Chapter 16

831 29 0
  • Dedicated kay Grace Villanueva
                                    


HINDI ko alam kung saan ko ilalagay o ibabaling ang tingin ko, Bakit bigla naman daw akong kinabahan? Anakng! Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Hindi ko rin malaman kung Tatakbo ba ako o Hindi nalang sya papansinin. 

Napatingin ako kay Nathan ng maramdaman kong napahinto din sya. Lumingon sya sakin.

"Kilala mo ba sya?" nakakunot yung noo nya. Nanatili pa rin syang nakahawak sa kamay ko. Gusto ko man alisin kasi parang kakatayin na ako ni Jacob ng tingin nya, ay parang hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin na gawin iyon.

Napatingin naman ako kay Jacob. Parang sinasabi ng titig nya na 'Wag-na-wag-mo-akong-ikakaila-or-else.' Nakakainis kasi parang apektado pa ako. Dapat hindi e!

Tinaasan ko lang sya ng kilay at humarap kay Nathan . "No, Ngayon ko lang sya nakita e." Sinabi ko yun ng hindi tumitingin kay Jacob. Kinakabahan ako. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko.

"Oh okay, Tara punta na tayong clinic at gagamutin ko yang sugat mo." Ngumiti sya sakin at Hinila na nya ulit yung kamay ko at lalagpasan na dapat si Jacob ng--

"Wait." Napalunok ako. Kinakabahan na ako ng bongga! Hinawakan nya sa Braso si Nathan para pigilan. "Bakit?" Lingon sa kanya ni Nathan .

"Bakit mo sya dadalhin sa Clinic?" Ramdam ko ang Panganib sa boses nya. Sana naman mali ang iniisip ko.

"Ah, Nasugatan kasi sya sa siko at palad, Muntikan na kasi syang matama--" Hindi pa man tapos si Nathan magsalita ay agad na kinuha ni Jacob ang kamay ko at tiningnan yung mga sugat ko. Napalunok naman ako.

Hindi ko naman makuhang bawiin sa kanya yung braso ko. Parang ineeksamin nya yun kung gaano kalaki ang sugat.

Napatingin lang sakin si Nathan at naka kunot ang noo. Pero sa pag kailang ko, Pilit kong binabawi ang braso ko sa pag kakahawak ni Jacob.

"Let g-go.." Nauutal na pag kakasabi ko. Napatigil sya sa ginagawa nya at matalim na tumingin sakin. "Sa tingin mo ba, maniniwala ako na Boyfriend mo ang lalaking to? Tsk." at saka humarap  kay nathan na tila naguguluhan.

Napayuko nalang ako. Nahihiya ako. "Sorry, Pero wala akong nagegets?" Lalong kumunot ang noo ni Nathan. "A-ahh, N-nathan--" mag sasalita na sana ko ng ngumiti sya ng malawak sakin.

"Wow. First time na may tumawag saking Nathan ah?" Tila manghang manghang sabi nito. Eh?

"ikaw palang.." dagdag nya at ginulo ang buhok ko. I know that every Girl, don't like to mess up with there hair,  Pero ng ginulo nya yung buhok ko, Langya! kinilig ako.

"Haha! You're Cute. Tara punta na tayo sa Clinic." Hinawakan na nya ang kanang braso ko at Hihilain na sana ng tapikin naman ni Jacob ang kamay nya.

"Not my Girl, Back off Dude." at iniharang nya ang katawan sakin na parang shini-Shieldan ako kay nathan. Napangisi naman si Nathan. Isang nakaka insultong ngisi. Nakita ko ang pag igting ng panga ni  Jacob.

Humarap sakin si Jacob at hinawakan ang kamay ko, tinalikuran na namin si Nathan at aalis na sana Pero napaharap ulit kami ng -- "So, Girlfriend mo sya?" at ngumisi na naman sya. Matalim ang tinging ibinibigay sa kanya ni Jacob.

"One more thing, Nahalikan ko na sya--"  

"Nathan!" Nagulatako at napatili na lang ng biglang sinuntok ni Jacob si Nathan. Shocks! Hindi ko inaasahan yun! Sa malaking bulto ni Jacob, walang-wala si Nathan kumpara sa kanya. Napaupo sa semento si Nathan dahil sa malakas na pwersa ng pagkakasuntok ni Jacob. "I told you to Fuck off! You ass! Touch my Girl again and it's gonna be your end" Cold. Isang napaka lamig na yelo ang Tinig nya.  Feeling ko pati ang balahibo ko sa batok ay nag tayuan. 

Imbes na Magalit ay ngumiti si Nathan, isang Totong ngiti. "Yan bati na kayo, sa susunod, wag ka agad mag wo-walkout Gelalay, At ikaw Hendric wag seloso." Humalakhak pa sya. Napanganga ako. Okay, That's Weird. Tumayo na sya sa pag kakaupo. Pinunasan nya yung dugo sa gilid ng labi nya. 

"Osya, Aalis na ako, Bye Love" Namula ako ng tawagin nya ko nun. Pakshet, Gusto talaga nito ng sakit ng katawan! "I'm Fvcking telling you, Don't call her with your shitty endearments." Narinig kong sabi ni Jacob kaya naman nag pasalamat nalang ako at nag sorry kay Nathan.

"Chill bro!" Tumingin sya kay Jacob ay ngumiti ng parang nang aasar na naman, Tumalikod na sya sa amin, Pero ilang dipa palang ang layo nya ng lumingon sya "Well, yung kiss part na sinabi ko ay totoo, Nga pala, Girlfriend ko yan, kaya ingatan mo, Bye Love!" at kumaripas na ng takbo ang kumag. Patay.

Patay. Patay. Patay. PATAY KA TALAGA SAKIN NATHAN! Pero, mas patay ako ngayon!

Unti-unti ay inangat ko ang tingin ko kay Jacob. Jusme, pinag papawisan ako, Baket ako kinakabahan? Pag-angat ng mukha ko ay sinalubong ako ng matatalim na tingin nya. Putspa. Ang sarap kumaripas ng takbo. 

"That damn guy kissed you!" parang siguradonf sabi nya. Nagulat ako ng hawakan nya ang magkabilang pisnge ko at inilapit ako sa katawan nya, iniangat nya ang laylayan ng itim na tishirt nya at ipinunas iyon sa labi ko. Nakatitig lang ako sa mukha nya. Ghad. Sobrang nakaka akit ang mga mata nya. Nang makuntento na sya ay iniharap nya ako sa kanya at sinuri ang labi ko kung may marka pa. 

Nanlaki ang mata ko ng bumaba ang mukha nya sa akin at dampian ako ng mabilis na halik sa labi.

"Ayan, marka ko na yan." Nalito naman ako sa sinabi nya dahil hindi ko naman masyadong narinig. Napapitlag  ako ng hinila na naman nya ako.

"Saan tayo pupunta?" Pilit kong nilalabanan ang pagkailang ko. Napadaan kami sa tapat ng gym at nakita ko ang nag tatakang mga mukha ng players, Whaaa! Nahihiya ako! Hindi ko nalang sila tinignan at nag tuloy-tuloy na lang sa pag lalakad.

Nakarating kami sa parking lot pero hindi pa rin nya sinasagot ang tanong ko. 

Pinag buksan nya ko ng pinto at ipinasok sa loob ng passenger seat. Pumasok na rin sya at iminaniobra na ang sasakyan.

"San nga tayo pupunta?"  pag pupumilit ko sa kanya. Nakalabas na kami ng Campus pero hindi pa rin sya nag sasalita.

 Nananakit na ang Sugat ko. Saan ba ako dadalhin nito? Hanggang sa di na kinaya ng makati kong dila ay nagtanong nako.

Pero nakakatakot syang kausap. Mahigpit kasi ang kapit nya sa Manibela at nag iigting ang Mga bagang nya. Baka mamaya Mumurderin nako nitoo~ No!

"Hey.. " medyo nagulat ako ng tumingin sya sakin . "What?" Walang emosyon. 

Nagaalangang man ako ay nagtanong pa rin ako sa kanya.

"San ba tayo pupunta?" Napalunok ako ng sumilay ang isang ngisi sa Labi nya.

"Saan?" at ngumiti na naman sya.  Abot-abot ang kaba ko. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa noo.


"Sa Condo ko. Ipapakita ko sayo na mas magaling ako sa lalaking yun." and he Smirk. 

--

Votes and Comments are highly appreciated!


Hendric Boys Series 1: And There He Was Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon