"Mommy, anong gagawin mo if nakita mo siya dito?" seryosong tanong sa akin ni baby chad habang papunta kami sa caf, nagugutom daw siya eh kaya sinamahan ko na.
"hmmm.. di ko alam, pero isa lang naman ang gusto ko. Kukunin ko siya.." napangiti na lamang siya sa akin ng sabihin ko iyun.
"Nandito lang ako mommy, tutulungan kita." Hinalikan ko nalang ang pisngi ng batang ito. Siya lang naman at si Dr. Z ang nakakaalam neto.
"Umupo kalang diyan baby chad, anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong ko sa kanya. Mabuti nalang at wala pang mga estudyante dito dahil oras pa ng klase.
"Spaghetti mommy.." masayang sambit neto at tumango lang ako at pumunta na sa counter para umorder ng pagkain.
Bumalik na ako kaagad sa table namin at binigay kay baby chad ang pagkain niya.
Nakakailang subo palang siya ng biglang bumukas ang pintu-an ng caf. Napatigil si baby chad sa kanyang pagsubo at napatingin sa taong nagbukas ng pintuan ng caf na medyo nagmamadali.
"Kuyang suplado!!" masayang sigaw ni baby chad sa taong iyun, di manlang ako tumingin sa kanya. Pero sa presensya palang alam na alam ko na kung sino ang taong yun.
"Mheg." Mahinang sambit niya na nakapag pa bilis ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang kanyang mahihinang mga yapak papunta sa pwesto namin.
"Mheg.." ulit na sabi niya, tila tutulo na ang luha sa aking mga mata. Napatingin naman si baby chad sa akin.
"Mheg., lumingon ka naman mheg." Sambit niya ulit sa tila pumipiyok na boses.
Lumapit pa siya sa akin at ramdam ko na nasa gilid ko na siya. Parang takot siyang Makita ako sa harapan at takot siyang hawakan ako., di ko na kaya, kaya humarap ako sa kanya kasabay ng pagpatak ng aking mga luha sa mata.
"Mheg., ikaw nga.., mheg, buhay ka!! Oh shitt.., sabihin mo di ako nanaginip diba? Sabihin mo,.. mheg.." tuloy- tuloy sa pag agos ang kanyang mga luha sa mata at ganun din ako. Tumayo ako at hinawakan ang pisngi niya at pinahid ang luha doon.
"Mheg.." nanginginig na sambit ko habang nakatingin sa kanya. Pagkarinig niya nun ay mabilis niya akong hinapit at niyakap.
Ramdam na ramdam ko ang sari- saring emosyon niya. Malungkot na Masaya na punong- puno ng pangungulila at pagmamahal. Parang ayaw na niya akong bitawan sa mga yakap niya. Tuloy- tuloy pa din sa pagpatak ang kanyang luha habang napangiti nalang ako at pinahid na ang aking mga luha at yinakap din siya ng mahigpit.
Oh,,. I miss him so much, atlast nagkita na ulit kami..
"Akala ko talaga patay kana,." Mahinang bulong neto habang nakayakap pa din sa akin.
"Patay naman talaga ako hah." Napabitaw siya bigla at nanlalaki ang kanyang mga mata ng sabihin ko iyun. Napatawa naman ako ng malakas dahil sa itsura niya.., priceless..
"wag kang magbiro ng ganyan mheg., wag mong sabihing panaginip lamang ito? Please wag mong sabihin na naghahalucinate lang ako., please mheg, di ko na kaya.. di ko na talaga kaya kapag nawala ka pa ulit sa akin.." napatawa talaga ako ng malakas dahil sa pinagsasabi niya at napahagikgik naman si baby chad.
"umupo ka nga.." at hinigit ko nalang siya paupo sa upuan na nasa gilid ko nasa harap ko kasi nakaupo si baby chad.
Pinagmasdan ko siya at ito tulala pa din siya habang nakatingin sa akin.
"Aray!!" malakas na sigaw niya at kinamot – kamot nalang ang kanyang ulo na nabatukan ko.
"oh ano., nakabalik kana?? Masyadong tulala eh." At napa pout nalang siya sa harap ko. Nasamid naman si baby chad ng Makita ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Bloodline (The Unconditional Love) (complete)
RandomWritten by: rave99_lee Date started: 01/24/16, 2:15 pm Genre: Ramdom (action, romance, teenfiction, sci-fi), RatedPG All rights reserved. Any resemblance to any other stories is pure coincidence. This is a work of fiction; this is just a product of...