"Sigurado ka ba na papasok ka sa paaralan ngayon?" tanong ko sa kasama kong nakaupo sa harap ng hapag at kumakain ng almusal. Napatango naman siya sa akin at inalok ako ng pagkain, kumuha nalang ako ng isang plato at kumuha na din ng sinangag at bacon na may egg at kumain na din.
Di ko alam kung anong plano ng isang ito, paano ba naman pagkatapos naming kausapin kahapon si mama ay bigla nalang siyang tumahimik na siyang ipinagtataka ko.
Kinausap niya din pagkatapos ang daddy niyang si Dr. Z. Di ko alam kung anong pinag- usapan nila pero mukhang seryoso sila at alam kung may kinalaman ito sa Rven mafia famiglia.
"Hubby,." Napa- angat ako ng tingin sa kanya ng magsalita siya.
"Yes, wifey?" nakangiting tanong ko dito, bumuntong hininga siya at hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinisil ito na ipinagtataka ko.
"Be safe always,. I can't promise na nandiyan ako palagi sa tabi mo. And.. I really and sincerely love you vince, please be safe.." kumunot ang aking noo at napatingin direkta sa kanyang mga mata. Hinawakan ko din ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay at pinisil din ito.
"Don't worry wifey,. I'll be safe always,. You too- I really love you Cassandra, I really do please., be back to me after.,"dumokwang ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nawala pa siya sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay hinigit niya ako papasok sa kanyang silid. Binuksan niya ang kanyang mga secret compartment sa loob ng silid niya at kinuha ang ilang mga special daggers at ang kanyang special bow and arrow na nakatago sa isang mahabang suitcase.
Binigyan niya din ako ng ilang mga baril at ammo, pati na din ang isang earpiece at ilang shuriken at daggers. Para kaming sasabak sa gyera ngayon, di naman ako maka reklamo sa kanya dahil mukhang seryoso siya ngayon at ibang- iba ito sa kanyang dating ugali.
Isang maliit na backpack lang na may lamang ilang baril at ammo ang binigay niya sa akin. Kinuha niya ang susi ng kotse niyang black reventon at ito ang sinakyan namin papuntang paaralan.
"Hubby,. Be ready we are about to enter the chaos in hell." Malamig na sambit neto na nakapag pa excite sa akin. Sa wakas,. Makakalaban na din at matatapos na din ang problema namin. Di ko na kailangan tanungin kung sino ang magiging kalaban namin dahil isa lang naman ang gustong mapabagsak ang isang Cassandra Emerald Rven. At ngayon alam ko na kung bakit binigyan ni Cassandra ng dalawang plane ticket si mama papuntang Greece, dahil magaganap na pala ang labanan.
Sa mundo namin dapat palagi kang alerto at handa dahil anumang oras ay di mo alam may magaganap na palang gyera. Kaya kahit mabilis ang lahat ay di kami nagpapanic dahil nakahanda na ang lahat ng mga hitmans ko at ang ilang mga Mafioso at alagad ni Cassandra.
Sana nga lang ay manalo kami., at sisiguraduhin kong kami talaga ang mananalo sa labanang ito.
------------------------------------------------------------------
Do comment and vote guys',. thanks.., :)
BINABASA MO ANG
Bloodline (The Unconditional Love) (complete)
RandomWritten by: rave99_lee Date started: 01/24/16, 2:15 pm Genre: Ramdom (action, romance, teenfiction, sci-fi), RatedPG All rights reserved. Any resemblance to any other stories is pure coincidence. This is a work of fiction; this is just a product of...