BL24

1.7K 61 0
                                    


"oh, may plano pa palang pumasok ang isang iyun? Akala ko di na siya susunod sa gusto ng daddy niya?" nakangising sambit ni Darryl, nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain dahil break time na. Hinihintay nalang naming dumating ang red king namin dahil medyo malayo pa ang lalakarin ni baby chad papunta dito.

"Baka na black mail ni Dr. Z?" tanong naman ni Kenneth habang pinaglalaru-an niya ang kanyang tablet.

"Whatever it is, okay na din yun. Malilimitahan na ang pagpatay ni cross sa labas at nandiyan naman kasi ang red queen." Sambit ko habang nilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng cafeteria. Mga assassins at reapers, mga gangsters at hitmans. Mga mayayaman at makapangyarihang tao at higit sa lahat mga Mafioso at mafiosa ang mga nandito. Maraming malalakas na katauhan ang nandito sa loob ng academy.

"Speaking of red queen, isang linggo na siyang tahimik at yun ang delikado baka nasa loob na siya ng academy at may pinaplano? Bakit kasi ayaw sabihin nina dr. Z ang katauhan niya? At alam naman natin na hindi din magsasalita si baby chad." Sambit naman ni Kenneth, tama naman si ken eh. Delikado ang masyadong tahimik dahil di mo alam na may nagaganap na palang di kanais nais.

"Nga pala,. Kelan daw papasok ang "Azrael" na iyun?" tanong naman ni Darryl habang nilalamon na niya ang kanyang lasagna.

"Sabi ni dr. Z dapat daw ngayon siya papasok pero di natin alam kung ano na naman ang pumasok sa kukote nun. Masyado pa namang complicated mag- isip ang isang iyun." Sambit ko naman at nakita ko na si baby chad na nakahawak sa kamay ng isang lalaki.

Kung tatanungin niyo ako about sa nangyari noon sa organization between sa amin ni cross ay okay na iyun.

Actually naging friends na kaming dalawa but hindi naman close na close talaga.

"bye.., bye kuyang suplado!!" napabalik ako sa aking sarili ng marinig ko ang tinig ni baby chad. Ang tahimik pa naman ng caf dahil sa eksena ng dalawang ito. Sino ba naman ang hindi matutulala at matitigilan sa kanilang nakikita.


Magkasama ang red king ng red piece at ang dark demon ng 3rd powerful family ng south at kilala na bilang "cold king" ng academy. And to add the cherry on top, magkahawak kamay silang pumunta ng caf at mukhang close pa silang dalawa kahit na naka expressionless na naman ang mukha ng cold king.

"Hello,. Bishop, knight and rook." Masayang bati sa amin ni baby chad ng makaupo na siya sa pwesto niya.

"The hell baby king?? Bat kasama mo ang isang iyun? Di ka ba sinaktan nun? Sabihin mo lang at paparusahan ko yun." The over reacting Darryl,. Ngumiti at umiling lang si baby chad at sumubo na ng spag niya na kanina pa naghihintay sa kanya.


"Mommy will come here,. She will be studying here,. And i'm so excited., she will meet kuya suplado and kuya suplado will be my daddy!." Masayang pahayag neto sa amin habang pinapalibot ang kanyang tinidor sa noodles ng spag.

"What???" magkasabay na tanong naming tatlo habang naibuga naman ni Darryl ang juice na ini-inom niya mabuti lang nga at wala siyang kaharap eh kundi naligo na ito sa juice at syempre nakuha din namin ang atensyon ng lahat.


Panu ba naman ang tinaguriang malalakas na red piece ay sumigaw at gulat na gulat. Bumalik naman kami sa pagiging cool at tumingin ng diretso sa batang king namin.

"You're not serious are you baby king." Hindi tanong kundi pahayag ang sabi ni ken na siyang ikina ngiti ng malaki ni baby chad.

"oh no., this is disaster." Pa iling- iling na sambit ni Darryl. We all know what our king is capable of. At kapag ito ang gusto niyang mangyari, nangyayari talaga ito whether we like it or not.

"Ini- imagine ko palang na magkita at magkasama ang dalawang iyun ay parang magkukulong nalang ako sa silid ko. The cold, snobbish and warfreak king meeting that demon and heartless girl with a bitchy attitude. They're clashing., and that is disastrous..siguradong magiging battle field ang academing ito." Pailing- iling na sambit ni Darryl. Yeah right, baka maging isang malaking arena lang ito para sa dalawang iyun. Masyado pa namang ma pride ang dalawa base na din sa mga nakikita at na- oobserve namin.

"Trust me red piece, mommy and kuyang suplado will be a great couple. And I assure you, they will not clash with each other but I have also to warn you that when the time comes they get along well. You have to prepared yourselves, for a big and chaotic war will came." Napatingin ulit kami sa aming king ng magseryoso na ito.

Sa oras kasi na gumaganito ang king namin ay may mga bagay ka talagang dapat na pagtu-unan ng pansin at yun ang mga sinasabi niya.

Di na kami nagtanong sa kanya dahil alam naman namin na pag ginawa namin iyun ay di niya kami sasagutin ng maayos bagkus ay isa na nmang sakit sa ulong katanungan na naman ang ibibigay niya.

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon