NAKAKABAGOT naman talaga. Ilang araw na ba akong nakatengga sa bahay? Two weeks? Oo! Halos isang linggo na! Dumating si Mama last week at talagang tinalakan ako. Hindi na rin ako pinapapasok ni Mama kasi lumpo pa daw ako.
Like duh? Lumpo? kaya ko pa ngang mag jogging eh!
Pero, syempre joke lang 'yun! Lumpo nga talaga ako, Hindi nga ko makalakad ng tuwid o nang walang saklay kahit bumaba ng hagdan inaalalayan pa ako tapos yung kanang kamay ko pa naka cast kaya ang hirap kumain.
Pero ngayon medyo maayos na ang paglakad ko at yung kanang kamay ko ay nagagalaw ko na hindi tulad 'nung mga nakaraang araw na sobrang hirap talaga. Lingid kay mama ang mga nangyare sakin, ang pag kakaalam nya ay nahulog ako sa hagdanan dito sa bahay habang nasa states sya at hindi ko rin pinaalam sa kanya ang naging dahilan.
Basta, sinabi ko lang na, 'I flipped.'
"Gelay, Tara kakain na." Pag aaya sa 'kin ni Mama. Oo tama 'Gelay' ang palayaw ko ewan ko ba dyan kay Mama at ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko.
"Opo Ma, susunod ako."
"Kaya mo na bang maglakad mag-isa?" Tanong sa akin ni Mama na halatang nag-aalala pa 'rin sa kalagayan ko.
"Opo Ma, diba ng kahapon nakababa na 'ko ng hagdan?" Pagmamalaki ko sa kanya with matching ngisi pa.
Tinaasan naman nya ko ng kilay.
"Oo nga't nakababa ka ng hagdan pero una ang mukha? Seryoso ka bang okay kana?" napanganga ako sa sinabi ni Mama.
Takte! Nakita nya 'yun? Eh nadulas lang naman ako.
Alanganing tumango na lang ako sa kanya.
"Nga pala Ma, lalabas kami ng barkada ko mag ma-mall lang." paalam ko pero tumaas na naman ang kilay nya, "Mall?" tila nanantiyang tanong nya kung nagbibiro ako.
"Opo? " Patanong naman na sagot ko sabay ngiti. May mali ba sa sinabi ko?
"Anak..." Tawag nya sakin sabay upo sa gilid ng kama ko, sa kaliwa ko. Tinignan ko naman sya.
"Bakit Ma?"
"Sobrang lakas ba ng pagkaka bagok mo at naiisipan mong maglakwatsa ng lumpo? Bumaliktad na ba yang utak mo?" Kalmadong tanong nya at napangiwi naman ako. Kaya ko na manang maglakad. Actually, yung braso ko na lang yung masakit.
"Hindi sa ganoon Ma, ang akin lang... anim na araw na akong naka tambay dito sa bahay gusto ko sanang lumabas man lang." Pangungumbinsi ko sa kanya, nag puppy eyes pa ako!
Pumayag ka, Pumayag ka, Pumayag ka, Please!
"Okay..." sabi nya at bumuntong hininga. Napa 'Yes' ako sa sinabi nya, wala talagang makaka resist sa charms ko!
"But--" Pigil nya sakin ng akmang yayakapin ko sya. Kunot noo ko naman syang tinignan.
"Dito ka mag lunch sa bahay ha? Magluluto ako ng pabirito mong Menudo!" Masiglang sabi nya. She loves cooking so much na kabaligtaran ko naman. Never akong humawak ng mga kitchen tools nya. Nginitian ko sya at tumango.
"Thank you, Ma! You're the best!"
---
"Hoy babae, mabuti pinayagan ka ni Tita!" Masayang sabi ni Rexia. Nandito kami ngayon sa isang Café at tutal wala pang nag b-breakfast sa 'min ay nagkasundo kaming magkape muna saglit bago gumimik. "Oo naman! 'Di ako matitiis ni Mama! Ang kaso hindi na ako makakasabay sa inyong mag lunch." Sabi ko sabay higop ng kape.
"Bakit naman?"
"Kasi magluluto si Mama ng lunch for us." Napangiti ako.
"Okay lang 'yun atleast wala kaming pilay na kasama, ayoko ng mabagal. Nakangising sabi ni Darlene habang nahigop ng paborito nyang kape. Sarap sikuhin eh.
BINABASA MO ANG
Hendric Boys Series 1: And There He Was
Fiksi UmumUNEDITED! UNEDITED! UNEDITED! Trusting people is very hard for her, seeing a man crying is her satisfaction. Hatred and loneliness covered her heart, She learned to protect herself not to fall inlove. But when she met a guy who saved her life. Hind...