Chapter 46

901 12 2
                                    


  "SHE'S okay, kailangan na lang nyang mag stay dito for two days para sa mga tests, at pwede na syang iuwi." Nakatingin lang ako sa kanila habang nakikinig sila sa mga sinasabi ni doktor.

Akalain mo yun, two weeks and 3 days din akong tulog! Wow!

Naaksidente pala ako, kinuwento na nila sa akin kanina at grabe! Ang tanga-tanga ko talaga! Whaa!

Gusto kong batukan ang ulo ko kaso may tahi nga pala ako sa ulo kaya wag na lang, Ang tanga mo Gelay! Ugh.

Mangiyak-ngiyak ako pagkatapod kong marinig ang paliwanag ni Jacob.

"Tayo, tayo Babe ang ikakasal, Hindi si Monique, tayo.." At hinalikan nya ako sa noo, ilong, at labi. Hindi maampat-ampat ang luha ko.

Ugh! Ang bobo ko kasi!

"Don't worry, pinagpaplanuhan na nila Dad, ang kasal natin, kailangan mo na lang magpagaling, ha?" He smiled weakly.

"I'm sorry, i'm so sorry Babe.." Hindi man maintindihan ang mga sinasabi ko ay pilit ko paring sinabi.

Ngumiti sya sa akin, bakas ang pinagsama-samang lungkot, pangungulila, at kasiyahan sa mata nya.

"I love you so much, please don't pull that stunt again, ikamamatay ko na.. Mamamatay ako." Bakas ang pagkasinsero sa boses nya, Sunod-sunod lang akong tumango habang umiiyak.

"Mabuti't gising kana, Gelay. Ilang linggo na kasing hindi naliligo yang si Lhoyd!" At nagsitawanan naman silang lahat.

Hendric Boys Series 1: And There He Was Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon