"GELO! Please, ang anak natin! Nasaan na?! Please, ibalik mo si Gelay!" Napapikit ako sa palahaw ng asawa ko. Kasalukuyan syang nasa kwarto at nakakulong, isang linggo na syang ganyan. Hindi lumalabas, o kumakain man lang.
Hindi ko magawang pumasok sa loob. Para akong pinapatay. Hindi ko man lang mabawasan ang sakit na nararamdaman nya. At gusto kong sisihin ang sarili ko. Dapat ipinadala ko na talaga sila sa ibang bansa. Masyadong komplikado ang buhay nila dito. Pero, wala. Nakuha ang anak ko..
Tanda ko pa ang nangyari ng madatnan namin ang mansyon na parang ginyera.
Unang pumasok sa utak ko ang anak ko, rinig na rinig ko ang palahaw ng asawa ko ng makaakyat kami sa kwarto ni Gelay. At ng makita namin ang sirang kwarto nya at ang bakas ng dugo sa kama nya. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko at Ang bawat sigaw, palahaw at paghagulgol nya. Parang itinanim sa akin at paulit-ulit kong naririnig. Ang pag-sisi nya sa sarili nya kahit wala syang kasalanan.
Tumalikod ako sa pinto at naglakad palayo. Diko sya kayang harapin. Hindi pa..
Bumaba ako at dumiretso sa Swimming pool ng Bahay ko dito sa Manila.
Kita ko ang kalmang tubig ng pool na nasisinagan ng maliwanag na buwan. Kalma lamang ito. Huminga ako ng malalim at saka tumingala at pumikit. I need to bring back my daughter, i don't want my wife to suffer. The both of them are my Heart and Soul. Walang pwedeng mawala. Dapat sa akin lang sila. Dahil kapag nawala ang isa sa kanila. Baka ikamatay ko. But on the second thought, kung kaligtasan lang din nila ang pag-uusapan, i'm willing to sacrifice myself.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at nag dial ng numero. Nakaka tatlong ring nang sagutin ito sa kabilang linya.
"Who's this?"
"This is Angelo Rodriguez."
Dead air.
"I need your help, Drop to my office tommorow." And i ended the call .
Maybe he's not an enemy.. I think.
~*~
"Hmm.. Ahhh, Shet ang sarap.." Bumangon ako sa kama at nagkusot ng mata.
"Sarap ng tulog ko.." Umunat-unat pa ako. Pakiramdam ko nagising ako sa napaka habang tulog ko. Ang sarap sa pakiramdam.
Humiga ulit ako sa kama. Teka? Bakit parang ang weird? Napatulala ako sa kama. Napatulala ako sa kisame. Ano bang ginawa ko this past few days? Hmm.
Teka, ba't wala kong matandaan?
Pumikit ako at nag isip. Pagkatapos ng araw na malaman kong kapatid nya si.. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng parang tusok ng karayom. Napangiti ako ng mapait, ang huling naaalala ko ay yung iwan ako ni mama. Napapikit ako mariin. Bumalik na kaya si Mama?
At sa isiping iyon ay agad akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto. Pero napahinto ako ng mapansing parang nag-iba yung bahay? Nagpa renovate ba si Mama habang tulog ako?
BINABASA MO ANG
Hendric Boys Series 1: And There He Was
Ficção GeralUNEDITED! UNEDITED! UNEDITED! Trusting people is very hard for her, seeing a man crying is her satisfaction. Hatred and loneliness covered her heart, She learned to protect herself not to fall inlove. But when she met a guy who saved her life. Hind...