PAGKAPASOK ko pa lang ay nagtinginan na agad ang mga estudyante sa 'kin, At ano namang meron? Ako na naman ba ang nasa headline ng balita dito sa campus?Ang ganda ko talaga!
Naglakad na lang ako at hindi sila pinansin, Pero hindi pa'rin maalis sa akin ang makasagap ng chismis.
"Oo, grabe hindi rin ako makapaniwala na pinatulan sya!" Sinong pinatulan?
"Ako nga rin! Sayang naman ang gwapo pa naman nya! Bakit ba kasi sa kanya nalang lagi napupunta!" Ano daw, sinong gwapo?
"Sana lang talaga makahanap na sya ng katapat nya!" Ang laki ata ng galit nila sa kung sino man iyon ah? Nagpatuloy ako sa pag lalakad. Bahala sila tutal wala akong kinalaman sa pinag uusapan nila. Paliko na sana ako ng may humila sa kamay ko. Napapitlag ako at agad na n apalingon.
"Angeline Rose Velasco!"
Napatingin ako kay Rexia na hawak ako sa kanang kamay ko.
"Hoy! Kailangan mong mag paliwanag sa amin!" si Conie na nakahawak naman sa kabila ko pang kamay.
"Tama! How dare you na mag lihim sa amin?" Madamdaming sabi ni Tamara.
"What our friends are for? Dapat sinabihan mo man lang kami!" Litanya ni Hosannah.
"Akalain mo pinatulan ka?" Naka smirk na sabi ni Darlene. Teka, naguguluhan ako! Ano bang sinasabi nila?
"Teka nga ano bang sinasabi ninyo?" sabi ko at pilit na iwinawasiwas ang kamay ko.
"Ewan ko sayo! Nanarili ka crush ko pa naman sya!" si Tamara na tumalikod pa. Parang ewan lang.
"Ano nga ba kasi iyang ineemote nyo? Atsaka bakit ngayon lang kayong nagpapakita. Ano bang ginagawa nyo at parang ang bibisi ninyo ata?" Bulyaw ko sa kanila.
"Wag mong ibahin ang usapan!" Napanganga ako. Seryoso talaga sila?
"So, ano na? Kwento ka naman sweet ba siya? Nakita mo na iyong pandesal nya? Nabilang mo ba?" Gad! Sino bang tinutukoy nila?
"Ilang pandesal at parang gusto ko atang mag kape!"
"Wait! Wala akong idea sa mga pinag sasasabi nyo! Pakilinawan!" Naka kunot-noo ko nang sabi sa kanila, kanina pa palaisipan sa akin kung sino ang sinasabi nila.
"Wow! Kaya ka nga namin pinuntahan para magpaliwanag ka! Grabe, ikaw itong nag boyfriend na pala, wala man lang kaming alam and worst yung transferee pa!"
Yung tranferee? Sino si Lhoyd?
That devilishly handsome? Enebe! Imposible naman iyon...
"Ha?" Gulat na tanong ko. Paano ko naman naging jowa iyon?
"Hi girls!" Nagulat na lang ako ng biglang may umakbay sa akin mula sa likod. Noong nilingon ko para alamin kong sino ay sinalubong ako ng mapupulang labi. Nanlalaki ang mata kong napatulala. Iba ang sumalubong sakin! Feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko at pakiramdam ko ring malalaglag na iyong eyeballs ko sa sobrang laki ng mata ko! Speaking of the devil!
"Hi Babe." Nagulat ako sa tinuran nya.
Shit! Boyfriend ko 'to? Gad! P-pero, hindi nya ako niligawan!
'Bakit, Nagpapaligaw ka pa ba? Diba diretso kayo na mana?'
Napatingin ako sa mga kaibigan ko at parang nalunok na ata nila ang mga dila nila.
"A-ahm, Aalis na kami Gelaysu." Parang ewan na sabi nila.
"Really? Sa akin na muna sya ha? Hiramin ko muna sya sa inyo." Pag papaalam ni Lhoyd sa kanila at kumindat pa ang damuhong!
BINABASA MO ANG
Hendric Boys Series 1: And There He Was
General FictionUNEDITED! UNEDITED! UNEDITED! Trusting people is very hard for her, seeing a man crying is her satisfaction. Hatred and loneliness covered her heart, She learned to protect herself not to fall inlove. But when she met a guy who saved her life. Hind...