Chapter 2

2K 47 0
                                    

"IS there any problem here?" napadilat ako ng marinig ko ang boses na yun.

L-ligtas na ko? Gusto kong magtatatalon sa naisip! Ligtas na 'ko!

"H-help me please.." sabi ko doon sa lalaki, nagtataka man ako kung bakit andito parin ang lalaking ito pero hindi ko nalang pinansin yun, thank you na lang talaga at may mag liligtas na sa akin sa kumag na 'to! Ambaho pa niya! Hindi ata uso dito ang salitang tubig at sabon.

Parang submarine na umahon sa dagat ang pag-asa sa 'kin ng makita ang lalaki sa harap ko, pero sa mga sumunod na sinabi nya ay parang bangkang nabutas naman na lumubog ang pag-asa ko.

"Why should I?"

What?

Hibang ba sya at hindi ba nya nakikita na mapapahamak na ako?

"Sino ka ba? Umalis ka na dito at mag uusap lang kami ng shota ko!" Sigaw 'nung lalaking may hawak sa 'kin. At sa tapat pa talaga ng tenga ko sya sumigaw. As in sa tenga ko? At ano daw, Shota? Oh please!

"Ano ba, kailangan sa tapat talaga ng tenga ko?!" Singhal ko rin sa lalaki. Ang tapang ko, nakakaiyak!

"Punyeta, tumahimik ka!" singhal naman sakin ni Baho! Oo Baho, kasi ang baho nya! Humarap ako dun sa lalaki.

"Mamang nakasalamin, Please help me, I don't know him!" I pleaded.

Tumingin sya sa gawi ko, naka shade pa rin kasi sya pero halos malimutan ko ang sitwasyon ko ng alisin nya ang shade nya, literal na napanganga ako. His eyes. It's like a Blue sky. A very expressive blue eyes, I had ever see. Napalunok ako. Gosh! Ang ganda ng mata nya at ang mga tingin nito parang nanunuot pinaresan pa iyon ng mahahabang itim na mga pilik. Makapal ngunit masungit ang tabas ng kilay nya at honestly breathtaking ang mata nya! Color blue!

"Why should I?" walang emosyong sabi nya. Lalo akong napanganga sa sinabi nito w-wha--

"Whaaat?!" Gulat na sigaw ko. So, anong ginagawa nya rito? Manunuod? Aba! baliw ata ito? Teka baka iniisip nya na taping or shooting lang ito? Luh? Hindi ah! totoo ito!

Nag-smirk lang sya kaya nakaramdam ako ng pagka inis.

"Ano ba! Hindi ito shooting okay?" Napipika na ako sa kanya pero he just grinned. Ugh! nakaka inis.

"I know." he simply said. Yun naman pala eh!

"Eh bakit hindi mo pa ko tinutulungan? " napa kamot ulo nalang tuloy ako.

Hindi muna sya nagsalita at may dinukot ito sa bulsa nito.

"Hoy! Wag na waf kang maglalabas ng baril kung hindi'y mapapahamak 'tong babaeng 'to!" sigaw na naman ni baho nakalimutan kong nag eexist pa pala sya!

"Chill brod. " ngumisi sya ng mapang asar at naglabas ng sigarilyo na nakalagay sa lata at lighter.

Wow! Nakuha pa nyang manigarilyo, kahit tumawag man lang sya ng Pulis! Nag sindi ito ng sigarilyo at humithit dun at saka nagbuga.

"Wow, mang alok ka naman oh." pabalang na sabi ko na may halong sarkasmo ang boses ko.

"You want?" at inilahad sakin ang lata ng sigarilyo nya.

Ay wala!

"Tangna! Nasasayang ang oras ko sa inyo! Hoy, nandito pa ako! Awt of pleys ako 'no! At ikaw, ililigtas mo ba ito o hindi?!" Baling nya sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Sumigaw na naman sya.

"Masakeeeet!" sigaw ko din sa mukha nya! Langya di lang sya ang may boses.

"Anak ng tokwa!" Sabi ni baho. Itinutok ulit sakin ni baho yung kutsilyo nya kaya dumagsa na naman ang daga sa dibdib ko.

Hendric Boys Series 1: And There He Was Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon