BL23

1.7K 58 1
                                    


"Cassandra Emerald Rven, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ako na ang bahala sa Castillo de capos. Isang buwan kanang walang tigil sa paghu-hunting sa mga pinuno nila, at idagdag mo pa yang trabaho mo. Ang dami- dami mo nang cliente nag rereklamo kapang kulang pa sila?" Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito sa anak kong ito pero heto at nakahilata lang sa sofa dito sa loob ng mansion namin.

"Dad, I told you. Di ko hahayaan na may gagawin pa sila sa iyo. Ikaw nalang at si baby chad ang natitira sa akin, oh speaking of baby chad. Kamusta na kaya yung baby ko?" napa- tapal ko nalang ang noo ko at bumuntong- hininga.

"Pumasok kana kasi sa paaralan, Sandra. Nandoon ang buong red piece at para naman malimitahan na yang mga mission mo." Isang buwan ko na ding pilit na sinasabihan na pumasok na ito sa paaralan pero heto at ang tigas ng ulo. Ayaw niya kasi graduate na daw siya sa dati niyang buhay o di kaya sasabihin niya na boring lang ang paaralan at alam na niya ang tinuturo doon.

"Hmmm.. okay, papasok ako basta sa isang kondisyon." Napatingin ako ng wala sa oras sa kanya at napangiti. Sa wakas, matitigil na pansamantala ang pagpatay niya.

"Okay, anything darling." Nakangiti kong sambit sa kanya, bumangon naman siya at umupo sa sofa at nakangiting demonyong nakatingin sa akin, teka. Mukhang mali ata ang desisyon ko.

"Hehehehe.., Ipaubaya mo sa akin ang kaso ng mafia famiglia kasama na ang Castillo's at eh open lang palagi ang account ko sa site." Ngiting wagi ang namutawi pagkatapos sa kanyang mga labi.

"Sabi ko na nga ba at mali talaga ang desisyon ko. Sige, tutuparin ko yang kondisyon mo pero once in a week lang ako tatanggap ng client sa account mo at bibigyan kita ng patnubay na magagawa mo ang lahat ng gusto mo sa loob ng academy pero.., isang malaking pero,."

"Gagamitin ko ang red queen at hindi kayo mangingialam sa akin. Okay,. It's a deal." Di pa ako pinatapos at sumabat na siya. Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Iba naman talaga ang sasabihin ko pero naunahan na niya ako. Di talaga ako makakalusot sa kanya.

"Di talaga ako mananalo sayo." Sumusukong sabi ko at tumayo na ito at yumakap sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Heheheh.., what cross wants, cross gets., Dr. Z, sige. Bukas papasok na ako. Ciao!." Yun lang ang sinabi niya habang nakangiti sa akin at umakyat na siya sa silid niya.


Ang batang iyun talaga, isang buwan na ang nakalipas noong pumunta siyang rome at pinatay ang pope doon at doon niya din nalaman ang tungkol sa plano ng Castillo de capo mafia famiglia. Nakakagulat lang na isa sa mga pinuno ng mafia ang pope na pinatay ni Sandra.

Nalaman ko lang ang information iyun ng ikorner niya ako. Wala pa ata siyang balak na sabihin sa akin ang lahat ng plano niya pero napilit ko naman siya na sabihin ito sa akin.


Sa ngayon, gusto ko lang naman na huminto muna siya sa pagpatay dahil kung magpapatuloy pa ito siguradong magiging isang killing machine na siya na hindi makakatulog sa isang araw kapag walang napatay. Pero, mukhang huli na ako dahil sa nakikita ko ngayon nagbago na ng tuluyan ang cross na mabait at may konsensya pa.


Isa na siyang ultimate killing machine at kung minsan nga kahit mga walang kwentang taong makabungu-an niya pinapatay niya kaagad.

Di lang naman kasi ang red queen na katauhan niya ang sikat na sikat ngayon kundi pati na din ang organization name niyang "cross" sikat na sa pagiging "azrael" ang anghel ng kamatayan.

Bloodline   (The Unconditional Love) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon