MARAHAS ang paglingon nya sa pwesto ko, Kitang-kita ko ang pagkagimbal sa mukha nya. Nanlalaki ang mata nya at ipinako na ata sya sa pwesto nya.
"A-angeli-- Oh my Fu-freaking Ghad!" Inilang hakbang nya ang distansya namin at agad nya akong niyakap ng napaka higpit. Yung tila sa yakap sya kumukuha ng hangin para makahinga. Mainit ang yakap na iyon. Sabik na sabik. Naramdaman ko pa ang sunod-sunod na paghalik nya sa kanang sentido ko, sa noo at bumbunan. Pagkatapos ay hinawakan nya ako sa balikat at iniharap ako sa kanya. Mukha syang di makapaniwala.
"Fuck! Baby, may masakit ba sayo? Ghad baby, I miss you.." At niyakap na naman nya ako.
Pero ako? Para akong pinako sa pagkakatayo. Unang-una kong gustong itanong sa kanya at kung bakit sya nandito at ang mga lalaking iyon? Pangalawa, Bakit ganito sya umakto? At pangatlo, bakit nag papayakap ako sa kanya?
Pero ewan ko ba, naramdaman ko nalang na nagsisituluan ang mga luha ko ng marinig ko ang sunod-sunod nyang pag-iyak habang sinasabi ang mga katagang 'I'm sorry.'
Nanulas sa bibig ko ang hikbi at mas lalo nya akong niyakap.
"Baby, i'm so sorry.. P-please take me back.. M-magbabago ako. S-sorry na.." Halos hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya pero ng maramdaman ko ang init ng kanyang yakap at tibok ng puso ay ang pagdaan ng sakit sa sentido ko at pagbuhos ng mga ala-ala..
"No Jacob! Kailangan nyang malaman!" Sigaw ni Monique.
"I said no!" Pigil ni Jacob.
Naguguluhan ako sa kanilang dalawa, ano ang kailangan kong malaman? May inililihim ba sila sa'kin?
"A-anong Kailangan kong malaman..?" Kinakabahang tanong ko. Parang tinatambol ang dibdib ko.
Nakita kong ngumisi si Monique.
"Can't wait? By the way I'd like you to meet my Boyfriend Jacob Lhoyd Hendric, Christoper Seth's Half brother." At ikinawit pa nya ang braso sa bewang ni Jacob.
Hindi ko alam pero parang may inihagis sa aking bomba at sumabog mismo sa harapan ko.
Parang tumigil ang oras.
Parang huminto ang paligid.
Nabibingi ako. Hindi sa ingay kundi sa salitang sinabi nya at sa mabilis at malakas na pag tibok ng puso ko.
Daig ko pa naestatwa dahil hindi ako maka galaw. Na glue na ata ako sa pag kakatayo Ko.
"Ano? Natatandaan mo pa?" Nakangisi sya. Pero hindi ako makasagot.
Dumako ang tingin Ko sa namumutlang mukha ni Jacob.
Totoo ba? Parang sinaksak ang dibdib ko, too much information.
Sumasakit ang ulo ko sa mga rebelasyon na nalaman Ko.
"..at nandito lang sya para pasakitan, paasahin, paibigin at wasakin ang tulad mo Angeline and guess what? nag tagumpay sya. Poor Angeline, hindi mo alam pinapaikot ka lang pala. Ngayon, alam mo na ang pakiramdam ng naiwan." Nang aasar ang mukha nyang nakatingin sakin.
Napansin ko nalang na parang nabasa ang pisnge ko. Lumipad ang kamay ko papunta sa pisnge ko.
Bakit basa?
Hanggang sa tuluyan na silang nag lalaglagan. At sinundan nang malakas na hagulgol ko.
Hindi ko na kaya. Ayaw ko na.
Agad akong tumalikod sa kanila at tumakbo. Narinig Ko pang tinawag nya ko pero nagpatuloy ako.
Gusto Ko munang tumakas..
Again Pain strike. Tandang-tanda ko pa ang lahat. Pati ang sakit nagsisibalikan sa sistema ko.
Ang mga braso kong nakayakap sa katawan nya ay unti-unting lumuwag hanggang sa bumagsak na lang sa gilid ko. Ngunit mas naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap nya. Nararamdaman ko na ayaw nya pang bumitaw, yung tipong sa akin sya kumukuha ng lakas na parang ipinapahiwatig ng yakap nya sa akin na hindi sya bibitaw no matter what..
Mahal ko sya, Tangna. Sobrang mahal ko ang lalaking 'to!
Narinig ko ang paglakas ng hikbi nya ng maramdaman nyang umangat ang mga kamay ko at yumakap rin ng mahigpit sa kanya.
"Thank you Baby, Oh ghad!" at mas lalong isinubsob ang mukha nya sa leeg ko at binuhat na ako. Agad namang ipinulupot ko ang mga binti ko sa bewang nya.
Ganu'n lang pwesto namin, pinapakiramdaman ang bawat isa at tipong kontento na magkayakap kami.
I will forgive him.. mas hindi ko nanaisin na pairalin ang pride ko at pahirapan ang mga sarili namin.
Mahal ko sya.. at handa akong magpatawad, na tanggapin sya ulit ng buong-buo. Handa ko ulit syang ipaglaban.
Nananatili pa rin kami sa pwesto namin, walang gumagalaw. At ako habang naka baon ang mukha ko sa balikat nya ay inilapit ko ang labi ko sa tainga nya at bumulong.
"I love you, Jacob.. promise me you'll never leave me again, Please." humuhikbing litanya ko.
"I love you the most baby, i promise i will never leave again. Dito lang ako just be here with me again." he kissed my neck and i felt his lips form a smile on my skin.
"Tangna ang tamis!" nakabalikwas ako ng marinig ko na may nagsalita sa bungad ng pinto ng kusina. Sila yung mga lalaking may mga pandesal!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Gusto ko man umayos ng tayo ay hindi ko magawa dahil si Jacob ay nakayakap pa rin sa akin at hindi man lang natinag! ang awkward kaya ng pwesto namin!
"Shut up, Assholes." He hissed atsaka tumingin sa kanila ng masama.
Nagsitawanan naman sila at sa sobrang hiya ko sa panunukso nila ay ibinaon ko ang ulo ko sa leeg nya para maitago ang namumula kong mukha!
"My baby is a shy type.." He teased at sinuklian ko naman sya ng kurot sa bewang nya. Napapitlag sya at humalakhak. Napangiti na rin ako. I missed his laugh!
"Sa taas muna kami, dyan na muna kayo." He said at naramdaman kong naglakad na sya palayo ng bitbit ako!
"Sos! momolestyahin mo kamo!" Sabi nila sabay nagsitawanan.
"Paano ang tagal ba namang natigang!" asar noong isa.
"Mga pakyu kayo!" natatawang sabi ni Jacob.
Nagtawanan naman sila. At ako naman ay namumula na sa hiya, gusto ko mang itanong kong sino ang iyon pero itinikom ko na lang muna ang bibig ko. mamaya na lang siguro at ieenjoy ko muna ang momment namin! Yay! Pero naalarma ako ng maramdaman kong paakyat na kami sa hagdanan.
"T-teka, bababa ako! Ang bigat ko kaya." natatarantang sabi ko.
"No baby, para ka ngang papel, nakain ka pa ba?" napaka lambing ng boses nya ng sinasabi nya iyon. He looked at me with so much tenderness and care.
"Of course!" nakangusong sabi ko. At agad na iniwas ang tingin ko sa kanya. "I love you.." he whispered. Napangiti ako. "Okay." i answered at yumakap ulit sa kanya habang pataas kami.
"Hey, Where's my I love you too?" tumigil sya sa paglakad at tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo nya.
"Kailangan pa ba yun?" Painosenteng sabi ko.
"Of course!" naka ngusong sabi nya. Napatawa na lang ako sa kanya.
"I said i love you!" inis na na sabi niya. "Thank you." Pang-aasar ko pa.
"Ah ganun? Fine. Let's go to my room and i will make you scream how much you love this bastard Love."
Hinigpitan nya pa ang pagkakayakap sa akin na nagpatili sa akin ng sobra.
--
BINABASA MO ANG
Hendric Boys Series 1: And There He Was
Narrativa generaleUNEDITED! UNEDITED! UNEDITED! Trusting people is very hard for her, seeing a man crying is her satisfaction. Hatred and loneliness covered her heart, She learned to protect herself not to fall inlove. But when she met a guy who saved her life. Hind...