"Sigurado ka bang gagamitin mo ang red queen ngayon?" napatango naman ako sa tanong ni vince, sinuot ko na ang red mask ko at sinukbit ko ang dalawang katana ko sa likod. Napabuntong hininga naman siya at kinasa ang baril niya.
"Kapag nakita mo si baby chad, dalhin mo siya sa security room nang academy." Napatango naman siya sa akin at lumabas na kotse at umakyat sa pader na nasa likuran nang academy. Mayroong blind spot dito na hindi pa nalalaman ng mga estudyante at staff nang academy. Kaya dito kami dumiretso agad.
Lumabas na din ako sa kotse at mabilis na umakyat sa pader. Isang magulong academy, mga usok at pagsabog ang bumungad sa akin. Kita ko din ang ilang mga mafia clans na nasa panig ko at panig nang kalaban na nag- papatayan. Napailing nalang ako, talagang gusto niya akong wasakin hah.
Kinuha ko ang isang katana ko at pinugutan nang ulo ang isang reaper na pasugod na sana sa akin. Napalingon naman ang ibang mga reapers at hitmans sa akin at yung iba ay napapa- atras yung iba naman sumugod sa akin. Tsk, mabilis ko lang silang dinaanan nang katana ko at sabay- sabay silang natumba.
Napa atras ako nang isang hakbang sa kanan ng may biglang bumaril sa akin sa kanang balikat ko. Tsk,. Tiningnan ko lang siya at binato ko ang katana ko sa kanya na tumagos sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang likod.
"Red Queen!" napalingon ako sa isang nilalang na sumambit nang aking pangalan.
"Knightmare." Sambit ko sa nilalang na ito. "Sa wakas at nagpakita kana din.. Dito na magtatapos ang iyong buhay." Galit na sambit neto sa akin.
"Knightmare, ang sabi ko.. hanapin mo si Cassandra. Wag mong pagtuunan nang pansin yang pulang reyna si hades na ang bahala diyan." Napatingin naman ako sa likuran ni knightmare,. Si hades pala ang gagamitin ni andrea para patayin ako. Nakakalungkot namang isipin na hindi pa din alam ni andrea na ako at si Cassandra ay iisa.
"Wala akong pakialam,. Papatayin ko ang babaeng ito para makahigante ako para sa capo."galit na turan ni knightmare.
Magsasalita pa sana si andrea nang mabilis na sumugod sa akin si knightmare. Sinangga ko ang kanyang katana ng hatawin niya ako. Mabilis akong umikot sa kanya at sinipa siya sa tiyan niya na nakapag pa atras sa kanya habang nakatingin pa din si andrea sa amin.
Bumangon naman si knightmare at tiningnan ako ng masama. "Bahala ka sa buhay mo!" malakas na sambit ni andrea at binagbabaril niya ang ilan sa mga tauhan ko. At tumakbo siya sa direksyon nang main building. Hindi ko muna haharapin si andrea dahil mahina naman siya.
"Papatayin kitang babae ka!!" malakas na sigaw sa akin ni knightmare at sumugod na naman siya sa akin. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya na nadaplis lamang sa aking panga at mabuti nalang hindi tumalsik ang aking red mask. Bigla na namang sumiklab ang pagka uhaw ko kaya mabilis kong nasaksak sa puso si knightmare.
Napaatras siya sa akin, tinukod ko ang aking kanang paa at binunot ko ang katana kong tumagos pa sa katawan niya. Pagkatumba nang kanyang katawan ay mabilis ko ding pinutol ang ulo niya. Tsk,. Wala nang heir ang Castillo de capo mafia famiglia kaya napangiti ako nang pang demonyo.
Napalingon naman ako sa likuran ko nang maramdaman ko ang ilang pagtama ng mga bala ng baril sa aking katawan. Mga hangal di ba nila alam na walang epekto sa akin ang mga ganyan? Hahaha...-
Mabilis akong sumugod at pinag puputol ko lang ang mga ulo ng mga nilalang na bumabaril sa akin.
Kailangan ko nang magmadali at baka pagdiskitahan ni hades si vince at baby chad.. kahit ayaw ni andrea na masaktan si vince hindi magdadalawang isip si hades na patayin ito dahil sa akin. Mapapahamak sila at hindi ko hahaya-an yun.. Hindi!!!
--------------------------------------------------------------
Do comment and vote guys.,' Thanks.. :D
BINABASA MO ANG
Bloodline (The Unconditional Love) (complete)
De TodoWritten by: rave99_lee Date started: 01/24/16, 2:15 pm Genre: Ramdom (action, romance, teenfiction, sci-fi), RatedPG All rights reserved. Any resemblance to any other stories is pure coincidence. This is a work of fiction; this is just a product of...