Chapter 11

827 27 0
                                    

"MA?" Nag tatakang tanong ko ng marinig ko syang umiiyak.


Napa tingin naman sa'kin ang limang lalaking parang men in black ang dating. Agad ding lumipad ang tingin ni Mama sa akin. Agad na lumarawan ang pagkataranta sa magandang mukha nito. Ewan ko pero parang binundol ng kaba ang dibdib ko ng tumingin sa'kin ang mga mata nya na inaagusan ng luha.

Takot.

Yan ang nabasa ko ng titigan nya ko ang mas nangingibabaw na ekpresyon nang mhga sandaking ito. Parang nag mamakaawa, napadako ang tingin ko ng tumikhim ang isa sa mga lalaking naroon.

"Sorry for disturbing you, But you need to come with us." Walang emosyon na sabi ng isang lalaking naka suit sa akin. Matangkad sya, malaki ang katawan, clean cut ang buhok, matangos ang ilong nito pero natatakluban ng itim na salamin ang mga mata nito. Mariin din ang pagkakariin ng labi nito. Lalo akong napa kunot ng biglang tumayo si Mama at sumigaw. "No! Not my Daughter! Leave us alone!" at iniharang nya ang katawan nya upang hindi ako maabot. Tipong piniprotektahan ako.

Nalilito man ay nag salita ako. "What do you want?" mahinahon pero puno ng kuryusidad kong tanong. "No, n-nothing sweety go upstairs..." nauutal na sabi ni Mama pero hindi ko sya pinansin.

Mas pinapatay ako ng kuryusidad ko sa sasabihin ng mga lalaking ito.

Tiningnan ko lang si Mama at nangungusap ang mga mata nyang sundin ko sya pero ewan ko ba, parang nawalan ako ng pake sa kanya ngayon. Dati naman pag nakita kong naiiyak o malungkot si Mama, hindi ko kaya. Kami na'lang ang natitirang mag karamay kaya pag nasaktan sya mas nasasaktan ako. Triple pa. Pero ngayon? Ewan ko, Parang mas gusto kong makinig sa kanila kesa kay Mama.

"Bakit kayo nandito? Anong kailangan nyo?" At kahit narinig ko mas lalong lumakas na hagulgol ni Mama ay hindi ko sya pinapansin.

Bakit sya umiiyak? Ano bang nangyayari? May ginawa ba silang hindi maganda kay Mama?

"Kailangan mong sumama samin, Kung gusto mong malaman ang pinagmulan mo." at sa sinabi nyang iyon ay parang nanigas ako sa pag kakatayo ko.

"NO! WALA SYANG KAILANGANG MALAMAN! LEAVE US ALONE!" sumisigaw na si Mama 'nun.

Pilit nya kong inilalayo ay hinihila papaakyat sa kwarto ko. Pero hindi ako nag patinag.

"Please-- umalis na kayo, W-wala syang kailangang malaman--" Naputol ang sinasabi ni mama ng Sumabat ako. "Do you know my Dad?" kunot noong tanong ko. Gusto kong malaman ang lahat-lahat. Lahat.

Simula't sapul, Hiningad kong mag karoon ng Ama. Which is hindi nangyari, When I was on my elementary days, I felt really sad knowing that I don't have a Dad. They kept bullying me.

Saying 'Go home! How pathetic! You don't even have a Dad what makes you think na totoong anak ka nga ng Mama mong gold digger? If I know, Pinulot o inampon kalang nya! Parehas kayong loser!' it always ecoing in my mind, and that's how my life's run. Nobody cared for me. Except my Mom.

I ask her one time about my Dad but she kept changing the topic even if I insist. Mag aaway lang kami. There were times that she shouted at me and telling me that my Dad is dead so, there's no reason for me to find him. I felt Devastated. I cried, hard. Then came my friends who's having there own Dad. I felt jealous of course, but they are my friends, Kaya nag decide ako na tanggapin na ang lahat. I don't even know his name. His face, or his voice, But I know, he's not dead. Tinatago lang sya ni Mama and I can feel it.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi sya nagpapakita sa amin, sa akin, kay Mama. Hindi ba nya alam na anak sya kay Mama? Hindi ba nya mahal si Mama? Nabuntis lang ba nya ito? Ang dami kong katabungan pero walang gustong sumagot.

"Malalaman mo kung sasama ka samin." sabi nung isa.

Nilingon ko si Mama. "I'm comimg with them." at sa sinabi ko ay lalo syang napaiyak na halos hindi na sya maka hinga. Gusto ko man syang aluin pero hindi ko na palalagpasin pa ang bagay na 'to. Matagal na 'kong nag titiis na walang kinagisnang ama.

"Hindi ka pa ba masaya sakin, anak?" Tanong ni Mama na tumingala sakin at lumuluha.

At sa eksenang iyon ay parang natauhan ako. Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. Gulong-gulo rin ako. Gusto ko syang makita at makilala pero bakit parang nararamdaman kong iba ang magiging kalabasan? Mahal ko si Mama nang sobra at ayoko syang nasasaktan. Huminga ako ng malalim naisip ko ang pinag samahan namin ni Mama, all those years sya lang kasama ko kahit na yung mga tao ay binatikos kami pero nandiyan pa'rin sya sa tabi ko.

Tsaka, kung sakaling gusto nya akong makilala bakit hindi sya ang pumunta dito? Bakit hindi sya mismo ang personal na magpakilaka sa akin? Bakit kailangan pa nyang mang utos sa iba?

"Fine. umalis na kayo," Nanghihina kung saad. "Hindi na 'ko sasama sa inyo." Para akong mauupos. Hindi ko man lang kinakitaan ng pag kagulat yung limang lalaki. Bagkus ay ngumiti pa ito ng makahulugan.

"As expected, Hindi ka nga sasama samin. But, I know na sa pangyayaring ito, Unti-unti ng mabubuo ang kuryusidad sayo. So, we'll go ahead. Have a good evening Mrs. Velasco, and so as you, Lady Angeline." and then they left.

Feeling ko nag tayuan ang balahibo ko sa sinabi nyang 'Lady Angeline?' Woah! What was that?

Naputol ang pag iisip ko ng mag salita si Mama, "Akala ko sasama ka na sa kanila, Anak." umiiyak parin sya. Nag kibit balikat ako. "Nope, Hindi man ngayon pero hahanapin ko sya Ma, Hindi mo sinabing nag eexist pa pala ang Ama ko, Why did you lie?" puno ng hinanakit na sabi ko.

Hindi man nilang direktang sinabi na tatay ko nga ang naghahanap sa akin ay nararamdaman kong tama ako.

Tumalikod si Mama sa'kin at nag salita. "You don't know anything."

"Kaya ko nga sya hahanapin, But not now. Malalaman ko rin ang lahat Ma lahat-lahat." and with that I left her. Kung dati inaalo ko pa sya kapag nalulungkot sya pero ngayon, Bakit natitiis ko ang luha nya?

Marahas akong bumuntong-hininga. Humiga ako sa kama ko at tumitig sa ceiling, parang biglang nabura ang lahat ng nangyare kani-kanina lang at isang litrato lang tumakbo sa isipan ko. Si Lhoyd. Ewan ko, Dapat mainis ako. Pero bakit parang kinikilig pa ata ako? Kinagat nya yung lips ko 'tas tuwang tuwa pa ako? Iba na ata ang epekto sakin ng lalaking yun 'a?

Kanina nang ginawa nya iyon sa'kin? Ramdam ko ang galit nya. Napahawak ako sa labi ko. Nandoon ang sugat na nilikha nya. Hindi ko alam pero nung mga time na iyon. Parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya. May nagawa ba ko? Andami ko na ngang problema. Dumadagdag pa sya.

Pumikit ako at parang nag re-reply sa utak ko ang nangyari kanina. Nakakainis! Matulog kana nga Angeline! Masyadong maharot yang utak mo!

Hendric Boys Series 1: And There He Was Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon