Chapter 31

765 20 0
                                    

                          TULUYAN ng nanghina ang mga Tuhod Ko. Napaupo nako sa sahig at nakatulala nalang sa kamay kong namumula. Teka, totoo ba to? Hindi Gelay! Nananaginip kalang! Ano kaba! Gumising kana!


Tsk! Nakatulog ka sa Gym Diba? Gumising kana Gelay! HAHA! Kung ano-anu kasing iniisip mo eh! Diba nga makikipag Bati kapa Kay Jacob? Anu pang inuupo-upo mo Dyan?

Napangiti ako Ng mapait .

Sana nga nananaginip Lang ako, ang bilis. Nung nakaraan okay pa naman kami aa?

Napapikit ako ng Tuloy-Tuloy na nag bagsakan ang mga luha ko.

At ang pag Sara Ng pinto ng Rooftop. Wala na sya.. All this time, nakikipag Laro Lang pala sya.

Now you know the feeling Angeline..

Napailing ako sa sinasabi ng kabilang Utak ko.

Sakit na naman masaktan.

"..Now you know Kung anung pakiramdam ng Masaktan, It's Hell right?.."

Teka, parang pini-pirapiraso yung puso ko. Hahaha! Teka! Gelay?! Ikaw ba yan? Hahaha!

Tsk, anu bang nangyayare sayo? Diba ikaw ang hinahabol-habol? Ikaw ang iniiyakan, ikaw ang Pinag mamakaawan? 

Sigee, tumawa kapa Gelay! Ayan oh, Antaas ng Rooftop. Talon na!

With that, Napatingin ako sa sementadong harang ng Rooftop. Hanggang bewang Lang yun at kaya kong akyatin.

Kahit Hirap ay naglakad ako papunta dun. Hindi Manlang Nya ba napansin yung mga pasa ko? Ang mga Galos Ko? Hindi ba Talaga Nya Ko Niligtas? Pero, parang Hindi Lang panaginip ang Lahat. Pakiramdam ko, totoong-totoo!

Naglakad ako ng may nanginginig na Tuhod . Inapakan ko nalang yung sunglasses na nalaglag kanina sa pag kakatabig Nya.

Napahawak ako sa noo kong sumasakit. Napatingin ako sa kamay kong nabasa, Tangna. Nadugo na!

Napailing ako. Kumapit ako sa Sementadong harang at tumingin sa baba, napakataas ng lalaglagan Ko kung sakaling tatalon ako, paniguradong Hindi ako bubuhayin neto. Napatingin ako sa kalangitan Great! Mukhang pati Panahon nakikiayon sakin..

"No matter what happened I still love you Angeline.." At tuluyan ng nag laglagan ang mga Luha Ko na nauwi sa Hagulgol.


Jed..


Napayuko ako at napahawak nalang sa mukha ko.


"S-sabi mo kasi, Dimo Ko iiwan! Nakakinis ka, B-bakit nauna ka? Ang excited mo Talaga! Nakakainis ka! N-nakakainis ka!" Impit na sigaw Ko Habang humahagulgol .

"P-please come back.. Iniwan Nya Ko. Ayaw na Nya sakin.." At napaluhod ako.

"M-masakit na Jed..masakit na.." Sumandal ako.

"Isama mo nako.. P-please.. S-Sabi mo, may mag mamahal sakin..?" At napangiti ako Ng mapait.

"Wala kaya.. Ikaw Lang.."

"Ikaw Lang naman.. Kaso, pati ikaw, iniwan din ako.."

"Sabi na eh.. Ayaw Kung sumubok.. Bumalik kana sige na.."

At lalong lumakas ang Hagulgol ko na nanginginig pa ang mga balikat na halos Diko na ma-control ang iyak Ko.

Unti-unti akong nakaramdam bg panghihina Dahil sa pag iyak at sakit Ng katawan ay nakatulog ako.

Naalimpungatan ako Ng maramdamang parang nababasa ang balikat at ulo Ko.

Kaya napadilat ako at sumalubong sakin ang malamig na simoy Ng hangin At papalakas na ulan.

Hendric Boys Series 1: And There He Was Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon