BL1

10.1K 170 1
                                    


"Babz, san kayo mag pho- photoshoot?? Pwedi ba kaming sumama sa inyo?" kinukulet ko ngayon yung isa kong bestfriend tungkol sa kanilang photoshoot para sa kanilang search for mr. And miss YES- O. Yung Yes- o meaning nun Youth Environmental and Science Organization. Isa yung organization sa aming school kung saan ang student body ay nahahati sa apat na elemento and I belong to the fire element or group kasama ko na dito yung representative namin na bestfriend ko.


And, balita ko yung partner niya is nasa 2nd yr. Gwapo daw yun at mabait sabi ni babz, yeah babz,. Yan ang tawag ko sa kanya. Kasi naman medyo chubby siya pero di naman yung chubby na chubby talaga sa katunayan nga niyan eh tamang- tama lang naman ang katawan niya. Tini- trip ko lang naman siya eh, hehehehe..


"Di ka pweding sumama doon, papagalitan tayo ni sir. Alam mo naman yung bading na yun masyadong sosyal.," at nagtawanan kami. Yup, palagi naming pinagtri- tripan yung guro naming bading na iyun pero close naman kami sa kanya.


"O sige na nga.. basta, pag nanalo.. treat mo kami ng barkada., whahahaha.." tawa ako ng tawa habang siya tumatawa din at sinapok ako sa ulo. Sorry, ganyan kami maglambingan eh.. nagkakasakitan.


"Yeah, yeah.." yan nalang yung sagot niya sa akin. At lumakad na siya papunta doon sa mga kasama nila. Di ko pa nga nakikita yung partner niya. Well, my own world naman kasi ako kaya medyo wala akong pakialam sa paligid ko.


Well, 3rd yr na po kami and nasa star section po kami. Ito po yung 1st section dito sa school. Di naman ako matalino na parang isusubsob na yung ulo sa kaka study. Well, average lang po ako pero masasabi ko naman na may ibubuga din ako.


Ako yung pinaka kulet sa aming mga babae dito sa loob ng room namin. At ako din yung matatawag nilang "one of the boys". Well, not because I have gender confusion but because ugaling tambay o lalaki daw ako.


Masyado din nga akong maraming barkadang lalaki pero syempre meron din naman akong mga babaeng barkada. Pero pili lang, kasi naman yung ibang mga babae mga sosyal, mga feelingera, mga plastic. And ayaw ko sa mga ganun..


---------------------------------------------

Themesong: I'm inlove with you by: Nightcore

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon