Chapter 5: Second Time Around

869 39 1
                                    

Shaider

Hindi porket gwapo ako wala na akong karapatan magutom kaya sinulong ko ang kahabaan ng Roxas Boulevard para mag hanap ng makakainan.

Muntik ng kumawala ang k-gwapuhan ko sa pagkatao ko ng biglang may kumatok ng napaka-lakas sa window glass ng kotse ko kaya bahagya ko itong binuksan.

"Miss alam kong gwapo ako pero pasensya na hindi kita type!" Hindi porket gwapo ako eh kaladkarin na akong lalaki.

"May humahabol sa'kin tulungan mo ko!" Ano bang akala ni Ate? Dead kid ako at maniniwala ako sa modus niya? Baka mamaya pag samantalahan niya pa ako sa loob ng sasakyan ko pag hinayaan ko siyang maka-pasok.

"Tangna seryoso ako pag-buksan mo ko!" Lumingon ito sa kanan side niya kaya napalingon rin ako. Napansin ko ang dalawang lalaki na nag-mamadaling tumakbo at palinga-linga na parang may hinahanap kaya nataranta na ako at pinagbuksan ko siya. May puso rin naman ako kahit na hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi niya.

"Miss bakit naman kasi anong oras na nasa kalsada ka pa?" Nabigla ako ng yakapin ako nito at nadama ko ang bilis ng tibok ng puso niya kasabay ng pag hinga nito ng malalim.

"Salam-- Ikaw? Napaka-malas mo naman ngayong araw na to! Una hahabulin ako ng mga manyakis na yun. Ngayon naman ikaw?! Ang dahilan kung bakit nawalan ako ng trabaho!!"

Tama ba ung narinig ko? Ako malas?

"Miss teka lang ah! Una hindi ako malas! Para sabihin ko sa'yo bukod akong pinagpala sa lalaking lahat at pangalawa hindi kita kilala!" Ang lakas ng tama nitong babae na to sabi ko na eh modus to.

"Shenley Mae Cruz. Kung naalala mo pa nawalan ako ng trabaho dahil napag-kamalan kitang waiter!"

Sabi ko na eh pamilyar yung mukha nitong babae na to! Siya yung waitress sa Assaults pero nawalan siya ng trabaho dahil napagkamalan niya akong waiter? Eh anong connect nun? Anong kinalaman ko dun?

"Buksan mo to bababa na ko!"

"Ganoon lang yun? Wala man lang thank you pogi?!"

"Leche! Bakit ako magpapa-salamat sa'yo? Mukha mo!!"

Gusto ko ng humagalpak ng tawa pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka mas lalong uminit ang ulo nito at saksakin na lang ako bigla sayang naman ang mga babaeng humaling na humaling sa'kin.

"Teka saan mo ko dadalhin?" Hindi ko to pinansin at ini-start ang engine ng sasakyan. Bahala siyang magtititili pero gutom na talaga ko.

"Ang ingay mo eh nagugutom ako lalo!"

"Ibababa mo ko! Rapist! Manyakis! Drug addict! Magnanakaw!"

Tinakpan ko ng kaliwang kamay ko ang bibig nito para tumahimik siya pero nagkaka-kawag to na parang butiking pasay.

"Aray! Potek aso kaba? Bakit ka nangangagat?" Pinreno ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan ko dahil sa sakit ng kamay ko.

"Ibababa mo ko dito! Leche kang pangit ka manyakis!" Aba't ako pa ang manyakis eh siya nga tong nang gigil sa k-gwapuhan ko at kinagat ako!

Bumaba ako ng kotse at pinag-buksan ito. Ngayon ko lang napansin na napaka-dilim pala ng lugar na pinag-hintuan ko at kaunti lang ang sasakyang dumadaan at kotse ko lang ang nandito ngayon. Pag baba nito ay nag-palinga linga siya ng tingin.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon