BL21

1.8K 54 1
                                    


"Vince!! C'mon pumasok ka naman sa klase natin." Malakas na sigaw ko kay vince, kung magpapatuloy pa ang pagiging ganito ni vince naku naman ano nalang ang sasabihin ni mama Amanda sa akin?

"Ack.." napahawak ako sa braso ni vince ng bigla niya akong sakalin. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang braso ng higpitan niya ang pagsakal sa akin.

"Stop calling me vince and stop nagging me." Walang emosyong turan neto sa akin. At binitawan na niya ako at tumalikod sa akin.

Simula noong isang buwan naging mas malala pa siya kesa sa dati, halos di na siya malapitan ng mga estudyante dito sa paaralan dahil bugbog sarado agad sila kapag kinakausap siya o di kaya nag- aagaw buhay na ang iba dahil sa pinang- gagawa niya.

Halos lahat ng estudyante dito ay takot sa kanya maliban nalang sa red piece na iyun. Pero kahit ganun, ay wala namang ginagawang masama ang red piece sa kanya.

Parang mga hangin lamang sila sa isa't- isa kapag nagkakasalubong ang mga landas nila. Pero napapatingin pa din sa kanya ang red piece.

Narinig ko na ang red piece na iyun kina mama at papa, at ang masasabi ko lang ay di dapat sila binabangga ng basta- basta. Just like us, mga trained assassins and hitmans din sila pero mas malala at marami lang ang kanilang nagagawa.

Nabalita-an ko din ang ginawa ng red queen sa isang base ng mafia. She is one hell of a demon, at ayaw kong makaharap siya. Yes, I admit it.. I'm scared of her who wouldn't be? She is capable of killing thousands of people in just an hour.


How come I know that thing? Winarningan kami ng mga heads about sa red piece na yan. Di naman kasi Malabo na magku- cross ang mga landas namin at malay naming kami na pala ang target ng red piece.

They are hired killers, so may chance talaga na baka maging target kami. Kaya nga kami nandito sa paaralang ito para mas matuto pa sa pakikipaglaban at mabantayan sila aside from continuing our desired careers.

Pero ang malaking problema di namin kilala ang red queen. Naka red piece queen mask lang siya at merong red queen tattoo sa right arm niya, yan lang ang palatanda-an sa kanya. Na kahit ang ilang red piece ay di alam kung sino siya.

The king? All I know is that isang batang cute na lalaki iyun. Nandito din yun nag- aaral and he is one hell of a genius kid.


Wala namang kumakanti sa batang iyun dahil bantay sarado iyun ng tatlong red piece at sino naman ba ang sasakit sa isang cute na batang lalaki? Although masyado ding snob at suplado ang batang iyun.


Kapag nga nakikita ko ang batang iyun na kasama ng red piece sa canteen ay di ko mapigilang di ngumiti. Paano ba naman parehong- pareho sila ni vince, naka poker face at suplado.

"Andrea,. Ano pang ginagawa mo diyan?" napabalik ako sa ulirat ko at napatayo ng marinig ko ang boses ng guro namin. Pinagpagan ko ang palda ko at naglakad na palapit sa kanya.

"Di na naman ba papasok si Michael?" aah.. yes, Michael o mas gusto kong tawaging vince. Di niya gustong tawagin ko siyang vince at hindi ko alam kung bakit. Napa- iling nalang ako kay miss Stacy.

"Ang batang yun talaga,. Nandoon na naman siguro yun sa rooftop niya." Yup, inangkin na niya ang rooftop ng building D kung saan nandoon ang building ng batang red king.

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon