BL5

2.1K 56 1
                                    


Nakahalumbaba ako sa railings ng barko. Pinapanood ko ang tubig at ang maliliit na alon na nabubuo kapag dumadaan sa mapayapang dagat ang barko.


Habang pinapanood ko ito pumapasok sa isip ko ang mga sandaling nagkasama kami ni mheg. Mheg yan ang tawag namin sa isa't- isa, parang mga tambay lamang.


Bumuntong- hininga ako at tumalikod para pumunta sa comfort room. Well, kung tatanungin nyo ako kung nasaan ako, nasa barko po ako naka sakay ngayon at papunta po akong manila ulit para magtrabaho. Di naman po kasi kami mayaman, namakukuha namin ang lahat kaya kailangan po itong paghirapan.

Kakapasok ko lang sa loob ng cr ng biglang parang tumagilid ang barko. Napahawak ako sa sink dahil nahihila ako pagilid na malapit sa pader kung saan merong may maliit na bintana sa itaas. Masyado pa namang mabigat ang bagpack kong dala dahil di ito pweding iwan doon.


"Shit!" nasambit ko nalang bigla ng makarinig ako ng mga sigawan at patuloy pa din sa pagtagilid ang barko na kung saan na pa balik- balik na ang direksyon neto sa kaliwa't kanan.


Humawak akong mabuti sa sink at sinikap na makalabas sa cr na iyun. Ayaw kong makulong sac r no, kaya pasuray- suray ako kung maglakad papunta sa gitna ng barko.


Nagsisigawan at nagpapanic ang lahat ng madadaanan ko, meron pa ngang nagdarasal at meron ding nag- iiyakan. Ang ibang mga crew naman pina pakalma ang mga pasahero at binibigyan ng life jacket. At meron ding hinahanda na ang life boat kung sakali.


Patuloy pa din sa pagsayaw ang barkong ito at nakikita ko ang apoy na nasa lower deck ng barko, mukhang nasa makina ang problema at nasunog ito at ngayon ay pinipigilan nila ang apoy na lumaki.


"Oh shit!!" sambit ko ulit ng biglang pwersahang tumagilid ang barko at natumba ako at nag slid papunta sa railings, yung ibang pasahero naman nahulog na sa dagat, mabuti lang nga at ang iba nakasuot na ng life jacket.


"Mama...mama!!..,huhuhuhu.. ma, huk..mama.." napatingin ako sa uluhan ko ng marinig ko ang iyak ng isang batang lalaki. Nakahawak siya sa railings ng barko para di mahulog sa tubig pero ang kinakaba ko ay wala siyang suot na life jacket at ganun din ako. At isa lang ang nakikita kong life jacket na malapit sa akin.


"mmama!!!....."patuloy pa din ito sa pag- iyak. Mabilis kong kinuha ang life jacket na maabot ko naman at hinubad ko nang pag-iingat ang bagpack ko dahil mabigat talaga ito at di ako makakagalaw ng maayos if suot ko pa ito.


Hinawakan ko nang mahigpit ang grills ng railings ng barko at pumunta doon sa bata at wala sabi- sabing ipina suot ko sa kanya ang life jacket na nakuha ko. Masyado pa kasi siyang bata para dito at kahit naman sana sa ganitong paraan ay makatulong ako.Nalalapit siguro sa 4 yrs old ang batang ito.

Mabilis lang siyang yumakap sa akin ng maayos ko nang mabuti ang life jacket niya.


"mama..huk.,ma..,huk.." patuloy neto sa pag- iyak.


"shhh.. tahan na.., shhh.." pag- aalo ko sa kanya pero sadyang matitigas talaga ang ulo ng mga bata kaya patuloy pa din ito sa pag- iyak. Nag- iisip pa ako ng paraan kung paano kami makaka survive dito ng tumagilid pa at unti- unting lumulubog ang barko. Napamura na naman ako dahil mukhang mamamatay na kami dito.


Isa lang naman ang naisip kong paraan, kapag patagilid na lumubog ang barko sasama kami sa paglubog sa dagat pero atleast mamasurvive ang bata dahil sa tubig kami mahuhulog ng diretso. Pero kapag bumitaw ako at nagpahulog dito ngayon makakasurvive kaming dalawa at makakalangoy pa palayo bago tuluyang lumubog ang barko at masama kami sa ilalim neto. Pero ang problema ko,. Hanggang saan ang kaya kong languyin? Dahil aminado ako sa sarili ko na palagi akong pinupulikat, kaya nga di ako masyadong pumupunta sa mailalim na bahagi ng dagat kapag lumulangoy kami ng mga pinsan ko.

But, I had no choice.. alang- alang sa bata. Hinawakan ko sa bewang ang bata ng mahigpit.


"Kumapit ka ng mabuti kay ate hah, wag kang bibitaw.."sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko siya sa mata at kumapit naman siya sa akin. Good boy, kahit patuloy pa din sa pagtulo ang luha niya at pagsasabi niya ng mama.

Inabot ko muna ang bagpack ko na hindi pa din nahuhulog sa dagat at binuksan ang zipper neto at kinuha ko doon si "vin- vin". Malalagot ako kay mheg kapag iniwan ko si vin- vin ang sabi pa naman nun wag kong iiwan at pabayaan si vin- vin.


"Bata, sama mo sa hug mo si vin-vin, wag mong bibitawan hah malalagot ako kapag binitawan mo ito at nawala. Okay?" Kinuha niya naman ang teddy bear at sinama sa pagyakap niya sa akin.


Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at sumampa na sa gilid ng railings. This is it,. Napangiti nalang ako ng mapait at tuluyan ng nagpahulog sa dagat habang yakap- yakap ko ng mahigpit ang bata na sinubsob ko sa dibdib ko para di niya Makita ang nangyayari habang yakap- yakap niya si vin- vin at naka cross ang paa sa bewang ko.


"aw, putchaks!!" sambit ko ng may kung anong bagay ang tumusok sa bandang leeg ko at sa gilid ko. Pero kahit na masakit na talaga di ko pa din binibitawan ang bata. Nadagdagan pa ang sakit sa gilid ko ng bumagsak na kami sa dagat.


Lumubog kami sa dagat dahil sa gravity ng pagkahulog namin, at mabilis akong umangat sa itaas para di kapusin sa hininga ang bata at ako dahil masyado talagang masakit ang gilid ko at ang leeg ko.


"Huf..huf..," napapa- ubo ang bata ng mapataas na kami, mabuti nalang at may life jacket siya kaya mabilis lang kaming nakapa ibabaw agad at mabuti nalang at yakap niya pa din si vin- vin.


"Anak??!!.., anak!!!" napalingon ako sa sigaw na nasa likuran ko lang. Kinaway- kaway ko ang aking mga kamay para Makita nila kami.


"Life boat" sabi ko at tiningnan ko ang bata na nakayakap pa din sa akin ang isang kamay at ang isa ay nasa teddy bear ko. Napahawak naman ako sa leeg ko ng maramdaman ko ang hapdi neto.


"What the?? Shit..." isang syringe ang nakuha ko na nakatusok pa sa likudang bahagi ng leeg ko at naglikha ng mahabang sugat. Binunot ko ito at tiningnan, shitt.. anong laman ng syringe na to? Bakit parang may kulay asul na likido sa loob? May doctor ban a pasahero ang barko? O baka nasa medic ng crew ito? Naku naman.., baka lason pala ang laman neto? Paano nalang kung napasok sa katawan ko ang likido?


Napabitaw lang ako sa syringe ng may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ang isang crew pala iyun at may mga naka sakay na sa life boat nila.


Mabilis nilang kinuha sa akin ang bata at pinasakay at tinulungan din nila akong sumampa pero..


"aw.., shitt!!!.. aw..." ngiwi at sigaw ko nang malagyan ng pwersa ang gilid ko sa pagsampa at mukhang may nakatusok pa dito.

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon