"JACOB! Si Angeline!" Bumadha ang takot sa dibdib ko ng marinig kong tinawag ako ni Phoenix, Takot ang una kong nabasa sa boses nya.
"B-bakit?" At tinakbo ko na ang kwarto kung saan sya nakalagi. Nakita kong lahat sila ay nasa tapat at nagiiyakan. Hindi..
"A-anong nangyayare?" Ayaw kong magtanong dahil baka ikamatay ko ang magiging sagot nila, pero kailangan, kailangan kong maging matapang. Sa nanginginig na tuhod ay humakbang ako papunta sa pintuan ng kwarto nya.
Mabilis ang pagtibok ng puso ko, habang papalapit ako ng papalapit ay nakakarinig ako ng hiyawan at hagulhol sa loob. Parang ayaw ko ng tumuloy, hindi ko ata kakayanin, pero kusang umangat ang mga kamay ko at pinihit ang seradura.. Slow motion, parang sa movie na kadalasan na napapanuod natin, pigil ko ang hininga ko, at tila hindi ko ito alintana.
Unti-unti nakikita ko ang nagkakagulong mga nurse at doktor sa loob, nasa loob din ang mga magulang nya at tumatangis, napalingon ako sa kama, nakita kita na nakaratay, daig ko pa ang nasapak, ang putla kasi ng mukha mo..
Nakita kong may inilalapat silang bakal sa bandang dibdib mo, at bawat sigaw ng doktor at pag pump nito sa iyo ay sumasabay ang katawan mo, patuloy sila sa ginagawa nila sayo pati ang pagtangis ng mga taong nakapaligid sa akin.
"Please, iligtas nyo ang anak ko, Angeline! Jusko.." Sigaw ni Esmeralda at tila dun lang ako nagising sa napakahabang pagkakalutang, parang biglang nag volume up ang paligid, biglang nagkatunog, na kanina ay parang nakamute at tila pagtibok ng puso ko ang naririnig ko.
Dumagundong ang dibdib ko sa kaba at pinagsamang takot ng marinig ko ang tunog ng isang kahong may linya sa gitna kung saan makikita ang pagtibok ng puso, flat ito at tanging linya lang ang naririnig ko..
Hindi..
Angeline..
Naririnig mo ba ako?
Angeline..
Angeline, gumising ka.. Please.
"Time of death, 11:45pm. I'm sorry.." Narinig ko na sinabi ng doktor, Hindi.. Hindi maaari.
Lumabas sila ng kwarto at naiwan kami, mas lalong lumakas ang iyak ni Esmeralsa at Angelo..
Hanggang sa naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mata ko pababa sa pisngi ko. Sa nanghihina at nanginginig na tuhod ay lumakad ako palakad sa higaan mo, nakita ko ang maputlang itsura mo.
Putangina! Sana hindi mo na lang narinig iyon..
Sana hindi ka umalis ng araw na yun..
Sana hindi ako umalis sa tabi mo kanina..
Sana hawak at yakap kita ngayon..
Sana.. Puro sana pero wala akong magawa! Sana pero huli na! Wala na, wala kana.. Dyusko, ang sakit ng nararamdaman ko.. Hindi ko ata kakayanin ito..
BINABASA MO ANG
Hendric Boys Series 1: And There He Was
Fiksi UmumUNEDITED! UNEDITED! UNEDITED! Trusting people is very hard for her, seeing a man crying is her satisfaction. Hatred and loneliness covered her heart, She learned to protect herself not to fall inlove. But when she met a guy who saved her life. Hind...