Chapter 12: Lesbian

650 38 1
                                    

Shenley

"Great! Pakisama yan!" Natutulala ako sa mga pinag bibili ng kapatid ni Shaider. Siguro dalawang damit na lang mapupuno na yung cart na dala-dala namin. Ultimo kasi sapatos at kolorete sa mukha ay binibili niya.

"What should I call you? Ate Shenley or Miss Shenley?" Tanong ni Sheridan habang pumipili ng blouse sa isang boutique.

"Shenley na lang." Sagot ko rito. Hindi kasi ako kumportable kung isa sa mga choices niya ang pipiliin ko dahil kapatid pa rin siya ng boss ko.

"Mas bagay kung Ate Shenley!" Kumindat ito sa'kin saka deretso ng pumunta ng counter area habang ako naman ay tulak tulak ang cart na puno ng mga pinamili niya habang lahat ng tao ay naka-pukaw ang tingin sa'kin. Siguro iniisip nila na bagay na bagay ang cart sa itsura ko o di kaya nagtataka sila na bakit sangkaterbang damit ang dala ko eh mukha naman akong dugyot.

"You know what, I like you!" Napatingin ako kay Sheridan ng bigla itong mag salita at akmang hahawakan ang kamay ko pero mabilis akong umiwas sa ganda niya kasing yun hindi ko naman akalain na tibo pala siya, kahit na panay pang-babae ang pinamili niya. Natawa ito saglit saka tuluyan ng hinawakan ang kamay ko.

"Hindi tayo talo!" Pag di-sang ayon ko dito. Pahigpit kasi ng pahigpit ang hawak ni Sheridan sa kamay ko kaya dineretsa ko na siya.

"Hahaha! Oh my G! Hindi ako lesbian. I mean I like you as a person. Alam ko kasing mabuti kang tao para sa kapatid ko!" Okay adik ba siya? Medyo wala kasi sa hulog yung sinasabi niya eh.

"Kahit na May and December affair ang peg niyo boto ako sa'yo." Mabilis akong bumitaw sa pagkaka-hawak sa'kin ni Sheridan para sabihing walang namamagitan sa'min ng kuya niya na boss ko.

"Pero miss Sheridan hindi po kami ng kuya mo. Secretary lang po niya ako."

"I bet he likes you." Napa-hinto ako sa pag lalakad habang si Sheridan ay dumeretso na ng paglalakad papunta ng counter area. Bigla kasing nang lambot ang mga tuhod ko kasabay ng pag bilis ng tibok ng puso ko kaya napahawak ako ng mabilis sa dibdib ko.

"Ate Shen tara?!" Tumango ako saka nag lakad ng mabilis papunta rito.

***

Sumama si Sheridan papunta ng Barracks para ihatid ako. Gusto ko sanang tumanggi pero nag pumilit ito kaya punayag na rin ako.

"Thank you miss Sheridan." Paalam ko rito pag baba ng sasakyan.

"Wear it tonight." Inabot nito ang isang paper bag madali akong tumanggi dito pero lumabas ito ng sasakyan saka pilit na pinahawak sa'kin ang paper bag na pinamili niya lang kanina.

"Sige na ate, it's my way saying thank you." Pag pupumilit nito. Nang tuluyan ko ng nahawakan ang paper bag ay agad itong sumakay ng napaka-gara niyang sasakyan.

"Salamat miss Sheridan!"

"No, thank you ate! Thank you for coming into my boo's life." Bakit ba lagi siyang nag papasalamat na dumating ako sa buhay ng kapatid niya? Samantalang hamak na sekretarya lang naman ako nun, at isa pa hindi ako ang tipo ng babae na magugustuhan nun, pangalawa ilang linggo pa lang kaming mag kasama sa trabaho.  Teka nga bakit ba ang guilty ng nararamdaman ko? Nag a-assume ba ko?

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon