BL33

1.8K 54 2
                                    


"Ang tagal naman ng gagong yun. Ano pa bang ginagawa niya diyan??" naiinip na tanong ni vince sa akin habang naka upo kami sa loob ng Lamborghini jarama. Tinted naman lahat ng salamin ng kotse ko, bullet proof at shock proof din ito dahil pina custumize ko talaga ito sa Italy. Kaya di nila makikita ang nagaganap sa loob ng kotse.

"May kakatagpu-in siya ngayon isa sa mga ally nila, kaya kailangan din nating malaman kung sino sila." Sambit ko dito habang pinagmamasdan namin ang nasa loob ng restaurant.Mabuti nalang nga at na hack ko yung mga cctv doon. Nakakonect ito ngayon sa laptop ko at dito kami nanonood.

Bigla akong napaseryoso ng makitang tumayo si walter at nag kamay sa isang lalaking naka tuxedo.Napatingin naman ako kay vince at nakitang totok na totok siya sa screen ng laptop.

"Damn." Mahinang sambit nito ng Makita ang isang taong di niya akalain na makikita niya sa ngayon, nakipag kamay ito kay walter at naupo sa harapang upu-an. Pabilog ang mesa nila at tatlo silang nakaupo sa mesang iyun. Nasa pina ka dulong mesa sila naka pwesto kaya malayo talaga sa mga tao at pina reserve ata nila ang part na iyun dahil wala masyadong nagagawi doon.

"So the 1st and 3rd powerful family of south want to have also the alliance of that damn mafia?" tanong ko kay vince pero nakatutok lamang siya sa screen, bigla niya nalang kilalikot ang laptop ko at nag type ng mga command. Pinalakas niya din ang volume neto para marinig namin ang usapan ng tatlo.

"..I am honored to meet the 1st and 3rd powerful family of south. Di talaga kayo magsisisi sa naging decession ninyong alukin kami ng isang alliance. Balita ko pa naman ay may kaagaw daw si andrea kay Michael vince at ang dakilang kaagaw neto ay isang Rven. Di namin akalain na buhay pa pala ang nag- iisang anak ni zeus noong nakaraang pagtambang ninyo sa kanyang pamilya. May sapagkapusa ata ang babaeng iyun, pero di bali na matutumba na naman siya sa susunod." Rinig naming litany ni walter sa dalawang lalaki. Napatingin naman si vince sa akin kaya napatango naman ako, hinawakan niya lang ang kamay ko at pinisil ito.

"Bakit ganyan nalang ang galit nyo sa mga Rven?" takang tanong ng ama ni andrea kay walter, uminom muna ng wine si walter tsaka tumingin sa lalaki.

"Malaking threat sa amin ang Rven mafia famiglia, simula ng lumabas ulit ang anak ni zeus ay mas naging malakas pa sila kesa sa dati. Unti- unting bumabagsak ang negosyo ng mafia famiglia namin. Pero dahil nga sa isang magaling na leader ang master namin ay nakakaya pa namin ang mafia na iyun. Kailangan lang talagang mawala sa landas ang babaeng anak ni zeus para manghina sila, besides magiging advantage nyo pa iyun dahil matutuloy na ang kasal nina Michael at andrea dahil wala ng sagabal sa inyo." Nakangiting pahayag neto sa dalawa.

"Very well,. Aasahan namin ang alliance ninyo... Castillo de Capo's mafia famiglia." Sambit ng ama ni vince at tumayo na ito at naglakad sumunod din naman ang ama ni andrea at umalis na din sila.

"Bullshitt!!.." singhal ni vince at nakakuyom ang kanyang mga kamao. Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin.

"Wag kang mag- alala wifey ko. Di ako papayag na magkawalay tayo, lalaban ko si ama wag ka lang mawalay sa akin." Sambit neto habang niyayakap na ako, napayakap na din ako sa kanya.

"Humanda kana wifey at tutudasin na natin ang walter na iyan." Medyo galit na sambit neto at kinuha niya ang isang baril at kinasa ito. Napangiti naman ako at pina andar na ang engine ng sasakyan.

-----------------------

"fuck,. Wifey naman.. hinay- hinay naman diyan.." napahalakhak nalang ako sa reaction ni vince, paano ba naman nakangiwi siya habang nakatingin sa unahan habang nakakapit ng mahigpit ang mga kamay niya sa seatbelt niya. Nabitawan na niya nga ang kanyang baril dahil sa takot niya kanina ng patakbuhin ko ng mabilis ang kotse.

"Shitt.." mabuti nalang at mabilis akong nakapag drift kundi nabangga na kami sa isang puno. Bwesit naman kasi eh natunugan kami ni walter na sinusundan namin siya. May dalawa pang sasakyang nakasunod sa amin.

Nagbawas ako ng speed hanggang sa maabutan kami ng dalawang itim na mercedez benz. Sinimulan akong banggain ng nasa kanan mabuti lang nga at nakontrol ko ang manibela. Bigla naman kaming napaigtad paharap ng banggain na naman ako pero sa kaliwang bahagi naman ito na nasa likuran.

Pinagitna-an nila akong dalawa at hinihintay ko lang silang umatake. Nagsimula na silang banggain ako pero wala akong pakialam. Binuksan ko ang bintana ko, nilabas ang baril ko at pinaputukan ang unahang gulong ng nasa kaliwa ko. Nawalan ng control ang nasa kaliwa kaya nagpaikot- ikot ito. Pumreno ako para di kami madamay, babarilin ko din sana ang nasa kanan pero nabaril na pala ni vince iyun. Nagpaikot- ikot pa ang dalawa sa gitna ng daan. Sinirado ko muna ang bintana namin at pinabilis ko naman ang speed ko. Binangga ko lang ang dalawang kotseng nagpaikot- ikot at tulayan na silang dalawang tumalsik sa magkabilang gilid ng highway at bumangga ng malakas sa mga puno. Malakas na pagsabog ang nangyari sa likuran namin pero wala kaming pakiaalam doon. Kailangan ko pang maabutan si walter.

Nakikita ko na ang puting Ferrari enzo ni walter. Mabilis ko namang binuksan ang bintana ko at nilabas ang kaliwang kamay kong may hawak ng baril at ang kanan ko naman ay nakahawak sa manibela. Binuksan din ni vince ang bintanang nasa side niya at nilabas ang kanang kamay niya.

"On the count of 3 wifey,.. 1, 2, 3,," at sabay kaming nagpaputok sa kotse ni walter. Pinunterya namin ang kanyang mga gulong sa hulihan at dahil sa sharp shooter kami ni vince ay nasapol namin iyun.., nawalan siya ng control pero tuloy pa din siya sa pagmamaneho,. Lalabas sana siya kotse niya at tatalon pero di pa siya nakatalon ay pinaputukan ko siya hanggang sa masapol ang ulo, gilid at paa neto. Bumagsak siya sa kalsada habang bumangga sa isang puno at tumagilid ang kotse niya., nadaan ko pa siya kaya sigurado akong lasog lasog ang katawan ni walter.

"Double dead." Amaze na sambit ni vince na nginiti-an ko lang ng pang demonyo..

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon