BL27

1.7K 52 0
                                    


OMG andyan na ang cold king..

Shit, ang gwapoo niya talaga..

Ang cold niya talaga pero ang gwapo pa din..


Napailing nalang ako sa aking mga naririnig na bulong- bulungan sa paligid ko habang naglalakad ako sa hallway ng building B. Nandito sa building na to ang nasa college levels, ang building A naman ay para sa mga staffs, offices at isang malawak na hall kung saan minsan nagaganap ang pangkalahatang meeting or ball. Ang building C naman para sa mga high- schoolers at yung building D ang building ng mga pre- schoolers at elementary.

Ang cafeteria naman ay dalawa, isa para sa mga nasa building D. At ang isa ay para na sa mga natitirang buildings. Ang red piece king lang talaga ang napapasok sa aming caf, dahil na din siguro sa kanyang position sa mundo namin.

Kapag naman kasi nabibilang ka sa mga notorious at kinatatakutang grupo ay nagkakaroon kaagad ng special treatment, at tsaka so far ang red piece ang nangungunang grupo sa academy na malalakas talaga at matatalino.

Every school year din kasi dito ay may nagaganap na rankings at sila parati ang nasa top list.

Nakarating nap ala ako sa room naming at nagsisimula nap ala ang klase, pero wala akong pakialam kaya binuksan ko yung pinto ng room namin.

Napatulala naman ang iba kong mga kaklase ang iba naman ay nagtataka at yung iba naman parang nasorpresa katulad nalang ng guro namin ngayon.

"Oh my gosh,. Pumasok ka din sa wakas v-vi..michael!" malakas na sigaw ni Andrea.

"tsk" sagot ko nalang at lumakad na papunta sa isang upu-an na nasa likurang bahagi ng classroom na ito.

"Mabuti naman at naisipan mo ring pumasok, Samuels." Yun lang ang sinabi ng guro namin ngayon at lumingon nalang ako sa bintana. Kita ko naman sa peripheral vision ko na ngiting- ngiti naman si andrea.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng may mahagip ang aking mga mata. Nakita ko yung kutom- lupang batang pulang hari na iyun na masayang- Masaya at mukhang may kinakausap siya.

Ibang- iba ang sayang nakikita ko sa kanyang mga mata, di ko Makita ang kasama niya dahil may punong nakaharang sa kanyang pwesto. Medyo nakaharap kasi ang bata sa direksyon ko kaya kitang- kita ko ang mukha niya.

Mukhang hinigit ng bata ang kasama niya papunta sa cafeteria. Napatayo ako ng Makita ko ang postura at tindig ng kasamang babae ng pulang hari. Kilala ko ang postura at tindig neto at masyado iyong familiar sa akin. Pero ... impossible iyun.

"Samuels, umupo ka. Anong problema mo?" napatingin ako sa guro namin ng magsalita siya pero imbis na umupo ako ay kinuha ko nalang ang bagpack ko at dali- daling lumabas.

Narinig ko pa ang sigaw ng guro namin pati na din ang sigaw ni andrea na pinapabalik ako pero.. Kailangan kong Makita ang kasama ng batang iyun. Kailangan ko siyang Makita.. baka pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata dahil sa na mimiss ko talaga siya. Pero, kilala ko talaga ang postura niya at tindig. Kahit nakatalikod pa siya sa akin.. kilalang- kilala ko siya, pero.. napaka impossible naman talaga.., impossible!!

Pero kahit ganun, dapat ko paring Makita siya para na din makumpirma. Ayokong umasa sa wala at ayaw ko ding paasahin ang sarili ko.

Masyado pa kasing masakit ang nalaman kong patay na siya,. At natatakot akong makumpirmang talagang patay na siya..,

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon