Chapter 24

806 18 0
                                    


                            NAPAHINGA ako ng malalim, Taragis kinikilig ako! Hahahaha! Ang Landee mo Gelay! Napa yakap ako sa Sarili ko habang pinapanuod ang kotse nyang papalayo.

Tumalikod na 'ko ng hindi ko na maaninag ang sasakyan nya.

Past 9 na kase, Tulog na rin si Manang kaya ako na lang ang mag bubukas ng Gate, inilabas ko ang Susi sa Bag ko at ipapasok na sana sa keyhole 'yun ng biglang may humaklit sa braso ko, kaya agad akong napa tingin.

Malaking lalaki ito at naka cap na itim, itim na Jacket, maong na itim, may knapsack din syang itim at naka mouth mask sya ng itim, Yung totoo? Saan ang lamay?

Nakita ko ang ayos nya dahil saglit ko syang napasadahan ng tingin.

Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa madilim na rin dito sa kinalalagyan namin.

Nakatingala ako sa kanya at ramdam ko ang matalim nyang titig sakin, pilit kung inaaninag ang mukha nya.

Tinitigan ko sya at napa singhap ako ng makilala ko ang mga asul na mata na iyon. Halos dalawang araw kong hindi nakita ang mga mata na iyon.

Then I felt something cold hand caress my heart. Ngayon ko lang nalaman na, TANGINA! Na miss ko pala 'tong lalaking 'to!

Itinaas ko ang kanang kamay ko inalis ko ang mask nya at hinawakan sya sa pisnge, naramdaman ko ang pag stiff ng mukha nya, ang malalim na pag hinga nya. May Stubbles na rin pala sya.

Hinawakan nya ang kanang kamay ko at idinama nya sa pisnge nya atsaka pumikit.

Lumapit pa ako sa kanya 'nun. Mag kadikit na ang katawan namin, mabigat ang pag hinga nya, nakita kong dumilat sya  at ngumiti.


A very weak smile.


Napa kunot ako. Tumingin sya sa 'kin at sa labi ko, kaya napa tingin din ako sa kanya.

Dahan-dahang bumaba ang mukha nya sa 'kin kaya literal na napa pikit ako, tumigil sya ng halos gahibla nalang ng ang pagitan ng labi namin.

Kaya napa dilat ako ng bahagya. Gusto ko sanang ilapit na ang labi ko sa kanya ngunit pigil nya ko sa balikat, Nakita kong bahagya rin syang napa ngiwi.

Lalayo na sana ako sa kanya ng tuluyan na nyang ilapit ang labi nya sakin at sakupin ang mga labi ko, Masarap. Namiss ko. Ewan ko parang gusto kong maiyak na ewan, pakiramdam ko nalutang ako sa alapaap, Parang ayaw kong matapos, Marahan sa una ang halik nya, Magaan pero hindi ako makuntento.

Ikinawit ko ang braso ko sa leeg nya at nilaliman ang halik sa kanya, Naramdaman kong nagulat sya sa ginawa ko pero agad din namang nakabawi. Inilagay nya ang mga kamay nya sa likod ko paakyat sa batok ko at itnutulak ako sa kanya para mapalalim pa lalo ang halik nya.

Our tounge fight in dominance, Halos mapugto ang mga hininga namin but we can't get enough. I can't get enough of him, Parang halos sampung taon kaming hindi nag kita.

Humaplos ang mainit nyang kamay sa likod ko, i felt something down in my spine, i felt like burning.

Bumaba ang kamay ko sa balikat nya, sa braso at pumaikot sa bewang nya pero laking gulat ko ng bigla syang bumalikwas.

"Damn!" He hissed like hes in pain. and i was shocked. i looked at him, He's cupping his waist like something wrong happened there.

Nakapa maluktot sya at napahawak pa sa braso ko, Aalalayan ko sana sya kaya napahawak ako sa balikat nya, Kaso napatigil ako ng makita ko kung anung meron sa kamay ko..

Pakiramdam ko ay nabato ako sa nakikita ko.


B-Blood..


Napatingin ako kay Jacob at napa tili ng napaluhod sya.

Hendric Boys Series 1: And There He Was Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon