BL22

1.7K 58 1
                                    


"Kuyang suplado nandito kana naman sa rooftop namin? Diba may klase ka pa po?" napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang munting tinig ng kutom- lupang ito, ang king ng red piece.


Siya lang naman ang palaging nakakita at nakakasabay ko dito sa rooftop nila. Bakit dito ko napiling tumambay? Kasi malayo sa mga nakakairitang mga babae sa paaralan at maganda ang view dito at hindi mainit kasi nasa likurang bahagi ito ng paaralan.

"Nandito kana namang bubwit ka? Kailan ka pa ba aalis sa teritoryo ko?" simpleng tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa malayo. Lumapit lang siya sa akin at umupo sa tabi ko at binuksan ang isang lollipop.

"Kailan mo pa naging teritoryo ang rooftop ng buiding namin? Sa pagkakaalam ko kuyang suplado akin ang rooftop nato dahil may pangalan ko na dito. Hiningi ko ito sa dean ng paaralan at binigay niya naman." Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Binabalatan na niya ang lollipop niya.

"Hiningi?? Hahahaha.. nagpapatawa ka ba bata?" pero seryoso lamang siya sa pagbabalat at ttumango lang ito sa akin at akmang isusubo na ang lollipop niya ng agawin ko ito sa kanya at isunubo sa bibig ko.


Napauwang ang munting bibig neto dahil sa gulat at tumingin sa akin na parang maiiyak? Teka, ganito ba ang king ng red piece? Ang sabi nila brutal na bata ito bakit ganito ito kung maka react sa akin.?

"kuyang suplado naman eh, binigay lang yan sa akin ng ate na nasa grade 7 eh. Dahil daw na ku- kyutan siya sa akin, bakit mo naman kinuha at kinain?" pagmamaktol niya sa akin, I just stick my tongue out at ninanamnam ang lollipop niya.


Siya lang naman ang nakakausap ko dito, at di ko alam kung bakit tila wala akong nararamdamang pagkairita sa kanya. At nasasabayan niya pa ako, although nginingiti-an niya ako kapag nakita niya ako at sini- snob ko lang naman siya.

"Alam mo kuya, di lahat ng nawawala, nawawala talaga minsan kailangan lang nilang gawin iyun. At lahat ay may rason." Napatingin ulit ako sa kanya ng bigla na naman siyang maging seryoso.

"I know." Tugon ko sa kanya. Humarap siya sa akin at ngumiti, yung ngiting parang may alam siya na di ko alam.

"Kilala kita kuyang suplado, Ikaw si Michael Vince Samuels. Anak nina Amanda at Christoph Samuels. Isa kang sole inheritor ng 3rd powerful family sa south, at isa kang mabagsik na hitman ng pamilya ninyo. Ah, kinakatakutan ka din ng ibang mga nakakilala talaga sa iyo at tinatawag ka nilang "black demon". Alam ko din na may hinihintay ka kuyang suplado.., Ang masasabi ko lang sa iyo, konting hintay pa dadating din siya." Nakuha ko ang lollipop sa bibig ko ng wala sa oras at tumayo na ang batang ito.

"Anong ibig mong sabihing may .. hinihintay ako at da- darating siya?" confused at mautal- utal kong tanong sa kanya.

"I'm the king, kuyang suplado.." makahulugang sabi neto sa akin, I know that his the king but how come he knows some informations that only myself know it.


"How come dadating siya? If.., if.., patay na siya." Napayuko ako sa sinabi ko at binulong ko lang ang huling salita, hindi ko alam if narinig niya iyun o hindi.


"hehehehehe.., that's for me to know and for you to find out." Napa angat ako ng tingin sa kanya ng ngumiti ito.


"sige, bye, bye na kuyang suplado.. babalik na ako sa room namin baka hanapin na naman kasi ako ng guro namin, lagot ako kay mommy kapag nalaman niyang nag cu- cut ako ng klase. Hanggang sa muli, kuyang suplado.." at tumakbo na ito palapit sa pinto ng rooftop pero bago pa ito lumabas sumigaw pa siya ng..


"Bagay talaga kayo ni mommy!!"


"what the hell? And who's that mommy of him? Di kami bagay nun kasi isang babae lang ang bagay sa akin." Pa ismid kong sabi at kinain ulit ang lollipop niya.


What a bipolar kid, he is.


King? King, I know that he's the ultimate brain of the organization kahit na sa murang edad niya ang capacity ng IQ niya ay above average and it's really scary.


Paano ko nalaman? Siya ang nagbigay ng info tungkol sa sarili niya. Pero alam ko naman na limited lamang iyun dahil hindi pweding malaman ng kahit na sino sa paligid niya ang buong infos.


Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit niya ako pinagkakatiwalaan..


The brain is always complicated as it is.

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon