nagtatampo ka pa rin ba?
BINABASA MO ANG
Hendric Boys Series 1: And There He Was
General FictionUNEDITED! UNEDITED! UNEDITED! Trusting people is very hard for her, seeing a man crying is her satisfaction. Hatred and loneliness covered her heart, She learned to protect herself not to fall inlove. But when she met a guy who saved her life. Hind...