BL26

1.7K 52 0
                                    


I parked my baby blue zenvo st1 on the parking lot of this condo building. Nagdecide kasi akong mag condo nlang kasi ang layo masayado ng academy sa mansion.


Masyado pa naman akong tinatamad kung minsan kaya binili ko nalang ang isang unit na nandito sa 9th floor. Dalawang unit lang naman ang nandito sa floor na to at itong unit nalang ang natitirang available, mas gusto ko sana yung nasa harapan nito kasi nasa likurang bahagi ang pwesto nito. At yung akin naman ang nasa harapan, which is kapag tumanaw ka sa bintana eh yung kalsada agad ang makikita mo pero okay na din kesa sa wala.


I unpacked my things at inayos na ito sa mga dapat kalalagyan neto. I even built a secret cabinet for my weapons and private things like my two masks. I am just being extra careful, I still need to protect my identity.


Matapos kung gawin ang pag- aayos sa gamit ko, naligo muna ako at nagbihis. Pupunta muna akong grocery store para bumili ng mga stocks ko dito at mga personal na ka- kailanganin.

I fish my wallet and car keys and then, ni lock ko ang pinto at sumakay na ng elevator. Mabilis din akong sumakay sa kotse ko at pinahururot na ito papunta sa malapit na grocery store na Makita ko.

Pagkarating ko sa store ay kumuha ako ng isang malaking cart at tinulak na ito sa section ng mga meats. Kumuha ako doon ng beef, pork, chicken at ilang mga processed foods like hotdogs, ham and bacons. Kumuha din ako ng eggs, at bumili din ako ng ilang seafoods.


Next stop, condiments, instant foods, veges, canned goods. Pumunta din ako sa girls section, bumili ako ng mga personal necessities and then bumili din ako ng mga snacks ko at drinks.


Halos lumagpas na ang mga kinuha ko sa big cart ko pero okay lang. Pumila na din ako sa counter at mabuti nalang at wala pa masyadong customer kaya mabilis lang na natapos ang pag pa- punch sa mga pinamili ko. Matapos kong mabayadan ang mga pinamili ko ay hinatid ako ng isang staff at pinasok na niya sa compartment ng kotse ko ang mga pinamili ko.

Sumakay na din ako sa kotse ko at nag drive na, pero bago pa ako dumiretso sa condo ay nag drive thru muna ako sa Jollibee at nag take out din ako ng pizza sa yellow cab. Yeah, ako na ang malakas kumain eh sa pake niyo ba?

Nakauwi na din ako sa condo ko at mabuti lang nga at may cart doon sa parking area at tinulungan ako ng isang staff ng condo sa mga dala ko kaya mabilis lang namin itong napasok sa unit ko.

Inayos ko na din ang aking mga pinamili, kompleto na naman kasi sa gamit ang loob ng unit ko at alam ko kung sino ang umayos neto, sino pa ba? Edi si dr. Z lang naman.

Ang theme ng buong unit ko ay white with a touch of black and red. Yeah, I love those colors kaya yan ang kulay ng aking unit.

Pagkatapos kong mag ayos ay umupo na ako sa upuan at sinimulan ng kainin ang binili ko kanina sa jolibee at pinapapak ko din ang pizza.

Bukas makikita ko na ang matagal ko nang gustong Makita. Napangiti na lamang ako sa aking naiisip.

Makikilala pa ba niya ako?

Yan ang tanong ko sa sarili ko ng biglang mapatingin ako sa glass wall ng kitchen kung saan kitang- kita ko ang aking repleksyon.

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon