Chapter 1: Shenley Mae Cruz

3K 62 1
                                    

[Hello?] Pikit pa ang mata ko ng tumawag si Ma'am Che, ang H.R ng La Monte kung saang agency ako pumapasok.

[Shen, pasensya ka na alam kong off mo ngayon, pero wala akong makitang ibang tao, at alam kong kailangan mo to.] Napa-bangon ako bigla ng marinig ko ang bagong raket na ibibigay nito sa'kin.

Kailangan ko rin kasi ng pera dahil dalawang araw ng hindi nakakapag-gamot si Lola ng maintenance nito.

[Oo naman Ma'am pwedeng-pwede. Saan po ba?]

[Sa taguig, may bagong bukas kasi na Bar doon, mag se-serve kayo ng mga alak. 1,500 pesos isang gabi.] Nang-laki ang mata ko ng marinig ko ang presyo kung magkano ang sasahurin ko.

[Sige Ma'am papunta na po ako.]

[Sige. Bilisan mo baka makuha pa to ng iba. 11 dapat nandito ka na.] Nag-madali akong bumangon at iniligpit ang hinigaan ko para maka-punta agad ng La Monte. Dalawang oras pa naman ang biyeha pa Q.C.

"Saan ang punta mo? Akala ko ba wala kang pasok ngayon?" Usisa ni Lola ng makita nitong bihis na bihis ako habang nag aagahan pa.

"May binigay po kasing bagong trabaho si Ma'am Che. Sayang din La, pang bili niyo rin po ng maintenance niyo."

"Pasensya ka na apo, hindi mo naman kailangan gawin ito pero ginagawa mo, sa edad mong yaan dapat ay nag-aaral ka pa at bumubuo pa lang ng pangarap mo. Nahihiya ako sa'yo." Ito naman si Lola naiyak pa! Saka sa panahon ngayon, daig ng madiskarte ang matalino. Tumatanaw lang ako ng utang na loob kay Lola dahil sa pag aaruga nito sa'kin.

Limang taon pa lang ako ng namatay ang Mama ko dahil sa sakit pero naalala ko nun malakas pa si Mama at nung kina-umagahan nagising ako sa iyak ni Lola hindi ko nakita kung ano ang nangyari kay Mama sa kwarto dahil hindi ako pinapasok ni Lola, hanggang sa nag-akyatan na ang kapit bahay namin at dinala ako ni Manang Nena sa bahay nila. Yung erpat ko naman sundalong kano daw ewan ko baka namatay na sa giyera.

Kaya ito dalawa na lang kami ni Lola magkasama sa buhay, wala rin kaming ibang kamag-anak dahil isang anak lang naman si Mama.

"Alis na po ako La, pagbalik ko may dala na kong gamot niyo at ng paborito niyong pan de coco sa kanto." Hinalikan si Lola sa pisngi at nag mano rito.

"Papatingin-tingin ko na lang po kayo kay Manang Nena." Huling bilin ko rito at isinara na ang pintuan ng bahay.

Kay Lola ko utang ang buhay ko, kung hindi dahil sa kanya walang Shenley Mae Cruz sa mundo. Si Lola ang nag-tustos sa'kin sa lahat mula nung namatay si Mama hanggang pag graduate ng high school kaso biglang bumagsak ang katawan nito dahil sa diabetes. Nawala na rin ang pwesto nito sa palengke na pinagkukuhaan namin ng pang-gastos sa araw-araw kaya ito nag aala super woman ako pero ayos lang para naman kay Lola eh.

"Ma-e pasok ka na? Sabay ka na sa'kin." Yun makaka-libreng pamasahe sayang din yung 8.50.

"Salamat Mang Oca, ingat po sa pasada."

"Ingat sa trabaho Ma-e!" Si Mang Oca ang kinalakihan kong tatay-tatayan sa Tondo, siya yung taga hatid-sundo ko sa school nung nag-aaral pa ko.

Siya rin ang nag bansag sa'kin na Ma-e kaya dala-dala ko yung pangalan na yun hanggang pag tanda at sa trabaho.

Saktong alas diyes y medya ay nakarating ako sa La Monte, kita ko mula rito sa labas sila Joan malamang kasama ko sila sa pag seserve mamaya.

"Ma-e andyan ka na pala, oh ito yung isusuot mo yung pin name mo at sapatos." Waitress ba talaga kami? Bakit ganito ka eligante ang isusuot namin? Pero siguro mayaman ang may-ari at hindi basta-bastang bar lang yun.

"Kabisaduhin niyo na yung spill niyo, alas tres dapat naka-alis na kayo dito dahil alas singko ang bukas ng Assault's." Binigay ni Ma'am Che sa'min ang isang papel kung saan naka-sulat ang sasabihin namin sa mga customer.

"Welcome to Assault's Mam/Sir. Enjoy tequila sunrise!" Anong klaseng spill to? Muntik ng tamarin yung may-ari, kahit elementary student kayang gumawa ng ganitong spill.

"Ma-e balita ko elite daw ang mga tao doon, sabi pa binata pa daw yung may-ari at sobrang gwapo! Magpa-ganda tayo baka maka-sungkit tayo ng mayaman dun."

"Hay nako Gie wala kong panahon sa kanila kailangan ko ngayon pang gamot ni Lola."

"Kamusta na nga pala si Lola?" Kilala kasi ng mga ka-trabaho ko si Lola Pinang alam rin nila na kaya ko nahinto sa pag-aaral para matustusan ko si Lola.

"Ayos naman, buti nga tinawagan ako ni Ma'am Che wala na kasing pang maintenance si Lola."

"Girls alas tres na naunahan pa kayo ng mga lalaki!"

Dali-dali kaming lumabas ni Gie sa fittng room ng La Monte.

to be continue...

*****

SPECIAL ANNOUNCEMENT

Alam kong inaabangan ninyo ang kwento ni Shaider Toretto kaya ito na, ire-rate ko po ang story na 'to as R-16 dahil kilala niyo naman po si Shaider Torettokung nabasa ninyo ang Ride or Die (season's)

Sana magustuhan niyo po at tangkilikin. Apir! Yakap

~Ate D.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon