"AYOKO na let's end this." Walang kagatol-gatol na sabi ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha kaharap ko, nanlaki ang mga mata nito."Babe, hey you're just kidding right?" he said stammering.
"You heard me ayoko ko na." I said not facing him.
Hinawakan nya ko sa kamay.
"Babe please-- No. I need you, I-i love you please." Mangiyak-ngiyak na sya. Well, I don't really care, nasasayang na ang oras ko dahil sa kadramahan ng isang 'to.
Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
"Pwede ba Seth! Tigilan mo na ako sa kadramahan mo kilala mo naman ako, madali akong magsawa tumigil kana sa ginagawa mo nagmumuka ka lang tanga." Naiinis na sabi ko sa kanya.
Nakakirita naman kasi sya dahil masyado nya akong sineryoso. I know that he knew my games.
"Babe, please g-gawin ko lahat wag lang yan hindi ko kakayanin kapag nawala ka.." at tuluyan na syang umiyak, But I just stood here emotionless, wala akong pakialam kung lumuha pa sya ng dugo.
"Aalis na 'ko, I hope that this will be the last time na magkikita tayo, we're over." Tumalikod na ako sa kanya. Nandito kami sa University ngayon at mabuti na nga lang at uwian na at wala ng mga estudyante.
Hindi na 'ko nagulat ng may pumulupot na mga braso sa bewang ko inis na inalis ko yun.
"Pwede ba Seth! Sinabi ko ng ayoko na, nasaan banda doon ang hindi maintindihan!?" bulyaw ko sa kanya.
"Hindi ako papayag, Please babe, Give us a second chance ibubuhos kp sayo ang lahat ng oras ko, papatunayan kong deserving ako sayo. Please ayoko, Mahal kita." hindi na maampat-ampat ang luha nya.
"Believe it or not, Tapos na tayo." walang ganang sabi ko.
"Angeline babe, alam mong mahal na mahal kita." Bakas sa mukha nya ang sakit, dulot ng mga salita ko sa kanya.
"Pwes, ako hindi." tinalikuran ko na sya at hindi na sya nag tangkang sumunod pa.
I'm Rose Angeline Velasco, students here use to call me The Ultimate Playgirl, like eww!. Nineteen years old, third year college taking up Civil Engineer. Yes, I'm a Cassanova got a problem with that?
To tell you honestly, marami na 'kong napaiyak na lalaki at yung isang yun ay isa sa mga napabilang sa listahan ko, I pity him.
Pumunta na ako sa parking lot ng school at sumakay sa kotse ko, tsaka kinuha ko ang phone ko.
"Hello, Hon?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Yes, it's me, kita tayo sa bar."
Sinabi ko ang bar na pagkikitaan namin.
"Sure, wait me there." he said excitedly.
Another Asshole.
Napaisip ako kay Seth, hindi na siguro ako kukulitin 'nun. Sa lahat ng nakarelasyon ko sya ang pinaka matagal, One and half months? Matagal na para sakin yan.
Mostly kasi one to two weeks lang itinatagal ng mga nakakarelasyon ko minsan pa araw lang, I'm every man's dream. Mahangin ba?
Maganda? Check! Mayaman? Check! Sexy? Check! Matalino? Check! Pak na pak na! Complete package. Napangisi ako.
Pag dating ko sa bar ay pinark ko muna yung kotse ko.
Bakit ba 'ko nag aaksaya ng time para lang makipag break? Siguro, gusto ko lang makita ang mga reaksyon nila. Gusto ko makakita ng lalaking umiiyak dahil sila ang iniwan.
BINABASA MO ANG
Hendric Boys Series 1: And There He Was
General FictionUNEDITED! UNEDITED! UNEDITED! Trusting people is very hard for her, seeing a man crying is her satisfaction. Hatred and loneliness covered her heart, She learned to protect herself not to fall inlove. But when she met a guy who saved her life. Hind...