BL7

1.9K 58 0
                                    


"Ate, ate!!" napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pamilyar na boses ng batang lalaki. Kung di ako nagkakamali chad ang pangalan ng kutom- lupang batang iyun.


Pumunta ako sa pintuan at binuksan ito. Pagkabukas at pagkabukas ko ng pinto yumakap agad sa binti ko ang batang ito.


"Na' mish kita.. ate.., huk,. Akala ko.., di kana ..huk magigising..huk" napa sapo nalang ako sa noo ko ng makitang umiiyak na naman ang batang ito.


"Naku naman,. Bata ay este chad wag ka ngang umiyak..," pang aalo ko dito habang nakaluhod na ako sa harap niya at pinupunasan ang kanyang luha. Niyakap niya naman ako sa leeg at yinakap ko na din siya pabalik.


"Ate,. Ito pala si beby bear mo oh,.inalagaan ko yan!" napakalas ako sa yakap sa kanya at tiningnan ang hawak niya. Di ko nakita ang hawak niya kanina hah.


"waahhh.. si vin- vin,. Waaahhhh.. chad salamat at di nawala si vin- vin, naku pagnagkataon patay ako kay mheg.," napa talon talon ako sa tuwa. Tiningnan ko naman ang bata at ayun nakangiti lang ito habang pumapalakpak.


"Nga pala, bakit ka narito? Ang aga pa hah." Yumuko ako para mabuhat ko siya at pinaupo ko ito sa kama ko na hindi ko pa naliligpit.


"Pinapatawag ka po ni doctor Z, tsaka maligo kana daw po at soutin nyo daw po ang uniform na nasa cabinet mo." Nakangiting saad neto sa akin, ang cute naman pala ng batang ito. Di ko akalain na product din ito ng isang experimento.


"Ate, wag niyo po akong tingnan ng ganyan. Okay lang po na naging ganito ako kaysa naman po maltratuhin ako ng aking ama't ina." Napamulagat ako dahil sa sinabi niya.


"Maltrato?? Diba mama mo yung hinahanap mo noon sa barko?"


"Hindi ko po yun mama, ate.., yaya ko lang po yun pero tinuturing ko pong mama kasi mabait siya. Gusto niya po akong itakas sana sa instutusyon ito para po mamuhay ng normal pero mali po pala ako kasi ibebenta niya pala ako sa isang makapangyarihang tao. Noong pagdating natin ditto ko lang po iyun nalaman." Napatahimik ako sa sinabi ng batang ito. Bata ba talaga ito?


"Teka nga chad ilang taong gulang kana?"


"Ate,. 7 yrs old na po ako."


"what the?? 7 yrs old?? Eh bakit parang 4 yrs old ka palang??" nakalabi kong tanong sa kanya pero ngumiti lang ito sa akin dahilan para pang gigilan ko ang kanyang pisngi.


"Aray.., po ate,. Mashakit.. po.. lisgo.., nah pho.. kayosh.. chakit.. po.." napabitaw ako sa pang gigigil sa pisngi niya at mabilis na napatingin sa wall clock.


"Shitt.." mura ko at dali- daling pumasok sa banyo at naligo. Patay ako kapag na late ako, binasa ko pa kasi yung rules and regulation echos echos ng organization na to na naka save sa tablet at yung mapa.,


Di ko lang maintindihan ay mabilis kong natatandaan ang nakita at nalaman ko. It's like nagkaroon ako ng photographic memory in an instant. Isa siguro yun sa epekto ng chemical na iyun. Akalain mo yun, ang palaging makakalimuting si ako ay naging matalas ang memorya.


Pero napangiti nalang ako ng mapait dahil patay na pala ang dati kong katauhan. Napalingon ako sa salamin at pinagmasdan ko ang aking mukha, kuminis ang aking mga balat, pumuti pa ako, nawala lahat ng mga peklat at sugat ko na dapat meron dahil sa mga natamo ko noong accidente sa barko.


Mas humubog pa ang katawan ko at ang mga paa ko din a nagsasalpukan ang aking tuhod tuwing maglalakad ako.


Yung buhok kong may pagka brown ay naging burgundy red na kapag nasa ilalim ako ng ilaw at araw ay nagiging matingkad na red. At yung mata kong dark brown ay naging light brown nah, kitang- kita na talaga ang pagiging brown neto.

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon