BL37

1.6K 43 0
                                    


"hades, bitawan mo si baby king! Bata lang yan!!" yan agad ang bungad na rinig ko mula kay bishop. Hindi.. kailangan kong magmadali baka mapahamak si baby chad. Bata lang siya at hindi niya kakayanin ang lakas ni hades. Si Hades ang siyang counterpart ko, siya ay isang freelance assassin na kahit sino ay papatayin niya kapag gusto niya. At katulad ko, mahirap ding hagilapin si hades.

Siya din noon ang binayaran ng pamilya ni andrea para patayin ang mag ina ni Dr. Zeus.

"Fuck.." sambit ko nalang nang Makita ko ang kalagayan ng mga red piece. Bawat isa sa kanila ay puro sugat at galos na at mukhang may bali sa kanang paa si knight at may saksak naman sa tiyan si rook. Habang si bishop naman ay may mga galos at saksak din sa braso.

Nakita ko si baby chad na pumipiglas sa mga kamay ni hades at mayroong dagger na hawak si hades. Fuck! Asan naman si vince??

"Bitawan mo ang bata, hades." Madiing sambit ko, napatingin naman silang lahat sa akin. Napangiti naman ng malademonyo si hades.

"mabuti naman at nagpakita kana din, red queen." Sambit neto at tinapon si baby chad sa gilid.

"Baby king!!!" sabay- sabay na sigaw ng red piece .. No... baby chad!! Mabilis akong tumakbo sa direksyon ni baby chad para saluhin siya pero di ko pa siya nasasalo ay bigla nalang akong tumalsik sa pader dahil sa mabilis na sipa ni hades sa akin.

"Arghh.." daing ko nang lumagapak ang likuran ko sa pader. Shitt,. No.. si baby chad!! Mabilis akong tumayo sa wasak na pader para tingnan si baby chad- napahinga nalang ako ng malalim ng makitang nasalo ni vince si baby chad pero ngumitngit naman ang aking galit ng Makita ang itsura ni vince. Anong nangyari sa kanya??

"Oh,. Akala ko patay kana. Buhay kapa pala.. tsk tsk.. Sana pala pinahirapan pa kita." Bigla akong napatingin ng matalim kay hades. Kung ganun si hades pala ang nakalaban kanina ni vince.

Kumuyom ang aking mga kamao at mabilis na sumugod kay hades. Isang malakas na suntok sa sikmura ang ginawa ko nakapag patalsik sa kanya sa pader at nawasak.

"Tsk,. Yan lang ang kaya mo?" pang- uuyam sa akin ni hades ng unti- unti siyang tumayo at tumingin sa akin ng nakangiti.

"Hahaha.. ganyan nga! Magalit kapa.. Nakikita ko na ang mga apoy sa iyong mga mata. Hahahaha.. Akala mo ba hindi ko alam na ikaw at si Cassandra emerald Rven ay iisa?? Kaya ko nga pinahirapan ng husto si Samuels eh.., sana pala mas pinahirapan ko pa siya ng husto. Di ko akalain na makakatayo pa siya at makakapunta dito at sumalo sa isang bata.." di ko na siya pinatapos at mabilis akong sumugod sa kanya at binigyan siyang ng isang malakas na suntok sa panga at tiyan. Tumagilid ang ulo niya at napaatras pero ngumiti pa din siya sa akin.

"Hahahha.. my- my.. pareho talaga kayo ng Samuels na iyan, ang hirap patayin. Akalain mo yun,. Nabuhay kapa noong pinatay kita at ang ina mo.., ahh,. Magaling diba? ISang sampong taong gulang na batang lalaki eh kayang pumatay.. Hahahha.." sambit neto sa akin at pinahid ang dugo sa kanyang bibig na tumulo.

"baliw kana hades,. Baliw!!!" pinaningkitan niya ako ng mata ng sambitin ko ito sa harap niya.

"Hindi ako baliw!! Hindi!!" malakas na sigaw niya sa akin at mabilis na sumugod na naman. Nasangga ko ang suntok na tatama sana sa aking mukha pero di ko nasangga ang isang suntok sa sikmura ko. Napa- atras ako at napaiwas sa isang suntok na tatama na naman sana sa aking sikmura.

Nagbackflip ako at sinipa siya sa panga na nadali naman.. natumba siya sa sahig pero mabilis din siyang bumangon at pinulot ang isang upuan na ihahampas niya sa akin. Napatagilid ako at nawasak ang upuan sa pader at binigyan ko siya ng isang malakas na sipa sa tagiliran niya dahilan para mapatalsik na naman siya.

"Peste ka talagang babae ka!!" malakas na sigaw neto sa akin ng pabangon na siya. Sumugod na naman siya sa akin at pinaulanan niya ako ng tadyak at suntok na ang iba ay nasasangga ko pero yung iba di ko masangga.

"Red Queen!!"malakas na sigaw ng red piece- napaiwas ako sa dagger na binato ni hades sa akin. Pero di ko naiwasan ang isa na dumali sa gilid ng mascara ko.

"Fuck!" sambit ko nang makitang mahulog ang red mask ko- ...

"Cassandra??" napatingin ako sa pintuan ng classroom at nakita ko doon ang galit na mukha ni andrea.

"So all along., ikaw at ang red queen ay iisa pala." Sambit neto., wala naman akong pakialam kung malaman nila. Napatingin nalang ako sa red piece na nakatingin din pala sa akin pero di ko Makita sa kanilang mga mata ang pagkagulat., at na- alala ko na hindi din sila kanina nag react noong ibunyag ni hade sang katauhan ko. Napatingin nalang ako kay baby chad na nakayakap kay vince na bugbog sarado at hinang- hina. Tumango lang siya sa akin,. Guess, sinabi na ni baby chad sa red piece ang katauhan ko bilang red queen.

"Arghh!!., patayin na yang babaeng yan hades, wala akong pakialam kung siya ang red queen basta mawala lang siya sa landas namin ni vince!" galit na turan ni andrea.

"Di mo na kailangan sabihin pa sa akin yan, andrea!" sambit naman ni hades at mabilis na sumugod sa akin.

"Patayin yang mga yan, phantoms!" nakita ko pa ang pagtayo ni knight at paghanda nang sumugod sa kanila ang mga phantoms.. fuck, nandito din pala sila. Sila din naman ang counterpart ng red piece at katulad namin malalakas din sila pero sa ngayon mukhang dehado ang red piece dahil sa mga sugat at galos nila at idagdag pa ang panghihina nila ngayon.

"Arghh!!" daing ko nang masuntok ako sa panga. "Nandito ang kalaban, queen- kung saan- saan ka kasi tumitingin eh." Pinahid ko ang dugong lumabas sa putok kong bibig at sumiklab na naman ang galit sa aking mga mata ng mahagip ng tingin ko ang kalagayan ni baby chad at vince.

"Bitaw... bitaw!!!" malakas na sambit ni baby chad habang nagpipiglas sa mga kamay ni andrea. May dalawang lalaki namang nakahawak kay vince na nagpupumiglas din para tulungan si baby chad.

"Tahimik., bata.., inis na inis na ako sa iyo hah.." at isang malutong na sampal ang binigay niya kay baby chad dahilan para tumabingi ang mukha ng bata.

"Baby king!!" sigaw ng mga red piece at di nakapag focus sa laban. Napatalsik ako sa pader dahil hindi din ako nakafocus kay hades.


"Acckkk.." shit,.. "Ang sabi ko nandito ako,. Ako ang kalaban mo!! Kaya sa akin kalang dapat nakatingin!!" malakas na sambit ni hades ng sinakal niya ako at inaangat. Fuck.. Napahawak ako ng mahigpit sa mga kamay niyang nakasakal sa akin. ...

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon