Isang taon at ilang buwan na ang nakalipas, ganun pa din kaming nasa star section at ang masasabi ko lang naging malala pa kami sa kakulitan.
Palaging nag- iingay sa loob ng room, nagkukulitan, naghahabolan at minsan di maiwasan na magka awayan dahil lamang sa mga maliliit na bagay pero kahit ganun tuloy pa din kami.
Nawala na nga sa isip ko ang tungkol doon sa partner ni babz na gusto kong makilala. Nakita ko lang kasi siya sa photo na pinaskil ng organization noon sa bulletin na nasa stage namin para sa mga votes kung sino ang may pinaka magandang picture sa kanilang lahat.
Hanggang...
"Kas sino na naman to?" tanong ko doon sa cousin ko na ka schoolmate ko din at bestfriend ko din.
"Kaibigan ko yan kas, mabait yan at gwapo.. sige nah, textmate lang naman eh." Pangungubinsi niya sa akin. Bumuntong- hininga nalang ako at tumango sa kanya.
"hehehehehe.., promise, mabait yan!" sabi niya pa sa akin at tuluyan ng naunang maglakad pauwi sa bahay nila. Tiningnan ko naman ang numero na naka save na sa phone ko.
Nagtataka kasi ako noong isang gabi merong nag txt sa akin at gusto maging txtmate daw kami. Tinanong ko naman kung anong pangalan niya at kung saan niya nakuha ang numero ko. Sinabi niya naman sa akin na nakuha niya daw ito sa kaibigan niya na cousin ko pala, kaya ayan kinorner ko yung magaling kong pinsan.
Sabagay, di naman masama at manyak tong txtmate ko kaya pinagbigyan ko nah.
Lumipas ang ilang buwan at medyo naging close na din kaming dalawa. Minsan nga tumatawag pa siya sa akin at nakipag meet na din kaming dalawa. At sa di inaasahan, siya pala yung partner ni babz noon na gusto kong makilala.
Mabait nga talaga at masayahin ang loko, at syempre makulet din pala siya. Minsan nga nakakasabay siya sa kakulitan ko at kapilosopohan. Madalas nga lang siyang matalo sa akin tungkol sa pagiging pilosopo ko. Hehehehee...
Napag- alaman ko din na girlfriend niya pa din ang girlfriend niya. Okay lang naman sa akin yun dahil kaibigan ko na siya. At isa pa napag alaman ko din na barkada din pala siya ng half brother ko.
Sobrang coincidence di ba? Hehehehe.., matagal na niyang barkada yung brother ko, naging kaibigan niya pa yung pinsan ko at naging close din sila ni babz. Ayos!
----------------------------------------------------------------------------------
Lumipas ang ilang buwan at ang masasabi ko lang nagiging comfortable na siya sa akin. Naging close pa kaming dalawa na hanggang sa account sa fb ko pinapahiram ko na sa kanya para makapag laro siya ng ibang games sa fb.
Hanggang sa umabot kami sa sitwasyon na gusto niyang maging girlfriend ako. At ako naman na loko- loko umuo sa kanya, well..
Everything went well, pero syempre di parin mawala na ang lahat na nasa pagitan namin ay isang laro lamang para sa aming dalawa. Aware naman kami na ganun ang turingan naming sa relationshit namin.
Siya na meron pang girlfriend at ako na sikat sa pagiging playgirl. It's just a simple game for us na di namin sineseryosong dalawa dahil alam namin na makakasakit lamang kaming dalawa ng damdamin ng iba.
We have mutual understanding pero sa mata ng iba at ng girlfriend niya were just close friends. I met her girlfriend and the girl was fine for me, I don't know if it is just a facade or whatever but so far she is good.
Minsan sa isang linggo tumatawag pa din siya sa akin at nag- uusap kami ng mga walang kwentang usapan. Natuto na din siyang mambara dahil sa akin at isa lang ang masasabi ko sa kanya masyado siyang fast learner.
BINABASA MO ANG
Bloodline (The Unconditional Love) (complete)
RastgeleWritten by: rave99_lee Date started: 01/24/16, 2:15 pm Genre: Ramdom (action, romance, teenfiction, sci-fi), RatedPG All rights reserved. Any resemblance to any other stories is pure coincidence. This is a work of fiction; this is just a product of...